Chapter 13

867 30 28
                                    

-Seth

Nagising ako ng maaga sa di malamang dahilan..wala akong magawa at maisip na gawin sa mga oras na 'to kaya napagpasyahan kong dalawin si athena...

Si Athena Evangelista.ang babaeng nagpapaalala saking nakaraan..ang babaeng namumukod tangi sa kagandahan..sya yung tipo ng babae na sa unang tingin ay suplada dahil sa tahimik sya pero ng makausap at makaharap ko sya ay napagtanto kong special sya at naiiba..

Di na ko magtataka kung bakit halos lahat ng kalalakihan sa university ay ninanais na makuha sya..nakakatawa ngang isipin na khit kami ni lance ay parang ulol na hinahabol habol sya..magkaiba nga lang kami ng rason o intensyon kung bakit namin parehong nagustuhan si athena..

Parang kailan lang ay ganitong-ganito din kami dati ni lance..kay dianne..pareho kaming nagkagusto sa kanya..nagkataon lang na maswerte ako at ako ang pinili nya..ironic nga pakinggan kasi yung sitwasyon na naman na kapwa namin kinalalagyan ni lance sa kasalukuyan ay naganap o nangyari na naman..ang pagkakaiba nga lang..siya ang nauna kay athena at ako naman itong umaastang kontrabida sa pagitan nilang dalawa..

Nakakatawang isipin na ganito ang kinahinatnan ng barkadahan na minsang nabuo sa amin ni lance..nakakalungkot lang kasi nasira lang ang lahat dahil sa selos at inggit na namuo sa pagkatao nya.

------------------

Nagmamadali akong magbihis at maligo..isinuot ko ang puting tshirt at itim na pantalon na madalas kong isinusuot kapag nasa kondisyon akong pumorma..

Pinaresan ko pa ng puting rubber shoes ang puting damit ko para bumagay sa porma ko..

Inilabas ko agad ang motorsiklo ko sa parking area ng condo unit ko at agad na hinarurot ito hanggang makarating ako sa malaking bahay o mansyon nila athena..

Madalas akong magawi dati sa lugar nila athena dahil malapit lang din sa bahay nila ang bahay nila dianne at ng pamilya nya..madalas kong makita dati si athena kapag tumatambay ako kila dianne ng mga panahong nabubuhay pa ito..parang kailan lang.parang kailan lang ay pangarap ko lang na maisakay si dianne sa motorsiklong pinapangarap ko..parang kailan lang ay pinangarap kong ipagmayabang kay dianne na nakuha ko na ang motorsiklong gustong-gusto ko..

Agad akong bumaba sa motorsiklo ko at agad naglakad papuntang gate...nagdoorbell muna ko at naghintay sa labas ng malaking bahay..maya-maya ay pinagbuksan ako ng isang lalaking matipuno na nakaunipormeng puti..

s

"Sino po ang sadya nila rito?diretsong tanong ng lalaki..sabay tingin sa relong nasa kamay nya..

"Andyan ba si Athena Evangelista?!diretso at matipid kong sagot sa kanya..

"Sino yan raymond?biglang singit ng magandang babae na paparating sa amin..

"Ako po si Seth Ortiz..pagpapakilala ko sa babaeng nasa harapan ko na..hinahanap ko po si athena evangelista..nariyan pa po ba sya?kasintahan nya po kasi ako kung hindi nyo po naitatanong..pagpaliwanag ko sa magandang babae..

Napangiti ito sa akin at agad akong pinapasok sa gate..

"Ah.ganon ba..ikaw pala ang tinatago at sinisikreto nyang boyfriend..pabirong sabi ng magandang babae na nagpapasok sa akin..

"Opo.ako nga..proud kong sagot sa babaeng maganda..

"I'm alicia evangelista..mother ni athena...come in join us on our breakfast..nakangiting yaya nito sa akin..

"Sige po..magalang kong sagot sa mama ni athena.

Maya maya pa ay pinaupo ako nito sa upuan na may mahabang mesa..

Borrowed Visage(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon