Chapter 17

46 1 0
                                    

“Dence, yung totoo natutulog ka pa ba?” bungad sa akin ni Mika nung magkita kami sa HL. Bukas na yung academic competition kaya excuse kami buong araw sa mga klase namin para magreview/magpractice para bukas kaya andito lang kami sa HL buong araw.

“What made you think na hindi ako natutulog?” sagot ko sa kanya. Napagpasyahan kasi naming magbreak muna dahil kanina pa kaming 8am nag-aaral dito. At ang gusto kong gawin ay umidlip muna kaya lang etong kaibigan ko, mukhang walang balak na patulugin ako.

“E kasi naman, look buong araw academics, tapos after class volleyball, then pag-uwi sa bahay pag tinatawagan kita lagi kang nagrereview kaya yung totoo, may social life ka pa ba?” at ayan na naman po ang pagtatanong niya kung may social life pa ako. Ilang beses ko na ba sinabi dito sa babaeng ‘to na may social life ako.

“How many times I need to tell you Mika, I still have social life. Hindi mo kailangan ulit-ulitin ang pagtatanong kasi paulit-ulit lang din ang isasagot ko sayo. Now, can you give me atleast 30 minutes dahil gusto ko talaga umidlip.” diretso kong sagot sa kanya. Kilala na ako ni Mika kaya alam niya na gusto ko talagang matulog pag ganyan na ako sumagot. Itinaas na lang niya ang kanyang dalawang kamay tanda ng pagkatalo kaya pumikit na ako para makapagpahinga, ang sama din kasi ng pakiramdam ko.

Ilang minuto pa lang ako nakakapikit ay bigla namang nagring yung cellphone ko, hindi ko na nilagay sa silent mode dahil hindi naman ako magkaklase ngayon at andito lang naman kami sa HL. Hinayaan ko lang magring ng magring dahil ayoko talaga dumilat dahil masakit ulo ko. Nung tumigil sa pagriring yung cellphone ko akala ko okay na pero nagring ito ulit at pinansin na ni Mika.

“Bes, kung sino man yung tumatawag sayo, hindi ba niya alam na class hours?” inaantok na sabi ni Mika. Natutulog rin pala ‘tong babaeng ‘to.

“Bes, can you check who’s calling? Masakit kasi ulo ko ayoko muna dumilat.” Pakisuyo ko sa kanya, naramdaman ko naman na gumalaw siya at siguro ay tinignan na kung sino yung tumatawag sakin.

“Dence, unknown number. You want me to answer it?”

“No. Akin na.” diretso kong sagot pero hindi pa rin ako dumidilat, migraine na ata ‘to. Pero I need to take this call, dahil alam ko kung sino ang tumatawag dahil nasabi ko sa kanya na nasa HL lang ako ngayon buong araw. “Thank you.” Sabi ko kay Mika after niya iabot yung cellphone ko.

“Hello.”

 

Hey. Bakit antagal mo sagutin? Tanong sa akin nung nasa kabilang linya.

“Sorry, taking a nap e.”

 

Wala kang tulog kagabi?

 

“Meron. I’m not feeling well. Masakit ulo ko, migraine ata.”

 

E diba bukas na yung competition mo? Kaya mo pa ba? Tatawag ako sa bahay para masundo ka. Nag-aalalang sagot niya sakin. Sa loob loob ko, natutuwa naman ako dahil nadagdagan yung mga taong may extra care sakin.

Blood VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon