The Accident (SevenYrs.Ago) ~ Prt.1

7 0 0
                                    

Kianne and Zayn Smith the parents of Kazimri Shane, Zukia Kayne and Zack Frin Smith.

Kazimri Shane Smith (5 yrs. old)

Zukia Kayne Smith (8 yrs. old)

Zack Frin Smith (14 yrs. old)

~ ~ ~ ~ ~  Third Person's POV

Masayang nagbobonding ang mag-asawang Kianne at Zayn sa ZK Mall kasama ang kanilang anak na si Zukia Kayne.

Si Kazimri Shane ay di nakasama sakanila sapagkat ito'y tulog nang kanilang puntahan sa kwarto nito.

Si Zack Frin naman ay busy sa mga eksperimento nito sa kanyang sariling laboratoryo.

Pumunta na sila sa Arcade World at sinamahang maglaro ang anak nang mapansin nilang ito'y napahinto at tila may tinitignan.

"Kayne baby, what's wrong? why did you stop?" tanong ni Kianne kay Kayne. Pero bigla itong tumakbo palabas ng Arcade World na tila may hinahabol. Sinundan nila ito dahil nag-aalala sila na baka may mangyaring masama sa kanilang anak.

"Baby, Ba't ka biglang tumakbo? " agad na tanong ng mag-asawa ng tumigil ito. Ngunit palinga-linga lang si Kayne at parang may hinahanap.

    "Asan na yun? Ba't nya kami sinusundan? Masama ang kutob ko dun sa lalaking yun." sabi ni Kayne sa isipan.

"Kayne, Are you alright? " tanong ni Zayn at hinawakan ang magkabilang balikat ng kanyang anak para humarap ito sa kanila. Tiningnan lang sila ni Kayne at maya-maya'y tumango.

Napangiti nalang si Kianne, a sad smile. Di kasi nakakapagsalita si Kayne dahil sa nagkaroon ng infection ang lalamunan nito at pansamantala munang di magagamit ang boses nito pero di alam ng mag-asawa na nakakapagsalita na ito dahil di sinasabi ni Kayne.

"Hon, Lets go to Cooperia Restaurant. I'm sure Kayne is hungry na. Diba baby?" tanong ni Kianne sa asawa at bumaling kay Kayne. Tumango ulit si Kayne bilang tugon.

Pagkarating sa Cooperia Restau. pumwesto agad si Kayne sa table na katabi ng glass wall. Gusto nyang pumwesto dun dahil kita nya ang mga nangyayari sa labas. Nag-order na sila ng kakainin. 

Maya-maya ay biglang may tumawag kay Zayn, ang secretary nito sa trabaho. Agad syang nag-excuse sa mag-ina at lumabas sa Cooperia marahil ay importante ang kanilang pag-uusapan.

Pagkalipas ng limang minuto ay nakaramdam naman si Kianne ng tawag ng kalikasan kaya nagpaalam sya sa anak.

"Kayne baby, Pupunta lang akong comfort room okay? Dito ka lang. Wag kang aalis ha? Don't talk to strangers." paalala ni Kianne sa anak. Tumango-tango lang si Kayne at umalis na si Kianne. Tinuloy nalang ni Kayne ang kanyang pagkain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Zukia Kayne (On-Going)Where stories live. Discover now