Letter para kay Ateng Malandi

149 5 6
                                    


Dear Z,



Hi Z! Ginawa ko itong letter na ito para naman mailabas ko ang mga mapapait kong saloobin sa iyo na noon ko pa kinikimkim sa damdamin. Sayang kasi ang pagkakaibigan natin kung sa personal ko sasabihin nuh? Pero sana, sana mabasa mo naman para marealize mo kung gaano ka kalandi :).


Noong Una kitang nakilala. Napaka bait mo pa. Hanggang ngayon naman eh, mabait ka padin. Ginagalang kita dahil syempre, Ate kita. Mas matanda ka sa akin. Ikaw ang panganay sa Klase natin nun eh! At tanggap ko na bunso ako. Oo, ginagawa ko itong letter na ito dahil gusto kita pangaralan kahit na ikaw dapat ang gumagawa noon sa akin :)


Ikukwento ko muna ang mga nangyari bago ka dumating sa mismong eksena kung Saan mo pinairal ang kalandian mo okay? Kaya chill ka lang dahil mamaya pa ang masasakit na salita :)


Dumating noon ang Bestfriend ko Simula Elementary pa sa School na pinapasukan natin. Angganda nya diba?. Ang Layo namin sa isat-isa at hindi mo mahahalata na mag best friend kami. Now back to Reality!. So ayun sakto at nagbukas sila ng Store nila malapit sa lugar natin kaya naman pumupunta tayo doon minsan para magawa ng Projects, Assignments, Etc.


Doon ko nakilala ang Crush ko. Noong Una, hindi nya pa ako pinapansin pero hindi nagtagal---dahil sa pagpunta ko sa Store nila Bestfriend--- ay nagpakilala sya sa akin. Muntik na akong hindi makahinga nung mga time na yon. Sya kasi ang unang nagpakilala! Pakshet lang! Syempre hindi ako nagpahalata na gusto ko sya. I smiled awkwardly to him. Kinikilig pa nga ako nung mga panahon na iyon palagi kasi naalala ko kung gaano sya ka-gwapo! Pero it didn't last long dahil umepal ka Z! Umepal kayo ng maganda kong bestfriend! Sht :)


Narinig ko kayong naguusap sa School. You two are talking about him. Humihingi ka pa nga ng payo kay Bestfriend nun dahil hindi mo alam ang icha-chat mo sa Crush ko. Alam mo bang na-hurt ako nun? Pakshet lang. Bwiset kasi hindi ko agad nasabi sa bestfriend ko yung nararamdaman ko at naunahan mo pa akong tipaklong ka! :)


At sa tuwing pumupunta naman ako sa Store ng Bestfriend ko. Palagi ka nalang nya ikinuwento sa akin. Tungkol sa inyo ni Crush. Hindi ba masakit yung mas gusto nung ibang tao yung Crush mo sa iba? Tapos Bestfriend mo pa? Natakot kasi ako at nahiya na mag sabi sa kanya ng totoo kasi baka naman asarin ako nun kay Crush dahil close sila. As in super close. :)

Pero tawa lang :)


The days came sa school na wala na akong ibang narinig sayo kundi si ano ay ganito, si ano ay ganyan. Fck! Nasusura ako sayo! Hindi ko lang nasabi kasi hindi ako kasing Kapal ng mukha mo na kayang i-chat ang Crush nya. Edi wow nalang :)


At dumating yung time na pumunta ako sa Store ng Bestfriend ko at saktong nandoon si Crush. Syempre natuwa ako nun kasi another day na kasama ko sya sa isang Bubung. Excited ako nun kasi Kahit na hindi ko naman nakakausap si Crush ay libre naman ang tumingin diba? Pero tumigil din yon ng sa bawat pasimple kong pagtitig sa kanya ay napagalaman ko sa sarili ko na wala sa ating dalawa ang gusto nya. Kundi ang nagiisa at kinakapitan kong bestfriend. :)


Pagkatapos ng araw na iyon ay nanood agad ako sa Youtube ng 'kung paano mo malalaman na crush ka ng crush mo' at confirm nga! Crush nya ang bestfriend ko. Ouch :)


(Don't worry magkakaroon ito ng Story. Doon ko na ilalagay ang bawat details about naman sa background nilang dalawa ;)


Kaya naman I decided na itigil na ang nararamdaman ko habang maaga pa. Ayoko nga na may ka-share ako sa kanya nuh! Gusto lang kita sumaya Z. Because your my Ate. I tried telling you na baka may crush ng iba si him pero kasi akala mo joke lang yun kaya hinayaan na kita. Sinabi ko sa sarili ko na malalaman mo din sa Tamang panahon. :)


At dumating na nga ang araw na iyon. Napa pansin ko na minsan mo nalang nabanggit sa school si Ex-Crush ko. At Masaya naman ako para dun. Pero potek mapaglaro si tadhana. :)


Nagkaroon naman ako ng Isa pang Crush na kaibigan naman ni Ex-Crush. Gwapo din naman sya. Pero kapag palagi akong pumupunta sa Store nila Bestfriend, hindi naman sya tumatawa. Tumatawa kang sya sa mga kaibigan nya at kapag napatingin sya sa Cellphone nya. Ang Gwapo nya tingnan kahit yon lang. Paano pa kaya kung dahil sa akin ay ngumiti sya?



Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko nung mga time nayon pero AGAIN! Dumating ka na ulit sa Store nayun bwiset. Ako na palaging pumupunta doon ay hindi pa sya nagiging ka-close although yung ibang barkada nya ay kilala ko na. Ikaw na ikaw lang ulit ang nakapunta doon. Napangiti mo sya. Nakita ko sya na lumapit sayo at nagalingan sayo dahil Isa ka 'daw' magaling na tiktoker. Masakit na ulit. Bumalik eh.




Simula noon, alam ko napapansin nyo na na naging loner akong tao. Malalim ang iniisip. Well baka yung tungkol sa masakit na puso ko. Naka ilang Mura na ako nun pero hindi ko nasabi. Kaya kinimkim ko nalang. At ang naging resulta ay ang pagiging tahimik ko.



Alam mo yung feeling na ipinaubaya mo na nga ang lalaking nagpapasaya sayo sa iba tapos kung kailan naman nakahanap ka na ng iba, sya naman ang magkakagusto sa iba. Ansakit sakit.



A/N: Guys I'm freaking crying right now while I write this part. With the mix of background music here in bed na 'Spring Day' ng BTS! Shetttt! Mamatay na ang marurupok! *dies*




Hindi ko naman masasabi na Friendly ka diba? Kasi habang nakikipag landian ka don kay Crush ay may ka-chat kang ibang lalaki na taga dito din sa lugar natin. Yung totoo? Mauubusan ka ba ng lalaki? Tang*na!





Hinayhinay lang please. Nakakatanga ka na eh. Sorry sa language ah? Nanggigil yung Author eh. Peace yoww :')




Masaya ako kahit na ganun. Kasi nakaranas akong masaktan. That's why napa pansin nyong lahat na parang ang bitter ko masyado. Sorry. Hindi ako katulad nyo eh. Mga Perfect. Cute na nga, matalino pa. :')



Again, Isang malaking PAKYU sayo Z. Napaka Landi mo. Sana kung mabasa mo ito ay maintindihan mo na ang nararamdaman ng mga taong nakapaligid sayo. Don't be selfish. Learn to Love Right. With Loyalty. Hindi katulad ng isang laro na basta basta ka nalang susugal ng hindi pinapakialaman ang desisiyon ng iba. :')


Concern, A

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear Ateng MalandiWhere stories live. Discover now