CHAPTER THIRTY TWO

36 4 2
                                    

KABABABA ko lamang sa kotse ng mapansin ko, ang pagparada ng puting kotse ni Alden sa may garahe namin. Mabilis na umibis mula roon si Soujhiro, ito ang nagdrive sa kotse ng kapatid ko.

Binuksan nito ang passenger seat. Laking pagtataka ko, nang makita kong inaalalayang lumabas nito si Alden. Nagmadali akong lumapit sa kanila ng makita kong muntik nang mapahandusay si Alden sa lapag.

"Ano bang nangyari at lasing na lasing 'tu?" Taka kong tanong kay Soujhiro. "Hindi ko alam bro. May pinagdadaanan yata," maiksi nitong sagot sa akin. Agad kong isinampay sa aking balikat ang braso ni Alden. Nakapikit na siya, mukha na itong natutulog.

Agad ng sumakay si Soujhiro sa naghihintay na kotse ni Clem, tiyak babalik sa Al fresco ang mga ito.

Dahan-dahan kong inakay papasok ng mansiyon si Alden, nangangamoy ang pinaghalong alak, suka at ang pabango nito rito. Agad kong tinawag ang isa sa maid na magdala ng pamunas sa kwarto nito.

Pagkahiga, agad ko ng hinubad ang suot nitong polo at maong pants, agad kong binuksan ang pintuan ng may kumatok. Agad kong kinuha ang basin na may lamang maligamgam na tubig.

Pupunasan ko na ito, nang makarinig akong muli ng marahang katok. Tumayo ako at marahan kong binuksan ang pinto.

Bigla ang pagsasalubong ng aking kilay ng makitang si Maine ang nasa labas, may halong pag-aalala ang mukha nito. "What are you doing here Maine? Gabi na ah," nagtataka kong tanong sa kaniya. Maiksi kong tinapunan ng tingin si Alden na nanatiling tulog.

"Pwedi ko bang makita si Alden, Greg? Tinawagan kasi ako ni Clem na lasing na lasing raw siya," kababakasan ng lungkot ang tinig nito.

"Bukas nalang Maine, tulog naman na ang kapatid ko. Hindi rin mo siya makakausap ng matino. Sa iyo na nanggaling lasing na lasing siya," eksplika ko sa kaniya. Sasaraduhan ko na sana siya ng pinto para maumpishan ko nang punasan si Alden ng bigla ay itinukod ni Maine ang isa niyang kamay sa hamba ng pintuan.

"Can we talk G-Greg?" Puno ng lumbay ang mababakas ko sa tinig nito. Kababakasan ng desperasyon ang mukha niya.

"Okay just wait me a minute in the living room, aayusin ko lamang si Alden. Nanlalagkit na kasi ito." paliwanag ko rito nang tumango siya. Agad ko ng isinarado ang pinto, malumanay kong dinampian ng basang bimpo ang mukha ni Alden. Maski ang leeg at katawan nito 'y aking pinunasan.

Maglilimang-minuto na ng matapos ko itong mapunasan.inilagay ko nalang sa gilid ang ipinampunas ko. Nagi-iwan din ako ng aspirin, para pag-sakaling manakit ang ulo nito kinabukasan ay mayroon na itong maiinom. Isang mabilisang tingin ang ginawa ko, bago ko ipinasyang lumabas na sa kaniyang kwarto.

Naglakad ako papuntang living room, kung saan naroroon si Maine, nakita kong inaasikaso pa siya ng dalawang katulong. Agad akong umupo sa kaibayong upuan. Agad akong uminom sa kapeng inilapag ng aming katulong. Ilang minuto rin bago nakuhang umimik ni Maine.

"Greg alam mo ba ang dahilan, ku-kung bakit nagkakaganiyan si Alden?" Tanong ni Maine, parang mababasag ang boses niya dahil sa napipinto niyang pag-iyak. Agad ang pagsasalubong ng aking kilay. Bigla ang pagsalakay sa akin ng pagtataka.

"Wala akong nalalaman sa nangyayari ngayon kay Alden, Maine. Hindi ba't kayo ang magkarelasyon. . ." Usisa ko rito.

Pamayamaya bigla na lamang pinangilidan ng mga luha si Maine, bigla akong nataranta. Agara ko siyang nilapitan at hinimas ang kaniyang likod. Hanggang sa halos nakayakap na siya sa akin. Hindi ko maiwasan mag-init, ramdam na ramdam ko kasi ang kalambutan at init na nagmumula sa katawan niya. Kahit nakasuot ito ng damit.

"Please tell me what's bothering you right now?" Tanong ko sa kaniya kapagdaka.

"Greg hindi ba talaga ako karapa't-dapat seryusuhin?" Garagal ang boses na tanong niya sa akin. Masasalamin sa mata niya ang labis na pagdaramdam. Bigla-bigla ay naguluhan ako sa nais niyang ipabatid sa akin.

"What do you mean about that Maine? May ginawa ba ang kapatid ko?" Bigla ay nakaramdam ako ng mga sandaling iyon ng galit patungkol sa kapatid kong si Alden.

Agad siyang napailing-iling nang mapansin niya ang pag-iiba ng aking mood. "W-Wala siyang ginawa sa akin, bigla-bigla kasi siyang nanlamig sa akin sa mga nakalipas na araw. Pakiramdam ko, he become a totally stranger to me. . ." bigkas niya mula sa pagitan ng kaniyang paghikbi.

Hindi ako nakaimik sa mga sandaling iyon, magaan kong hinalikan ang ituktok ng buhok niya.

Marahan ko siyang inilayo sa katawan ko. Kapag 'di ko iyon ginawa ay baka makagawa ako ng hindi nararapat. Kahit naman nagkakaroon na sila ni Alden ng hindi pagkakaunawaan, hindi iyon ang magiging dahilan para lalong makigulo ako sa relasyon ng mga ito. Kapatid ko si Alden kahit papaano.

"Magiging okay din kayo ni Alden, Maine. Don't worry, halika ihahatid na kita magaalas-onse na," maagap kong sabi rito. Tumango naman siya, pero nanatili pa rin hilam ng luha ang kaniyang mga mata. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla iyon magbukas, agad akong natigilan ng makita kong papasok si Papa, kasama niya si Mama at ang mommy ni Bridgette.

Maski si Maine ay natigil din sa paghakbang. "Magandang gabi iho, sino ba 'yang kasama mo?" Nakangiting tanong ng mama ni Bidgette.

Nag-alis muna ako ng bara sa lalamunang bago ko nasagot ang tanong niya. "Kaibigan ko po," maiksi kong sagot rito. Matipid lamang silang nginitian ni Maine. Nakalagpas na kami sa kanila ng biglang umimik ang Mama ni Bridgette. "Sa tingin ko hindi mo lamang siya basta kaibigan Greg, siya ba ang nobya mo?" Nakataas ang sulok ng labi nito. Ang pagkakangiti nito'y hindi masasabing totoo. Tila nanunuya ito sa mga sandaling iyon. Tinapunan ko lamang ng tingin si Maine, mabilis nitong iniiwas ang tingin sa lahat.

"Kung wala na po kayong sasabihin tita, mauna na kami. Ihahatid ko pa kasi si Maine," pamamaalam ko sa lahat.

Napataas ang kilay nito, muli na naman itong nagsalita, sa ngayon may halo ng pang-uuyam at sarkasmo ang tinig nito. "What's her name? Maine. . . Maine Sanchez right? So ikaw nga. Ang ex girlfriend nitong si Greg na ngayon ay nobya naman ni Alden!"

Bigla-bigla ang pagdako ng sulyap ni Maine rito. Pasimple kong hinawakan ang kamay niya, sinenyasan kong manahimik lamang ito. Ramdam ko ang tensiyon na namuo rito. Alam ko na nagpipigil lamang siya sa mga sandaling iyon.

Bigla ang paglipad ng tingin ko kay Tita nang muli itong umimik, nasa tinig niya ang panggigilalas. "My God mare, pumapatol pala sa hampas-lupa at tira-tira ang mga anak niyo! If I were you Greg, dont loose your integrity to that kind of woman just---" Ngunit hindi ko na siya pinatapos. "Did you hear yourself , who's talking right now tita, kung pag-uusapan ang integredad kung makapagsalita kayo mayroon kayo niyon. Oo, mahirap sina Maine pero hindi naman po valid reason iyon para bastusin niyo siya ng ganiyan. Infact according to what've you said, girlfirend siya ni Alden. For your info Tita, 3 years na kaming hiwalay ni Maine ng maging sila. Maine is not the kind of women you're pertaining at all she's . . ." but of all a sudden naputol ang iba ko pang sasabihin ng biglang nagsalita si Maine.

"Tama na Greg, kahit anong explain mo kung sarado ang utak ng taong kausap mo, wala rin silbi iyan. We better leave."

Mabilis na siyang naglakad palabas ng mansyon namin, habang nanatiling hawak niya ang palad ko.

Nanatili na walang kaimik-imik ang mga naiwan namin sa loob ng living room sa mga sandaling iyon. Hindi yata nila napaghandaan ang mga salitang nanulas sa bibig ni Maine.

Nakarating kami sa garahe ng mansyon na nanatiling magkahawak ang kamay. Agad nitong binitiwan ang kamay ko nang mula sa isang banda umibis sa kaniyang kotse si Bridgette. Nasa mukha nito ang pagtataka, habang ipinaglipat-lipat niya ang mga kamay namin na magkahawak sa mga sandaling iyon. . . 

✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon