Unexpected Love
'Isang babae na biubully. Mas kilala bilang si Ms. Nerd o Ms. Piggy. Araw-araw siyang pinagtutulungan nila Michelle, Adrianna, at ng buong grupo nila na mas kilala bilang Totally Spice. Ako, si Catherine Ford Padua, na mas kilala bilang Ms. Nerd o Miss Piggy ay nangangarap na mabago ang buhay niya. At balang araw, ako na ang pinakasikat sa buong campus. MARK THAT.' Pagkatapos ko itype sa online diary ko iyon ay lumabas na ako ng library sa campus namin at dumiretso na sa next class ko.
"HOY! BABAENG HAMPASLUPA NA MATABA NA WALANG KWENTA!"
Hayy. Iyan nanaman sila. Ang Totally Spice. Kala mo naman sobrang hot nila para gawing spice ang pangalan ng grupo nila. Ano sila? Sili? -__- Aba, anong akala nila saakin? Porke't ba mataba ako at nakasalamin, hindi na ako pwedeng lumaban? Sa mundong ito ngayon, hindi na uso ang palampa-lampa. Malnourished lang ang pwede! Che!
"Oh?" sabi ko
"At sumasagot ka na ngayon?" Tinaas ni Michelle yung isang kilay niya tapos sinabi niya sa mga alipores niya, "Girls.." tapos nag smirk siya. Uh-Oh. Wrong timing ata ah.
Susugod na sana yung mga alipores niya kaya napapikit na lang ako pero bakit wala pa ring sumusugod saakin?1..... 2.... 3.... 4.... 5....
Pagkadilat ko nasa harapan ko sila tapos nakatingin sa likod ko. Kaya tumingin rin ako sa likod ko tapos nakita ko ang limang lalake sa unahan ko na nasa likod ko kanina. Gwafuu :*
"Hoy! Ano yang ginagawa niyo? Bakit niyo pinagt-tripan yang babaeng yan? Dahil ba sa ganyan yung katawan niya at yung itsura niya ay kailangan niyo nang laitin? Tignan niyo nga muna yang sarili niyo bago kayo manghusga ng ibang tao" sabi ata nung pinakaleader nila.
Grabe pinagtitinginan na kami ng lahat. Nakakahiya. Tapos lumapit sakin yung pinakaleader nila tapos hinila ako kung saan man. Speechless ako? Oo. Bakit? Yun kasi yung first time na may nagtanggol sakin bukod sa mga magulang ko at sa bestfriend ko. Ito naba yung simula? Magbabago na kaya ang buhay ko?