Unang Yugto

35.5K 655 32
                                    

"Anna, mag-gagabi na, oh. Kailangan na nating umuwi," nag-aalanganing ani ni Julia. Tumango naman ako sa kanya at inayos ang mga ginamit namin libro.

Ibinalik namin ang mga ito sa mga shelves. Nasa public library kami para sa pagrereview namin sa exams. Kulang-kulang sa school namin kaya naman dito na kami pumunta.

Kinailangan kong pumunta sa may gilid ng kuwarto para sa malaking librong kinuha namin. Nailayo ako kay Julia na nag-aayos naman ng bag sa gitna ng kuwarto. Habang inilalagay ito ay nakaramdam ako ng mga matang nakamasid sa akin.

Kinakabahan akong lumingon sa malawak na bintana sa may 'di kalayuan ng likod ko. Wala akong makita bukod sa kadilimang bumabalot sa munting bukirin sa tabi ng gusali. Wala naman akong nakita kaya iwinaksi ko nalang ang kabang naramdaman ko.

Lagi nalang akong nakakaramdam ng ganitong takot. Kapag nag-iisa ako o 'pag may pinupuntahan, pakiramdam ko ay may nanunuod sa bawat galaw ko. Nagmamasid at nakatayo lang sa malayo...

"Anna, bakit nakatayo ka pa diyan?" Natauhan ako sa tawag sa akin ni Julia. Binalingan ko siya ng tingin at nakahanda na siyang umalis. Iniling ko nalang ang mga iniisip ko at tinungo ang kinatatayuan niya.

"Ayos ka lang ba? Namumutla ka," nakakunot ang noo na tanong ni Julia. Umiling ako at nginitian ko nalang siya. "Pagod lang 'to."

Nagpa-alam kami sa matandang nagbabantay ng library at naglakad na patungong hintayan ng dyep.

"Lagi ka nalang tulala, ah. May problema ka ba? Sabihin mo lang." Inangat ko ng tingin si Julia at nakatingin siya sa akin. Nakahawak siya sa slingbag niya at may pag-aalalang tinitignan ako.

Nawala sa kanya ang atensyon ko nang mapansin ko ang pigura ng isang tao sa likod ng sirang streetlight sa 'di kalayuan. Nararamdaman ko ang mga mata niyang nakatingin sa amin.

Iwinagayway ni Julia ang kamay niya sa harapan ng mukha ko.

"Ha?" Napatingin ako sa kanya.

Kumunot ang noo niya at binalingan ang streetlight na tinitignan ko kanina. "Anong tinitignan mo run?"

"Ah. Eh. Nagtataka lang ako kung kailan ba nila aayusin yan," palusot ko. Mukhang naniwala naman si Julia sa akin. Maya lang ay nakarating kami sa hintayan ng dyep.

"Mukhang matatagalan tayo dito, Anna. Madalang na ang dyep sa dis oras ng gabi."

Tinanguhan ko si Julia at nadismaya rin. Pagagalitan ako ni mama dahil ginabi ako ngayon. Lagot na.

Sa kamalas-malasan ay puno naman ang dyep na dumaan at walang bumababa sa kinaroroonan namin. Naramdaman ko ang pag-nginig ng cellphone ko sa bulsa ko. Binuksan ko ang message na matanggap ko at si mama ang nagtext.

(Anak, gabi na. Bakit hindi ka pa umuuwe? Naku, Anna, ha? Malapit na ang exams ninyo. Hindi ka na dapat nagpapagabi. Kasma mo ba si Julia, anak? Uwe ka na, ha? Mag-ingat ka.)

Napangiti ako sa text ni mama. Kahit nagagalit at nag-aala na, nagiging caring pa rin.

Nanginig ulit ang phone ko at isang hindi ko kilalang numero ang nagtext.

(Magandang gabi, Anna. Ingat ka sa pag-uwi. Huwag kang mag-alala, lagi kitang binabantayan.)

Tumindig ang balahibo ko sa laman ng mensahe niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at nagpawis ang kamay ko sa kaba.

"Anna, bakit pinagpapawisan ka ng ganyan?"

"Ha?" Ini-angat ko ang tingin ko sa kanya pero hindi ko pa rin maalis ang takot na nararamdaman ko. Kumunot ang noo niya at sinapo ang mukha ko. "Ikaw, Anna, ha? Bakit ganyan ang mukha mo. Sa library ka pang ganyan."

"Ma-masama lang ang pakiramdam ko..."

Nasagot ang dasal ko ng may tumigil na dyep sa tapat namin. Tatlong pasahero lang ang nakasakay nang pumasok kami. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone ko.

Gusto kong isipin na baka isang biro lang ito. Na pinagkakatuwaan lang nila ako pero bakit iba ang sinasbi ng utak ko? Bakit parang may mas malalim na nangyayari?

Natigilan ako sa biglaang preno ng dyep kaya napasandal ako sa katabi ko. "Sorry po," dinistansya ko agad ang sarili ko.

"Ayos lang," sabi niya. Tiningala ko siya dahil sa naramdaman kong pagbilis ng puso ko. Ka edad ko lang ang lalaking katabi ko at nakangiti siya sa akin.

Matipid akong ngumiti pabalik nang sikuin ako ni Julia. "Anna, 'kin na bayad mo para pagsama ko na."

Tinanguan ko siya at binigay ang bayad ko saka niya pinalitan ng buo ang barya para ipagsama ang bayad namin.

Ibinigay niya sa akin ito at ipina-abot ko sa katabi ko. Nakangiti niya pa rin itong tinanggap.

Nakaramdam ako ng ilang sa buong biyahe dahil sa pagtitig sa akin ng katabi ko. Parang napakalapit niya sa akin at ayoko sa kabang nararamdaman ko.

Naprapraning nanaman ata ako. Tama, Anna. Naprapraning ka lang. Huwag kang mag-isip masyado.

Sa wakas ay nakarating na rin ako sa street namin. "Para, po."

Una akong bumaba kay Julia at medyo pinagpapasalamat ko iyon dahil na-iilang ako sa nakatabi ko. "Ingat, Anna," nakangiting pagpapaalam ni Julia.

"'Kaw rin."

Sa pagbaba ko ay naramdaman ko ang titig ng lalaki sa akin. Hanggang sa pagbaba ko ay nakasunod ang tingin niya. Minabuti kong bilisan ang paglakad ko pauwi.

Wala pang isang minuto ay nasa tapat na ako ng gate namin. Mabuti at naghihintay roon si mama kaya nakapasok ako agad. May puwersang nagdulot sa aking lumingon sa kung san at laking takot ko nang makakita ako ng parehong pigura na nakamasid.

Napalunok ako bago pumasok ng tuluyan sa bahay habang nakayakap sa braso ng aking ina.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon