Syne's POV"Bakit itinago mo sakin ang totoo?"
Nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata nya habang hinihintay ang sagot nya.
Yung sagot na dapat magiging solusyon sa mga katanungan ko.
Yung sagot na sana magpaintindi sakin ng rason kung bakit hindi nya sinabi.
Kasi kahit anong gawin kong hanap ng dahilan, hindi ko maintindihan kung bakit tinago nya sakin na.. may sakit sya.
Sinundan ko sya ng tingin habang bumabangon sya mula sa pagkakahiga. Umupo sya ng maayos sa hospital bed, pero halatang nanghihina pa sya mula sa pagkakatulog nya.
"Ngayong alam mo na, makakaalis ka na.." sabi nya ng mahina.
Nung marinig ko yung sinabi nya, tumayo ako sa kinauupuan ko.
"Anong sabi mo? 'Makakaalis ka na'?" Huminto ako. Pakiramdam ko sasabog ako sa sakit na nararamdaman ko.
"PAGKATAPOS KITANG PANUORIN NA NAKARATAY DYAN SA HINIHIGAAN MO NG DALAWANG LINGGO NA HINDI KO ALAM KUNG MAGIGISING KA PA BA O ANO, SASABIHIN MO LANG SAKIN, 'MAKAKAALIS KA NA'?!" Hindi ko na napigilan at napaiyak na ako.
"DAHIL HINDI MO KAILANGAN NG TAONG MAMAMATAY SA BUHAY MO, SYNE! WALA NA AKONG SILBI! KAYA UMALIS KA NA!!! IWAN MO NA AKO!!! ALIS!!!!!!!!!"
Kasabay ng pagsigaw nya ang paghagis ng lahat ng gamit na mahahawi ng kamay nya. Nabasag din ang vase na nasa side table nya nakalagay.
"HINDI AKO AALIS! HINDI IKAW ANG MAGSASABI KUNG ANONG DAPAT KONG GAWIN!" Sigaw ko sa kanya.
Nakayuko lang sya habang may pumapatak na luha sa kumot na nasa ibaba nya.
Ito ang unang beses na nakita ko si Gab na umiyak.
He seems so weak and fragile.
And I hate to see him miserable like this. Ako yung mas nasasaktan kapag nakikita ko syang ganito.
Nung medyo kumalma na sya, tinanong ko sya ulit.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na may sakit ka? Wala ba akong halaga sayo? Hindi mo ba ako nakikita as.. partner mo? Gab, girlfriend mo ako.. At mahal kita.." Paliwanag ko habang tuloy-tuloy ang agos ng luha sa pisngi ko.
"A-ayaw lang kitang masaktan..."
"Sa tingin mo, hindi ako nasasaktan ngayon?" Pinunasan ko yung luha ko. "Ano yun, magugulat na lang ako na isang araw bigla ka na lang mawawala? Mas okay sayo yun? Ayos lang sayo makita akong halos mabaliw kakaisip kung anong nangyari sayo?"
Hindi sya sumagot. Nakayuko pa rin sya at hindi tumitingin sakin.
Nakita kong may sugat yung kanang kamay nya at puno ng dugo. Dahil siguro sa vase na nabasag nya kanina.
Dahan-dahang nilapitan ko sya.
Kinuha ko yung damit nya na nakalagay sa side table at ipinulupot yun sa kamay nya para mapigilan ang pagdudugo.
Hinayaan nya naman akong gawin yun pero hindi pa rin sya nagsasalita.
Pagkatapos ko bendahan yung kamay nya, umupo ako sa tapat nya.
Hinawakan ko yung magkabilang pisngi nya.
"Love, tumingin ka naman sakin oh.." I leaned on his forehead. "Please?"
Unti-unti, iniangat nya ang ulo nya at tumingin sakin. Basang-basa yung mukha nya ng luha. His eyes.. tells everything.
"Mahal mo ba ako?" I asked him.
Hinawakan nya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi nya at hinalikan ito.
"Higit pa sa buhay ko.." He answered.
"Then let me stay by your side.. Hayaan mo rin akong mahalin ka.."
He took a deep breath and then he hugged me tight.
"Thank you for staying with me.. " He gave me a kiss on my forehead.
"I love you," I whispered.
"I love you most,"
***
3rd Person's POV
Simula nung araw na yun, mas pinahalagahan nila ang bawat oras.
They spent each day like a gift.
Namamasyal sila sa mga lugar na hindi pa nila napupuntahan.
Every night pinapanuod nila ang mga bituin sa langit, habang nakaupo sa bridge kung saan nagsimula ang lahat.
"Love, shooting star oh! Wish tayo dali!" Sabi ni Syne at dali-daling ipinikit ang mga mata nya at pinagdikit ang mga palad sa harapan.
"Sana, madami pang umaga at gabi na makakasama ko si Gab.. Sana.. wag niyo pa syang kukunin sakin,"
Sabi ni Syne sa isipan nya. Kasabay noon ang pagtulo ng luha sa mga mata nya.
Nakatingin lang si Gab kay Syne habang nakapikit ito at humihiling. Hindi nya maipaliwanag ang saya na nararamdaman nya kapag nakikitang ganito kasigla ang babaeng pinakamahalaga sa buhay nya.
Pero hindi pa rin maiaalis noon ang katotohanang, bilang na lang ang mga oras na makikita nya ito.
"Kaunting oras na lang.." sabi nya sa sarili nya. Pagkatapos ay napangiti sya ng malungkot.
Tumingin sya sa kalangitan at nagsimulang sabihin ang kanyang hiling.
"Sana, kapag nawala na ako.. Makahanap si Syne ng bagong magpapasaya sa kanya,"
Pumatak ang mga luha sa pisngi nya sabay bumulong ng "Pakiusap..."
BINABASA MO ANG
See You at Midnight
RomanceWhen the darkness surrounds me, I have found a light and see you there.