Hi! Guys, susubukan ko na talagang matapos 'tong story na'to. Matagal narin akong di nakagagawa ng story pero eto ulit ako, umaasa na makatapos ng isang story. Pasensya na po king napapangitan kayo sa flow ng story hindi po ako professional, hope you'll understand.
×××××
Cielo's POV
*ringgggggg...ringgggg*
nagri-ring ang alarm clock ko!!! Pag-tingin ko sa orasan... 6:30 am na! Shzzzzz OH MY GASS, dahil dyan dali-dali akong tumayo. . .Naligo, nagbihis, kumain at nagtoothbrush. Ang bilis diba?! Parang kanina lang kakagising ko lang tapos naligo, nagtoothbrush at ayun! Tapos rin!
3 years ago nadin ang nakakaraan at yung kaibigan kong mahilig magmuk-mok, umiyak sa isang tabi at walang ginawa kundi tumingala at mag-isip ng kung anu-ano na si Abby? Ayun! Moved on na, letseng babaita yun crush palang iniiyakan at nasasaktan na! Eh pano pa kaya kung nagka-shota pa yun?! Yayks!
"Anak! Di ka pa ba aalis?" Sabi ni Mama. Oo nga pala papasok nanaman ako sa bago kong school hayys ang hirap makipaghalu-bilo! Panibagong pakikipag-kaibigan nanaman, medyo di parin ako makapag-adjust kasi naman palipat-lipat pa ng bahay buti nalang malapit ang mga magulang namin ni Aby at pumayag sila na pasamahin si Aby saamin.
"Eto na po bababa na po!" Sabi ko kay Mama. Wala nanaman akong naiwan sa kwarto ko kaya lumabas at bumaba na ko para maka-alis na ng bahay.
"Alis na po ako," sabi ko kay Mama at bumeso rin. Mabait naman ako eh. May pagka masungit lang minsan.
Umalis na ako, nagsimula na kong mag-lakad. Wala ang Tatay ko, naglakad lang tuloy ako.
Malapit lang ang pinapasukan kong eskwelahan dito kaya nama'y di nagtagal at nakakita ko ng tricycle na pepuwede kong sakyan papuntang eskwelahan. Actually medyo malapit na ko, sabihin na nating 1 kilometro pa bago makapunta sa eskwelahan, ang lapit diba.
Dahil nga pala transferee ako sa school na pinapasukan ko, kailangan kong makisalamuha sa mga bagong mukha, buhay nga naman. Naka-ilang lipat nadin kasi ko ng school, ngayong fourth year na ko! Sa wakas! Matatapos narin ang adventure ko dito sa Pilipinas, buti sana kung sa iba't ibang bansa nadedestino yung tatay ko edi ayos lang sakin ang palipat-lipat ng eskwelahan kaso—
"Miss, nandito kana!" Ay! Kabayo. Lintek na driver 're
"Eto po ang bayad," pasalamat ka mabait ako! Bigla nalang umalis ang tricycle at ako? Naiwan dito sa harap ng school. Akma nakong papasok sa school ng biglang—
"NO I.D, NO ENTRY Miss!" Sabi nung Guard. Akala ko ako napatingin tuloy ako sa may blouse ko kung suot-suot ko ba ang I.D ko. Suot ko naman pala eh.
Nandito na ko sa hallway at tinitignan ang tarpaulin na nakapaskil sa pader, hinanap ko na ang number ng room nung section ko. Nakalimutan ko kasi eh, alam nyo na ang Lola nyo, ulyanin.
×××××
- 30 minutes later -
BINABASA MO ANG
CrushPNLNKEPPKKLove ✔
Teen FictionSa pag-ibig, hindi lahat nakukuha, hindi lahat ibinibigay at lalong hindi dapat umaasa. Pero, paano naman kung gusto mong maranasan ang umibig? Kung maraming hindi at bawal? Madaming Rules ang pag-ibig at isa narito ay yung 'Never Expect & Never Ass...