One Kiss (One-Shot)

106 7 13
                                    

Alyssa's POV

Nandito lang ako sa may bintana ng room habang tinatanaw sya sa labas na may kasama na namang ibang babae.

"Hanggang kelan mo ba sya gugustuhin ?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Mace, isa sa mga matalik kong kaibigan.

"Hindi ko din alam pero sapat na sakin an-" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang makita kong halikan nya yung babae.

"Ang sakit nun" tiningnan ko sya at tumango tango. Nakita din pala ni ellenly yon. Matalik ko ding kaibigan si ellenly.

"Lalabas muna ako" hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at lumabas na ko ng classroom. Umakyat ako sa rooftop saka humagulgol.

Ang sakit na eh ! Sobra ! Matagal ko na syang gusto at laging tinatanaw. At sa araw araw na pagtanaw ko sa kanya, iba ibang babaeng kasama nya ang nakikita ko.

Hindi ko alam kung bakit minahal ko pa yung lalaking yun. Na walang ibang ginawa kundi saktan ng palihim yung puso ko.

"I hate you ! I hate you edmar !" Hindi ko na napigilang sumigaw. Naiinis ako .. naiinis ako sa kanya pero mas naiinis ako sa sarili ko. Bakit kasi hindi ko pa ibaling sa iba tong nararamdaman ko ?

"Alyssa" ang boses na yun. Ang boses ng taong mahal ko. Ang taong dahilan ng sakit na nararamdaman ko.

Humarap ako. Nakatitig lang ako sa kanya. Yung taong matagal ko ng gusto. Yung taong ang perpekto ng itsura. Matangos ang ilong. Mapungay ang mata. Mapula ang labi. At napakakinis ng maputing balat.

Natawa ako sa naisip ko. Mukha na kong tanga sa harapan nya. Umiiyak tapos tatawa.

"Bakit ka nandito ?" Please .. sabihin mong sinundan mo ko.

"Ah magpapahangin lang sana" OUCH. Bakit kasi umaasa pa ko ? Eh alam ko namang kahit kelan hindi nya ko magugustuhan dahil kaibigan lang ang tingin nya sakin.

Lumapit ako sa kanya. Yung tipong sobrang lapit namin.

"Na-" hinarangan ko ng daliri ko yung bibig nya.

Nilapit ko pa lalo yung mukha ko. Hanggang sa nararamdaman ko na ang hininga nya.

"Gusto kita" at hinalikan ko sya. Isang halik na puno ng pagmamahal.

Isang halik na sa isang tao ko lang nais ibigay.

Wala na kong pakialam kung isipin man nyang malandi ako o easy-to-get na babae.

Hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko.

Hindi ko na kayang tumahimik na lang habang nakikita syang may kasamang iba.

Sobra na kong nasasaktan at nagseselos.

----------

"Alyssa may bisita ka !" Nagising ako nang marinig ang sigaw ni mama.

"Sandali lang !" Niligpit ko yung pinaghigaan ko.

Pagkalabas ko ng kwarto, nilapitan ko agad si mama.

"Ma asan po yung bisita ko ?" Wala naman akong nakikitang tao dito sa sala.

"Nasa labas"

Lumabas ako.

Nakita ko sya.

Si edmar, ang taong nakakuha ng first kiss ko at hindi ko pinagsisihan na binigay ko yun sa kanya.

"Alyssa i want to talk to you" lumapit ako sa kanya pero hindi na kasing lapit ng nangyari kahapon sa rooftop.

"Ba-bakit ka nandito ?" Nahihiya pa din ako sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Kiss (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon