Chapter 1 : Misteryong Bumabalot sa Baranggay Mahamog

174 3 0
                                    

Ako nga pala si Michael high school student bunso sa apat na magkakapatid kami lang ng lola ko ang magkasama dito sa probinsya dito sa Palawan Baranggay Mahamog habang ang isang kapatid ko ay may asawa na at ang dalawa ay nag-aaral pa ng college habang ang tatay ko ay nagtatrabaho sa ibang bansa sa Middle east bagamat hindi masyadong malaki ang sweldo ni tatay doon ay nakakain kami ni lola at nakakapag-aral ako dahil kay tatay araw-araw siyang tumatawag sakin bago ako matulog habang break time niya sa trabaho, bilib talaga ako kay tatay dahil nagagawa niyang kamustahin kami ni lola kahit na sobrang pagod na siya. Tinatanong ko ang aking lola kung nasaan na ang aking ina at paulit-ulit niyang sinasabi na "Wala na siya apo nasa langit na". Nalulungkot ako dahil, hindi ko manlang naalala ang mukha kahit nga litrato wala. Hinihiling ko lagi na kahit sa panaginip lang ay maka-usap ko siya kahit sandali lang pero sadyang pinag da-damutan ata ako ng kapalaran. Nakatulog ako sa pag-iisip at nanaginip akong naglalakbay ako sa tabing-dagat nakakarelax habang pinagmamasdan ko ang araw na lumulubog. Tuluyan ng lumubog ang araw habang binabalot ng itim na ulap sabay malalakas na kulog at kidlat ang laman ng kalangitan at may narinig akong tawa ng babae sa kaliwa ng aking taenga "hihihihih" ang tawang narinig ko kakaibang tawa, parang tawa ng isang mangkukulam at bulong ng isang babae at ang sabi "Anak alis na ", tatlong  beses na ulit habang humihina.

Pagkagising ko mga 3 am pasado noon ay nag muni-muni ako at may narinig ulit akong bulong malapit sa aking kanang taenga "Anak alis na", isang boses ng babae ang narinig ko tatlong beses habang pahina ng pahina at tumayo ang mga balahibo ko, dinedma ko na lang at inisip baka imahinasyon ko lang iyon para mawala ung takot ko. "Apo gising na kakain na", sigaw ng aking lola "Sige po na riyan na po", tugon ko kay lola. Pagkatapos kong kumain naligo ako habang naliligo ako may nakita akong isang paa sobrang itim at may mga dugo ang paang nakita ko at kinatok ako ng tatlong beses sabay tumagos sa pinto ng banyo napaupo ako, pumikit at nagdasal na lang hanggang sa dumilat ako wala na ang babaeng iyon. Nagbihis na ako kasi may pasok pa ako sa school. "Lola alis na po ako", paalam ko kay lola. "Sige apo mag-iingat ka ah", tugon niya sabay halik sa aking pisngi. Hindi ko na nabanggit kay lola ang nangyari dahil akala ko dulot lang iyon ng matinding pagod kaya marami akong nakikitang kung anu-ano.

4:45 am habang naglalakad ako medyo madilim pa, isang babaeng nakabungot ng itim ang nakatayo sa aking harapan mga limang metro ang layo "siya yung kaninang babaeng nasa banyo ah" sabi ko sa sarili ko, unti-unti siyang lumalapit habang ang mukha niya ay unti-unti rin niyang ipinapakita sa akin, tumingin ako sa mukha niya at nakita ko ang sarili ko, pumasok sa isip ko na siya ang mama ko kaya naman lumapit ako sa kanya at unti-unti niyang niyu-yuko ang ulo niya noong lumalapit na ako sa babaeng nakaitim narinig ko ulit ang boses ng babae na nagsasabing "Anak alis na Anak alis na Anak alis na", tumindig ang mga balahibo ko at tumingin ako sa babae at napasigaw isang babaeng demoyo ang nakita ko may sungay at labas ang bungo niya malapit sa kanyang labi tumakbo ako ng tumakbo ngunit paulit-ulit lang ang tinatakbuhan ko habang kakaibang tawa na sobrang lakas ang naririnig ko. Hanggang sa sumikat ang araw at narinig ko na nawala ang kakaibang tawa at nawala na ang babaeng nakaitim pati ang dinadaanan ko ay hindi na paulit-ulit.

Noong nakarating ako ng school nag bell at tumakbo ako paakyat ng room namin. Usap-usapan ang pagkawala ni Mang Berting ang pang gabing gwardiya ng school namin wala naman itong nakakaaway ang sabi ng mga kaklase ko pinatay daw ngunit di pa makita kung saan ang bangkay mayroon daw kasing mga dugong tumulo ngunit hanggang gate lang. Ang sabi ng mga pulis sinakay ito sa isang Van. Isang katanungan ang naglalaro sa isip ko"Ano ang  intensyon ng mga taong iyon samantalang wala namang nawala na gamit sa iskwela?". Habang nasa room kami at nag eexam napatingin ako sa bintana dahil wala na akong maisagot. Andyan na naman siya ang babaeng nakaitim nakarinig na naman ako ng tawa, napapikit ako at pagdilat ko nasa harap ko ang babaeng itim sabay tili sa harap ko napakatalim ng boses na iyon Pakiramdam ko nabasag ang mga bintana at ang salamin na suot ko. Tinakpan ko ang aking taenga at napasigaw ako ng "huwag tama na!". Nagising na lang ako at naramdaman ko na maraming nakapalibot sa akin ang mga kaklase ko kasama ang guro ko sinasampal ako ng best friend ko at pinapaypayan ako ng guro ko, sobrang hingal na hingal ako binigyan din nila ako ng tubig nakadalawang baso ako. "Michael anong nangyayari sa iyo?" Tanong nila sa akin pero hindi ako nagsalita hanggang sa matapos ang klase. Habang bumababa ng hagdan kasabay ko ang best friend kong si Makoy kinakausap niya ako pero hindi ko maintindihan ang kanyang mga sinasabi. Hanggang sa mahimasmasan  ako habang naglalakad.  Naghiwalay kami ng daan dahil sa kibalang baryo pa ang tirahan niya. "Oy! Pre dito na ko ah mag-ingat ka." Sabi niya sa akin."Sge pare ingat ka rin salamt ah", tugon ko sabay tapik ng kanyang likod.

Alas syete ng gabi napakahamog, napakalamig ilaw lang ng mga bahay sa ibaba ng bundok ang mga nakikita ko at wala akong ibang naririnig kundi ung mga kuliglig sa paligid ko. Sa aking paglalakad may nakita akong isang manikang sunog at puno ng karayom ang mga paa pumasok sa isip ko na isang mangkukulam ang pumatay sa babaeng itim. Habang nagmamadali ako pauwi sa bahay ibinato ko palayo ang manikang iyon. Naarinig ko ulit ang boses ng babae "Anak tumakbo ka na andyan na siya" sobrang linaw ng pagkakarinig ko, tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang babaeng nakaitim kumaripas ako ng takbo habang ang babaeng nakaitim ay lumulutang papunta sa akin at nakakita ako ng matulis na kawayan at agad kong dinampot huminto ako at hinahabol ko ang pag hinga ko sabay bato ng kawayan nakita kong tumagos ang kawayan sa kanyang katawan ngunit hindi ko manlang ito nasugatan pero pansamantalang nawala ang babaeng nakaitim at agad namang naalala ko ang sabi ng lolo ko sa akin ang kawayan ay isang magandang sandata sa masamang ispirito ngunit hindi ito nakakapuksa ito'y nakakasakit lamang ng masasamang ispirito. Pinulot ko ulit ang kawayan at agad-agad na tumakbo papuntang bahay namin. Usap-usapan ang pagkawala ni Kagawad Erick dahil halos isang buwan na itong nawawala, ni bangkay nya hindi makita. Parehas na parehas ang nangyari kay Kagawad Erick at kay Mang Berting. "Siguro ay kinukuha sila at pinapatay para maibenta ang kanilang mga laman loob sa intsek siguro trip-trip lang nila pero bat ganoon na lang sila kung maka patay ng tao?", tanong ko sa sarili ko. "ay! basta bahala na pucha pag oras mo na oras mo na." Sabi ko sa sarili ko.

Pumasok ako ng bahay at ikinwento ko lahat ng nangyari sa akin kay lola. Ang sabi niya "Matagal na yang nangyayari pati ang lolo mo nawala nang dahil diyan sa babaeng itim na iyan sinakripisyo niya buhay niya sa pagaakalang hindi na maghahasik ulit ng lagim yang babaeng itim na  yan pati ang nanay mo nawala dahil sa kanya!!", umiiyak habang nagkekwento. "Siya pala ang dahilan kung bakit wala na kong ina at ang pagkawala ni lolo , Lola may paraan ba para mapuksa ang babaeng itim na yan?", tanong ko may lola habang nanggagalaiti. "Hindi ko alam anak hindi kasi ako naglalabas ng bahay noong mga nangyari ang mga bagay na yan prinotektahan ako ng lolo mo mayroong sumpa ang bahay na ito bago mamatay ang lolo mo isang puting sumpa. Ang puting sumpa na iyon ang prumoprotekta sa bahay na ito at sa mga tao sa loob ng bahay. "Pero noong naliligo ako bat nakita ko ang babaeng itim na iyon?" Tanong ko kay lola. "Nakakapasok siya dito ngunit hindi siya puwedeng pumatay pero papatayin ka  sa takot at dasal lang para lumayo sila." Sagot ng aking lola sa tanong ko. "Lola balik po tayo sa kaninang pinag-uusapan kung paano mapupuksa ang babaeng itim?" Tanong ko ulit sa kanya. "May kilala akong albularyong alam kung paano mawala ang sumpa ngunit napakalayo ng tirahan ng taong iyon mayroong sampung bundok kang tatawirin at limang ilog na dadaanan pero delikado doon kaya mangako kang hindi ka pupunta doon." sagot niya sa tanong ko. "Opo hindi po" tugon ko sa kanya habang mag ka krus ang aking hintuturo at hinlalato.

Anu kayang binabalak ni michael?

Abangan ang susunod na chapter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Babaeng ItimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon