Chapter 10

13 5 0
                                    

CELESTINE COUSINS

Nakabalik na ako sa Dorm at iniisip pa rin ang lalaki kanina. Bakit parang gusto ko siyang makita at bakit  sinabihan niya akong mag ingat?

Bumuntong hininga ulit ako at nahiga sa kama ko ng nakatalikod.

"Lianna?" Lumingon ako habang nakahiga pa rin at nakita ko si Allana na nasa pinto. Bumangon ako at umupo ng maayos sa tapat niya.

"Ano yun?" Tanong ko dito. Nakayuko itong lumalapit sa akin at naupo sa upuan na nasa gilid ko.

"Galit ka ba sa akin?" Tanong nito na ikinataka ko.

"Bakit mo naman naisip na galit ako sayo?" Nag angat ito ng tingin at mababakas sa mukha nito ang lungkot.

"Hindi ko rin alam eh" Kakamot kamot nitong hinawakan ang batok niya at umiiling pa. Napatawa naman ako ng mahina dahil sa inasta niya. Para kasi siyang bata na hindi makatiis sa isang tao.

Sumeryoso ako at mas lalo pang inayos ang aking pag upo. Siguro ito na ang pagkakataon para tanungin ko siya sa nangyari kaninang umaga.

"Allana may tanong ako..." Nakita ko ang paglunok nito na talagang nagpapakita na kinakabahan siya sa anumang itatanong ko sa kanya at doon ay hindi ko na talaga napigil ang pagtawa ko.

"Ano ba yun..." Mahina at dahan dahan nitong sabi kaya sumeryoso ulit ako.

"Anong nangyari sa'yo kaninag umaga at ayaw mo magising at sobrang init mo pa" Tila'y inaasahan niya naman ang tanong ko dahil hindi na ito kinabahan bagkus ay lalong lumungkot ang mukha nito.

Nilapit niya muna ang upuan niya sa tapat ko at saka malalim na huminga.

"Gusto mo ba malaman?" Balik na tanong nito at tumango ako.

"May curse spell kasi na inilagay sa akin..." Mahina nitong sabi ngunit dinig ko pa rin naman. Paano siya nalagyan ng curse spell?

Ang curse spell ay isa sa mga trait ng mga taga Dark Realm at imposibleng makatuntong sila dito dahil madedetect agad sila kapag gagamit sila ng trait nila dahil ang buong Light Realm ay napapalibutan ng isang barrier na kayang madetect ang anumang trait mula sa Dark Realm.

Kaya nagtataka ako kung paano niya nakuha ang curse spell.

"Siguro nagtataka ka kung paano ko ito nakuha..." Tumango ako dito at ginantihan niya naman ako ng malungkot na ngiti.

"Kami kasi ni Krista ay naging bihag ng mga Dark Realm..." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at parang pinipiga ang puso ko dahil sa mga sunod na sinabi niya.

"Pinag eksperementuhan nila ang mga bihag na galing dito sa Light Realm at kasama kami ni Krista doon. Pero bago nila kami naging bihag ay naalala ko pa kung paano pinatay ng mga Dark Realm ang lahat ng mga matatanda sa aming baryo sa West City. Pinaslang nila ang mga may edad 30 pataas at tinira ang mga nasa 29 paibabang edad. Dinala nila kami sa Dark Realm. Ipinasok kami sa isang pasilyo at ang pasilyong 'yon ay parang ospital na rin dahil makikitaan talaga ang mga gamot at iba pa na may kaugnayan sa medisina." Huminto muna ito saglit at tinitigan ako.

"Hindi namin noon alam ang aming gagawin dahil musmos pa lamang kami ni Krista noon at ang tanging nagbibigay ng lakas ng loob sa amin ay ang mga ate at kuya naming nasa tamang edad na."

"Isa isa nilang pinag eksperementuhan ang mga matatanda sa amin at kitang kita namin sa pagbabalik nila ang sobrang kahinaan at ang iba pa nga ay hindi na nakakabalik. Nagpaplano noon ang mga matatanda sa pagtakas, kahit na musmos pa lamang kami noon ay naiintindihan namin ang sakit nila at sumang ayon sa nabuong plano."

"Hindi namin magamit ang mga trait namin dahil ang kwartong aming kinalalagyan ay may pangontra para dito kaya wala talaga kaming magawa kung hindi ang umasa sa mas nakakatanda sa amin."

"Ngunit nalaman ng mga taga Dark Realm ang aming plano dahil inuna na nila ang mas bata at sa kasamaang palad..." Kita ko na may tumulong luha sa mata niya na agad niya rin namang pinunasan.

"Ako ang pinakabata sa aming lahat. Ako ang pinaka huli nilang pinag eksperementuhan. Dinala nila ako sa puting kwarto at tinali sa kamang nakatayo. Nakapalibot doon ang mga nakasuot ng puti at naka mask. Hindi ko maintindihan pero nang magsimula sila ay parang hinihigop ang trait ko at inaalis ito sa aking katawan. Hindi ko noon nakayanan ang sakit at todo iyak ako habang nagdudugo na rin ang aking katawan."

"Nakarinig kami ng ilang pagsabog dahilan para tumigil ang ginagawa nila sa akin at lumabas ng kwarto. Kita ko ang pagtalsik ng iilan sa kanila papasok ulit sa kwarto at doon nakita ko si Krista na namumula ang mga mata at galit na galit na kinokontrol ang mga nakaputi at binabalibag ito."

"Nang makita niya ako ay agad nawala ang galit sa kanyang mga mata at magbalik sa dati nitong kulay ngunit..." Tinitigan ko ito ng matagal at ganoon din ang ginawa ni Allana sa akin. Ramdam ko ang sakit ng pinagdaanan nila mula sa kanyang mga kwento at hindi ko rin mapigilan ang maluha dahil dito.

"May isa sa mga napabagsak niya ang lumapit sa akin at bumulong at ang sunod ay hindi ko na nalaman ang nangyari dahil matapos niyang sabihin ang mga katagang 'yon ay nawalan ako ng malay. Kinabukasan nakita ko si Krista sa aking tabi at nalaman kong nakabalik na kami sa Light Realm dahil naging matagumpay ang plano naming pagtakas. Sinabi sa akin ni Krista ang nangyari matapos kong mawalan ng malay at doon nalaman ko din na ang binulong ng taong 'yon ay isang curse spell na tanging taga Dark Realm lang din ang may kakayahang makatanggal."

Ngayong alam ko na ang nangyari ay agad ko siyang niyakap ng napaka higpit at gumanti siya sa aking yakap.

"I'm sorry if you have to go through that pain..." Mahina kont bulong sa tainga niya at umiling siya habang yakap ko pa rin.

"It's not your fault, tanging ang mga West City at Counselors lang ang nakakaalam sa nangyari kaya huwag kang humingi ng sorry." Napangiti naman ako at humiwalay sa yakap niya. Kita ko pa ang pagnguso niya dahil sa ginawa ko kaya napatawa ako.

"Matulog na tayo at kailangan natin pareho ng pahinga." Tumango ito at ngumiti sa akin. Yumakap muli ito ng sandali bago patakbong lumabas ng kwarto ko kaya napangiti ako.

Ngayong alam ko na ang pinagdaanan nilang dalawa ay parang nabunot ang tinik sa aking puso at takot dahil sa nangyari kaninang umaga.

CMA #1: The MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon