Tumakbo ako ng mabilis pagkalabas ko ng back door ng mansyon. Buti na lang walang nakapansin sakin nasa terrace ang lahat.
Hindi parin mawaglit sa utak ko ang kinuwento ni lola sa akin. Alam kong totoo lahat yun hindi gawa gawa lang. Nakilala niya kami base sa larawan.Naawa ako sa nangyare kay tita Mariane at some point may fault ang mga magulang ko pero hindi nila iyon ginustong mangyare kay tita. Mali ang akusasyon ni Claud sa kanila. Kaylangan ko itong ayusin. Bago mahuli ang lahat. Bago ako madala palayo sa kanya.
Papalubog na ang araw. Kaya hindi mainit sa balat ang sinag nito.
Pagtungtong ko sa burol may nakita akong nag-iisang kubo sa bungad ng kagubatan. Napapalibutan iyon ng mga puno.
Nalulungkot ako habang lumalapit sa kubo. Dito ba naninirahan si Claud? Nakakatulog ba siya ng maayos dito? May pagkain ba dito?
"Tao po,"mahina kong tawag.
Hinihingal pa ko sa malayo kong pagtakbo. Nararamdaman ko na ang panginginig ng tuhod. Dahil ito sa hindi ko pagkain ng ilang araw.
May lumabas na matandang lalaki. Napanganga ako sa gulat. Ito ba ang lolo ni Claud? Ang guard sa SCC! Panong........ bakit hindi ko ito alam? Bakit hindi sakin sinabi ni Claud.
"Roxas,"nagulat siya ng makita ako. Pagkuwan ay ngumiti. "Hinahanap mo ba si Lindon."
"Kayo po ang lolo niya ?"
Tumango ito. "Gusto ko sanang ipaalam sayo dati pa pero ayaw ni Lindon."
"Dati pa? Matagal na niyang alam? Kaylan pa po?"
"Nong tumungtong na siya ng kolehiyo. Ayaw ko naman sanang lumapit pa sa kanya kase nakikita ko na maayos na ang buhay niya doon sa inyo pero....... ah basta siya na ang magsasabi sa iyo ng mga detalye."
Lumapit siya at hinawakan ang mga kamay ko.
"Iha gusto kong magpasalamat sayo at sa pamilya mo sa lahat ng naitulong niyo sa amin."
Napalunok lang ako habang tumatango. Naaalala ko ang mga kamalditahan ko sa kanya noon. Lolo pala siya ni Claud!
"Pumasok ka muna sa loob at hintayin mo na siya doon. Ipapakilala kita kay Ason. Naku lagi kita nakukwento doon. Lola yun ni Lindon."
Magkaagapay kaming pumasok sa munting bahay.
Magkapasok ay may nakita akong matandang babae na nakaupo sa tumba-tumba. Nakamasid lang siya sakin ng tahimik. Nanglalalim ang mga mata niya. Payat na payat din siya. Ito siguro si Lola Ason. Bilang paggalang ay nagmano ako sa matanda.
"Sino itong batang ito?" Tanong niya kay Lolo Emil.
"Siya ang nag-iisang anak ni Clarisse at ni Lucas. Siya yung batang lagi ko sayong kinukwento."
Hinaplos ng matanda ang mukha ko. "Ke gandang bata. Bagay na bagay sila ni Lindon."
Umiling lang si Lolo Emil habang natatawa.
"Nasan po pala si Claud?"
"Kasama niya ang pinsan mo nasa likod lang sila. Sa may manggahan. Close din yata sila ng isang iyon. Simula ng dumating dito si Lindon lagi siyang dumadalaw."
"Sino pong pinsan?"
"Yung sa SCC din nag-aaral. Tourism."
Ate Shiela.
Dali-dali akong nagpaalam para magtungo sa manggahan. Clearly, hindi alam ng lolo niya ang nangyare sa bahay. Kung alam niyang pinalayas si Claud ay hindi ganon ang pakikitungo niya sakin. And he didn't told me about his grandparents. Ano pa? Ano pa ang hindi niya sakin sinasabi.
Pero hindi. Kaylangan ko magtiwala sa kanya. Kokomprontahin ko siya at tatanungin kong ano pa ang hindi ko alam. Makikinig at maniniwala ako sa lahat ng sasabihin niya. That's how love works.
Pero si ate Shiela lagi dito? Bakit kaya? Gusto kong mainis pero hindi dapat. Kaylangan kong kumalma. Kaylangan kong malawakin ang pang unawa ko. That's how love works.
Tinalunton ko ang kahabaan ng manggahan. Medyo madaming sanga sa sahig kaya medyo nahirapan ako. Humawak ako sa isang puno ng mangga bago alisin ang tumusok na sanga sa sapatos ko.
"Oo kakalimutan ko na siya." Natigilan ako. That was Claud's voice.
Sumilip ako sa pinanggagalingan ng boses.
And there I saw the love of my life kissing my beloved cousin.
BINABASA MO ANG
Till They Take My Heart Away [COMPLETED]
Genç KurguMy name is Sunshine Roxas , I'am a miracle baby. Akala ng magulang ko hindi na sila magkakaanak kaya inadopt nila ang anak ng bestfriend ng mommy ng mamatay ito. He's name is Claud Lindon Jimenez. I grow up being dependent to him. Dahil na rin sa pa...