PROLOGUE

166 2 2
                                    

Sabi nila nagkakaroon daw tayo ng halos isandaang panaginip bawat gabi subalit isa o dalawa lang ang naaalala natin kinabukasan kaya minsan iniisip natin na konti lang naman ang ating napapanaginipan at kung minsan pa nga akala natin isa lang dahil madalas konektado din ito sa bawat isa. Sabi din nila  Five minutes after the end of the dream, 50% of the content is forgotten, after ten minutes 90% is forgotten.

Pero...

pano kung sa bawat pagtulog mo tanging isang tao lang ang nakakasama at napapanaginipan mo?Sa bawat paggising mo,lahat ng nangyari ay malinaw pa sa alaala mo at bawat detalye ng panaginip ay hindi mo makalimutan. Hanggang sa tuluyan ng nahulog ang loob mo sa kanya dahil sa bawat panaginip na nakakasama mo sya ang lahat ay nagiging makatotohanan. Subalit hindi mo sya kilala. Ni pangalan nya, di mo man lang alam. Ang tanging alam mo lang, sya lang ang taong mamahalin mo habambuhay.

Ano ang gagawin mo kung sa panaginip mo lang sya maaaring makita?

Handa ka bang iwan ang realidad at piliin na lamang matulog upang makasama mo sya habambuhay?

O mas handa ka bang harapin ang buhay at katotohanang ang pag-iibigan nyo ay hanggang panaginip lamang?

If the only place where I could see you was in my dreams, then I'd sleep FOREVER.- Johanna

____________________________________________________________

A/N:

It will be my comeback story after my very long vacation. Masyado akong naiinspired ng mga panaginip ko this past few weeks so I decided to create a story about it. Hindi ko nga lang alam kung magiging maganda/okey din ito. Matagal akong hindi nakapagsulat halos nakalimutan ko na nga kung paano eh. Sa mga  readers ko dati (kung buhay pa kayo.XD) pasensya na kung hindi man lang ako nagpaalam or nagparamdam man lang. Naging silent reader kaya ako. Medyo nahiya na kasi ako kay Watty. Kaya ayun! (hahaha) Namiss ko talaga to. Hindi ko namalayan na nag- Anniversary na pala ako sa wattpad. Hindi man lang ako nakapagcelebrate. T.T

Namiss ko kayong lahat!  Hugs and kisses for everyone XOXO

jhaninay1018 ^____^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Man of My DreamsWhere stories live. Discover now