Syne's POVIsang buwan ang nakalipas simula nung ma-comatose si Gab sa ospital.
Simula noon, mas humina na ang katawan nya. Naging maputla ang mga labi nya. Gabi gabi na rin syang pinagpapawisan. Unti-unti na rin nauubos ang mga buhok nya kaya madalas syang nakasuot ng bonet. Binibiro nya pa ako na baka daw pumanget ako sa paningin nya kasi wala na syang buhok.
Bukod sa Mom nya, ako ang nag-aalaga kay Gab. May trabaho kasi ang Mom nya kaya hindi rin ito makapag-full time sa pagbabantay.
9pm na. Nandito kami sa terrace ng bahay nila ngayon. Kita namin ang view ng buong city. Ilang oras na kaming magkayakap pero parang walang gustong bumitaw sa amin.
"Syne?"
"Hmm?"
"I love you,"
Huminga ako ng malalim.
"Love, pang-ilang beses mo ng sinasabi sakin yan.."
"Hmm, 46 times?"
"Nabilang mo pa yun?" I hugged him even tighter. "Ano ba kasing iniisip mo?"
"Wala lang.. Hangga't kaya ko pang sabihin ang salitang 'I love you', gusto kong ulit-ulitin yun sayo. Hangga't kaya ko pa---"
"Sssh," Pinutol ko sya sa pagsasalita. "I know.. I know.. I love you more.."
Here we go again.
Wala yatang araw na hindi sya nagiging sweet sakin. Oo sweet sya noon pa, pero mas naging expressive sya ngayon.
Wala ding araw na hindi nya sinasabi sakin kung gaano nya ako kamahal. Halos lahat na yata ng kilos ko, sinasabi nya yung 'I love you'. Well joke lang, hindi naman all the time. Minsan, bigla lang nya ako yayakapin tapos sasabihing mahal na mahal nya ako.
Kaya minsan kahit na ayokong isipin, nasasaktan pa rin ako kapag nasa tabi ko sya.
Pakiramdam ko.. hindi ko na kakayaning mawala sya sa tabi ko.
Sa tuwing sinasabi nya ang mga salitang 'I love you', para bang, iyon na ang huling beses na sasabihin nya yun sakin.
Para bang, yun na ang huling beses na maririnig ko ang boses nya.
Para bang, yun na ang huling yakap ko sa mga bisig nya.
Para akong unti-unting pinapatay..
Kaya naman naisip ko na, simula ngayon wala na akong oras na sasayangin sa tabi nya.
"Love, remember we have a date tonight?" Sabi ko sa kanya.
He smiled at me. "Of course," then he kissed my forehead.
"Then let me fix your suit,"
***
Pagkatapos ko syang bihisan ng regalo ko sa kanyang tuxedo at neck tie, niyaya ko na sya sa place na hindi nya alam kung saan.
"Love, saan ba kasi tayo pupunta?"
This time, sya naman ang naka-blindfold habang hawak nya ang mga kamay ko na nakaalalay sa kanya.
"Just wait and see.."
Nung makarating na kami sa perfect spot, pumunta ako sa harapan nya at unti-unting tinatanggal yung blindfold sa likod ng ulo nya.
"Ready?" I whispered.
He took a deep breath. "Kinakabahan ako, Love.." then he smiled. "But yes, I'm ready.."
Ilang sandali pa, natanggal ko na yung blindfold sa kanya.
Unti-unti nyang dinilat ang mga mata nya.
Nakita ko kung paano sya nagulat na nandito kami sa loob ng isang open Nipa Hut.
May mga decorations, chandelier, at may dining table sa gitna.
Pero nung makita nya ang mga bagay na nakasulat sa bandang likuran ko, biglang nagbago ang emosyon sa mukha nya.
Nakasulat doon ang mga letrang:
"W" "I" "L" "L"
"Y" "O" "U"
"M" "A" "R" "R" "Y"
"M" "E" "?"I kneeled my left leg in front of him.
"S-Syne! Anong--"
"Gabrielino Celeste.." I started my speech.
"The moment you saved my life, I never thought that I'll fall in love with you.. Naisip ko, siguro isa ka lang din sa mga taong dadaan lang sa buhay ko, pagkatapos iiwan lang din ako. But I was wrong.." Nagsisimula ng tumulo ang luha ko.
Nakakainis kasi hindi ako dapat umiyak pero hindi ko mapigilan.
"You caught my heart.. You changed me.. You made me happy.. You made me feel loved.. You gave me hope.. You.. made me feel alive again,"
"I'll promise to be the best wife ever. Love, will you marry me?"
Ilang sandaling nakatitig lang sakin si Gab. Maya maya, marahan nyang hinawakan ang magkabila kong braso.
"Syne, tumayo ka dyan.." Itinayo nya ako mula sa pagkakaluhod.
"Gab?" Hudyat na hinihintay ko pa rin ang sagot nya.
Nakikita kong dismayado yung mukha nya. Tumalikod sya sandali sakin. Nakita ko syang umiling-iling. Pagkatapos ay hinarap nya ako.
"Kakalimutan ko yung ginawa mo ngayon. Halika na, umuwi na tayo.."
Para akong sinaksak sa sinabi nya. Parang lahat ng pagmamahal ko sa kanya, basta nya na lang isinantabi. Ang sakit.
Hahakbang na sana sya paalis pero pinigilan ko sya sa braso.
"Bakit..?" My voice broke. "Ayaw mo ba akong pakasalan?"
"NABABALIW KA NA BA?!"
Nagulat ako nung bigla syang humarap sakin at sumigaw.
Nakita ko yung mga luha sa mga mata ni Gab. Nakikita ko yung sakit. Yung lungkot sa mga tingin nyang iyon.
"MAMAMATAY NA AKO, SYNE! GUSTO MO BANG MA-BIYUDA?! O HARAPIN ANG PAGTANDA NG MAG-ISA?! GUSTO MO BANG MAGDUSA KAPAG NAWALA AKO?!"
Iyak lang ako ng iyak habang sinasabi nya sakin ang mga salitang dumudurog ng puso ko.
"PWES AKO HINDI! HINDI AKO PAPAYAG NA DANASIN MO ANG LAHAT NG YUN! AYOKONG GAWING IMPYERNO ANG BUHAY MO!"
"TAMA NA! HINDI TOTOO YAN!!!" Sigaw ko sa kanya.
"HINDI MO ALAM ANG SINASABI MO, SYNE! HINDI MO ALAM-- KUNG ANONG GUSTO MONG MANGYARI!"
"HINDI MO BA AKO MAHAL?!"
Tinanggal nya yung bonet sa ulo nya at itinapat iyon sa harap ko.
"TIGNAN MO.. TIGNAN MO AKO, SYNE! NI BUHOK NGA, WALA NG NATITIRA SAKIN! ITO BA ANG LALAKING GUSTO MO PAKASALAN?!"
"WALA AKONG PAKIALAM!!!" Sigaw ko na halos mawasak yung lalamunan ko.
Tuloy tuloy sa pag-agos ang luha ko habang kinakausap ko sya.
"NAKAHANDA AKONG PAKASALAN KA ANUMAN ANG MANGYARI DAHIL MAHAL KITA!"
Hindi ko na kinaya ang bigat ng nararamdaman ko kaya napaupo na ako at tinakpan ang mukha ko habang umiiyak.
Maya maya, ramdam kong may yumakap sakin.
"Sssh.. Sige na, I'm sorry.. I'm sorry kung napagtaasan kita ng boses.. Sorry kung pinapangunahan kita. I love you, okay? I love you.." sabi nya habang hinahagod ang likod ko.
At mas lalo akong naiyak sa huli nyang sinabi.
"Sisikapin kong lumaban para sa'yo. Pakakasalan kita.."
BINABASA MO ANG
See You at Midnight
RomanceWhen the darkness surrounds me, I have found a light and see you there.