Chapter 11

127K 2.6K 609
                                    

Warning: SPG | R18+ skip this story if you're not open minded enough. Read responsibly.

Chapter 11
***

Naramdaman Kong tumulo na ang mga luha ko habang nakatingin Kay Teo at sa girlfriend nya na nag tatawanan.

Nakita ko Kung paano ipalupot ni Teo ang Isa nyang braso sa bewang ng girlfriend nya.

Kumirot ang puso ko sa nakita ko
Kaya pinunasan ko ang luha ko dahil gusto ko ng umalis dito.

Mali siguro na dumating pa ako dito.

Pero Celine at least nalaman mo na manloloko talaga si Teo.

Hindi ko pinahalata kay Ate na nagpupunas ako ng luha. Hinarap ko si ate at binigyan sya ng maliit na ngiti.

"J-joke lang po ate. H-hindi po ako girlfriend ni Mr. Toretto. Una na po ako." at tinalikudan ko agad si ate at mabilis na akong nag lakad.

Nangingilid ang mga luha ko habang nag lalakad ako palabas.

Gusto ko ng umuwi at ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Malapit na ako sa labasan ng kumpanya ni Teo ng marinig kong tinawag nya ako.

"Baby?"

Nahinto ako sa pagalalakad at bumilis ang tibok ng puso ko. Nilingon ko sya at nakita Kong tinanggal nya ang braso nya sa bewang ng girlfriend nya.

Nakakunot nuo syang lumalapit sakin at nagtataka Kung ano ang ginagawa ko dito sa kumpanya nya.

Nakita ko ang girlfriend ni Teo na nag tataka akong tinignan at dikalaunan nginitian ako.

Nagtataka man ay tumalikod na ako at mabilis na nag lakad dahil palapit na si Teo.

Malapit na ako sa labasan ng harangin ako ng mabait na kuya guard.

"Nakausap mo na ba si Mr. Toretto hija?" Nakangiti nyang tanong. Kung Hindi lang ako hinahabol ni Teo ay sasagutin ko si kuya guard pero hinahabol ako ni Teo Kaya nilagpasan ko si kuya.

Nakakailang hakbang pa lang ako may dalawang braso ang pumulupot sa bewang ko.

"Bakit mo ako tinatakbuhan baby?" Tanong nya habang nakayakap sakin Mula sa likod.

Nakita ko ang pag tigil ng mga tao sa paligid namin at lahat sila ay nakatingin samin.

"Baby.." Malambing nyang Sabi at hinarap ako sakanya. "Anong ginagawa mo dito? Bakit Hindi mo sinabi na maaga kayong pinauwi? You should've called me." Aniya habang inaayos ang magulo Kong buhok.

"Pinuntahan mo ko dito?" Tanong nya habang nakangiti at nagulat nalang ako ng halikan nya ako sa labi sa harap ng madaming tao.

"Kanina ka pa dito? you should have go straight to my office." Aniya at hinalikan na naman ako sa labi.

"Teo. May tao" Sabi ko ng maghiwalay ang labi namin at nagtago sa dibdib nya dahil madaming mga tauhan nya ang nakakita samin.

Natatawa nyang pinalibot sakin ang mga braso nya at hinalikan ang buhok ko.

"Sya ba ang kanina mo pang kinukwento?" Tanong ng isang mala anghel na boses.

"Yeah. Shannon this is my baby, Celine Savannah Cullen and baby this is Shannon, my friend." Pagpapakilala ni Teo.

Umalis ako sa pagkakatago sa dibdib ni Teo at nakitang nag lahad ng kamay si Shannon.

Mukha syang anghel na bagay sa boses nya.

Tinignan ko ang nakalahad nyang kamay at tatanggapin ko dapat ng maalala ko ang nakapalibot na kamay ni Teo sa bewang nya.

Biglang nag init ang ulo ko.

HAVING CEO'S BABY [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon