Maestra

1.3K 24 11
                                    

Originally written 2013.

Edited 2023

---

"Time's up! Group one, you may present your ethnic design in front. Idrawing niyo na," utos ni Maestra.

"Sa blackboard ba teacher?" tanong ng mag-aaral.

"Hindi. Try mo sa floor!" ngiti ni maestra sa kanya.

Pinagtawanan na lamang nila ang pangyayari. Natuwa si maestra sa mga mahuhusay na pagpi-presenta ng disenyo ng mga mag-aaral.

Marami nang estudyante ang dumaan sa kanya. Angdaming pagkakaiba ng ugali na alam niyang mayroong kanya-kanya ring potensyal.

Minsan, nagkaroon ng open forum sa klase niya at isang mag-aaral ang nagtanong, "Masaya bang maging guro?"

Natahimik ang lahat na parang hinihintay kung ano ang magiging tugon niya.

"Oo...masaya." 'Yan ang tanging sagot ni maestra. Kasabay nito ang pagtunog ng buzzer. Hudyat na tapos na ang klase. Napabuntong-hininga si Maestra habang umaalis na ang mga mag-aaral.

Dumeretso siya sa faculty room. Ilan sa kanyang mga katrabaho ay nagrereklamo na naman.

"Anghirap dito. Angdaming paperworks."

"Pati mga bata, mahirap disiplinahin."

"Anghirap pakisamahan ng mga administrators."

"Angdaming exams na kailangang i-encode."

Ngumiti lang si Maestra. Hindi dahil wala siyang reklamo sa buhay, pero dahil kung dadagdag pa siya sa kanila baka bukas lahat sila ay mag-resign na.

"Ginusto namin to 'di ba?" sabi nito sa kanyang isipan. "Pinasok namin ang ganitong propesyon. Kahit anong reklamo namin sa vacant time, pag nagring na ang bell, the show must go on. Haharap kami ulit sa aming mga mag-aaral at magbabahagi ng mga kaalaman na kahit kami minsan ay unang beses pa lang naming na-encounter."

Uwian na. Kasabay ni maestrang naglalakad ang kanyang kapwa guro nang nakasaluibong nila ang mga estudyante na nakaputing blouse at asul na palda.

"'Di ba't apat na taon ka ring napilitang magsuot ng ganyan?" natatawang baling sa kanya ng katrabaho.

Napangiti na rin si Maestra. Apat na taon siyang nagsuot ng ganoon uniporme. Apat na taong ginugol niya sa pag-aaral ng algebra, natci, stat, biolgy at kung anu-ano pang GEN ED courses. Idagdag mo pa ang mga PROF ED subjects na kailangan niyang ipasa para makagraduate. Magsusunog ng kilay at pipiliting pagandahin ang handwriting dahil merong mga propesor na pagsasabihan ka ng ganito "You are future teachers, you should have a good handwriting"

At hindi pa magtatapos sa graduation ang lahat. Kailangan rin makapasa sa board exam. Magrerebyu sa isang magandang review center para sa mga "can afford", sa mismong eskwelahan kung saan naggradute para mura at may mga isinasabay sa trabaho ang pagrerebyu. O kaya naman ay hihiram na lang ng review material sa mga kaibigang nakapasa na.

Gabi-gabi magdadasal na LORD kahit 75% lang ang average basta pasado. At pagdating ng araw ng board exam, gagawin ang mga ritwal na itinuro ng kung sinu-sino parta daw makadagdag sa tsansang makapasa. Maghihintay ulit ng dalawang buwan para sa resulta. Congrats sa mga nakapasa at better luck next time kung below 75% ang average mo.

Saka naman sila napadpad sa isang grocery strore. Sweldo ngayon. Naglipana rin dito ang mga katulad ni Maestra na bitbit ang mga pinamili para sa kani-kanilang pamilya. Diaper para kay baby, mga gamit ni kuya at ate, at kung anu-ano pa. Magkano ang mattira sa kakarampot na sweldo ni Maestra? Wala. WALA NA!

Iisipin na naman niya ang budget ng kanyang pamilya sa susunod na mga araw at linggo. Buti na andiyan si LOANDON. Loan dito...loan doon. Ang 17000 na sweldo ni maestra ay buwan-buwan pang makakaltasan at kung suswertehin ay mayroon na lamang siyang limang libong matitita na pagkakasiyahin ulit sa isang buwan. Ngunit paano? Paano?

Pag-uwi ay magiging abala na naman siya sa paggawa ng lesson plans, pagcompute ng grades at kung may evaluation ay pagpupuyatan pa ang pagpapaganda ng kanyang silid aralan.

Hanggang sa paglubog ng araw at iniisip pa rin niya kung paano gagawing makabuluhan ang susunod na araw para sa kanyang mga mag-aaral.

At sa muling pagsikat ng araw ay muling hahayo si Maestra patungo sa kanyang pangalawang tahanan— ang paaralan at kapiling ang kanyang mga itinuturing na mga anak.

Ang problemang personal ay kanyang iniiwan sa kanyang tahanan upang harapin ang isa na namang araw ng pakikibaka sa masalimuot na buhay ng pagtuturo.

Iisipin kung paano mabibigyan ng edukasyong de-kalidad ang mga mag-aaral sa kabila ng kakulangan sa textbooks at iba pang pasilidad sa eskwelahan. Umaabot pa sa minsang paggamit ng sariling pera sa kagustuhang makatulong sa kanyang mag-aaral. MAHIRAP. Oo. Mahirap pero hindi rin maatim ni Maestra na makitang walang magamit asa pagsusulat ang kanyang mag-aaral.

Marahil namutawi sa kanyang isp at puso ang mga katagang "WE ARE HERE TO SERVE AND NOT TO BE SERVED"

Si Maestra, sa kabila ng lahat ay patuloy pa rin sa paghubog at paglinang ng mga kabataan tungo sa maunlad na lipunan.

Nasa pintuan na ng kanyang silid-aralan si Maestra. Naririnig na niya ang malakas pagkukwentuhan ng mga mag-aaral.

"Paglaki ko gusto kong maging pulis!"

"Ako naman doktor, gagamutin ko ang kapwa ko!"

"Ako? Gusto kong maging piloto! Ililibre ko si Madam. Puntang Boracay!"

"Wala ka sa akin! Gusto kong maging artista! Babatiin ko si Madam araw-araw!"

"Kung magiging doktor ka, dapat libre na si Madam!"

"Oo naman! Libre gamot! Libre lahat!"

Natawa siya sa mga narinig. Napabuntonghininga siya. Naalala niya ang tanong ng eskwela niya kahapon...

"OO. Mahirap pero masaya rin maging guro."# 

maestraWhere stories live. Discover now