Chapter One

11 1 3
                                    

Third Person PoV

Kaunti nang hindi abutan ni Cheska ang elevator at halos sumasara na ito nang isingit niya ang kanyang sarili. Humihingal na idiniin niya ang numero ng palapag na patutunguhan -16th floor. Sumandal siya sa dingding ng elevator at muling tiningnan ang suot na relong-pambisig -alas diyes y medya na ! Ito ang ikaapat niyang late sa linggong ito. Hindi pa kabilang ang nakaraang linggong mga lates at tatlong absences sa pagitan ng mga nasabing lates.
At sa loob lamang ng dalawang linggo!
Oh how she hates to leave her bed these days!
Okupado ng kanilang opisina, na isang trading company ng light machineries, ang halos buong sixth floor. Executive Secretary siya ni Mr. Bernal, assistant Vice-President at General Manager.

Patakbong pumasok ng opisina si Cheska at mahinang nanalangin na sana ay wala pa roon si Mr. Bernal. Sa pagkakataong iyon ay batid niyang nakatuon sa kanya ang halos lahat ng mga mata ng mga kaopisina.
"Late again, Cheska?" bati ni Ben, ang kanilang accountant. Alanganing ngiti ang itinugon ni Cheska at tuloy-tuloy na siya sa kanyang mesa.
Sa pagitan niya at ng ibang mga empleyado ay wooden divider na pantay-pantay ang taas. Mayroon itong dekorasyong mga halamang plastik sa ibabaw. Isang maliit na kuwarto bago ang silid ni Mr. Bernal na siyang nagbibigay distinction sa katungkulan nito.

Hindi pa halos niya nailalapag ang kanyang bag sa swivel chair nang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Mr. Bernal at lumabas si Lyn. May hawak itong mga papel na marahil ay mga typing works. Huminto ito sa tapat ng kanyang mesa. Tiningnan ang relo sa braso at nagtaas ng kilay. Kitang-kita sa mga mata ni Lyn ang hostility sa kanya.
"Ang sabi ni Boss, pagdating mo,pumasok ka sa kuwarto niya." Iyon lang at paismid itong umupo sa typewriter desk upang simulan ang gagawin. Nasa kabila lamang ng divider ang mesa nito.
Marahang tango ang isinagot ni Cheska. Sanay na siya kay Lyn. Kahit kelan ay hindi ito naging friendly sa kanya. Sinikap naman niyang maging malapit dito dahil araw lang ang pagitan nila sa kumpanyang iyon. Pero lagi na ay nakadistansya ito. Hindi kagalit pero hindi rin kaibigan. Iyon ay noong pareho pa lang silang clerk-typist.

Tamang-tamang natapos ang tatlong buwang probationary period ni Cheska nang mag-resign ang sekretarya ni Mr. Bernal dahil nag-aasawa na ito. Cheska qualified the position at naiwan si Lyn bilang clerk typist pa rin. Ang masakit pa, under niya ito. Doon nagsimula ang professional jealousy nito.

Maraming kaopisina ang naniniwalang deserving si Cheska sa promotion na iyon. Resourceful siya at talagang matalino. Dagdag pa ang kaakit-akit na kagandahang madalas kaiinggitan sa kanya ng kapwa babae. Katamtaman ang taas niyang 5'5". Balingkinitan ang katawan na kaygandang magdala ng damit. Makinis ang kayumangging kutis. Sa mukha ay bahagya mong maaaninag ang maninipis na balahibong pusa. At kung ikaw ay lalaki, para bang kikilitiin nito ang iyong palad pag iyong hinaplos. Katamtaman ang tangos ng kanyang ilong. Ang mga mata ay nagungusap...mga matang kung tawagin sa english ay " expressive eyes".

Marahang kumatok si Cheska at dahan-dahang itinulak ang pinto. Kinakabahang sumilip. Nag-angat ang mukha ang lalaking naroon. Nasa katanghaliang gulang ito at kagalang-galang lalo na sa suot na barong tagalog.
"Pumasok ka, Cheska, at isara mo ang pinto" Pormal na bungad ng kanyang boss na lalong nagpakaba kay Cheska. Sinenyasan siya nitong umupo bago dinampot ang interphone at may kinausap sa kabilang linya.
"I-hold mo lahat ang mga incoming calls ko Lyn. Sabihin mong tatawagin ko na lang sila uli mamaya." Iyon lang at muli nitong ibinaba ang interphone at tumingin sa kanya.
Pilit na pilit naman ang pagiging kaswal ni Cheska. Gusto niyang kalmantehin ang sarili.
"Let us not beat around the bush, Cheska. Marahil ay alam mo kung bakit kita ipinatawag" panimula nito.
"W-well...I have been coming ver late... I mean 'yung mga sunud-sunod kong absences" Nauutal na tugon niya. Hindi siya ganoon. Lagi na ay punong-puno siya sa tiwala sa sarili. Smart and witty.
"You know those are not the  reasons. You are entitled to those being my executive secretary so long as you don't make it a habit." Maagap na sagot ni Mr.Bernal.
Airconditioned ang kuwartong iyon pero pinagpapawisan si Cheska. So this is it! Halos alam na niya ang iba pang sasabihin ni Mr.Bernal.
"I am referring to the reasons behind the lates and absences. At ang bulung-bulungang kumakalat sa opisina..." Marahan nitong tina-tap ang ballpen sa mesa.
Hindi malaman ni Cheska kung ano ang isasagot.
"I like the way you do your job, Cheska..." Huminto ito sandali at sumandal sa kinauupuan.
"You were always efficient and reliable. Your capacity is more than that of a secretary. But we have rules and regulation in this company. At ayokong maakusahan na ang mga empleyado ko ay...ay bunch of ..." Parang hindi nito kayang sabihin ang akmang salita.
Subalit alam ni Cheska iyon ay "bunch of immorals!"
Hindi niya mapasubalian ang tsismis na kumakalat na siya ay nagdadalantao. Ito ang dahilan kung bakit nahihirapan siyang makapasok ng maaga. Morning sickness! Malimit ang pagpunta niya sa lounge room dahil nahihilo at naduduwal siya at idagdag pa ang malimit niyang pag-idlip kahit offuve hours. Ang iba ang nangungutya at ang iba naman ay nag si-symphatize.

Ngunit paano niya ipaliliwanag na hindi siya imortal? Na hindi siya nagbubuntis sa pagkakasala?
O, Zander bakit mo ako iniwan sa ganitong kalagayan? Hiyaw ng puso niya.

Namumuo ang luha sa kanyang mga mata nang tumingin suya kay Mr.Bernal. Subalit pinigil ng pride ang paglandas niyon sa kanyang mga pisngi. She cannot afford to be undignified sa mga sandaling iyon.
"I know what you have been through, Cheska. After that accident that caused your boufriend's life..." Naroon ang simpatiya sa tinig ng boss niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being Mrs ValdezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon