Prologue

8 0 0
                                    

Kasama ko ang taong mahal ko. Kasama ko sya ngunit alam kong iba na ang nasa puso nya. Dahil siguro sa sobrang pagmamahal ko nasabi ko ito sa kanya: 

"Pagkatapos ng gabing ito, at kung si Vianne parin ang mahal mo, ako na ang kusang lalayo sayo" and he give me this rough kiss na alam ko na ang patutunguhan. 

Pagkatapos ng isang mainit na eksena sa pagitan namin ng taong mahal ko,  pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha habang natutulog siya.

Siya ngayon ay medyo makapal na ang buhok  hindi katulad nung kami pa, pero kayumanggi parin ang balat nito. Inabot ko ang kaniyang maamong mukha at pinadaanan ito ng aking palad na animoy sinasaulo ng aking mga balat sa palad ang kaniyang mukha.

He shave his thick beard and  still andoon parin ang mga malalambot niyang labi na ang sarap sarap halikan at ang kaniyang matangos na ilong at naniningkit na mata.

"Mahal parin kita." bulong ko.
Medyo gumalaw si Paul sa kaniyang pagkakahiga at lalong humigpit ang kaniyang yakap sa akin. Sa ngayon ay ako na ang pinakamasayang tao sa mundo, muli kong ibinaling sa kaniyang mukha ang aking paningin. Kumunot saglit ang noo nito atsaka nagsalita.

"Vianne."

Even he said it in a whispering manner, still narinig ko padi, and what's the worse? My illusions just shattered kasabay nito lalong bumigat ang aking pakiramdam, lalong namutawi ang akala ko ay nawala ng sakit sa aking dibdib

Dahan dahan kong inalis ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang pagkakayakap sa akin, at unti unti ng bumangon mula sa kaniyang matiponong dibdib. Mahimbing parin ang tulog nito.

Hinanap ko ang aking mga damit at isa isa itong sinuot. Sa bawat piraso ng damit na aking sinusuot ay di ko mapigilan ang aking sarili na lumuha. Pano kasi, alam ko na sa ginagawa kong iyon ay unti unti ko ring tinatanggap na hindi na maaaring maging kami ulit ni Paul.

Tahimik kong pinagmasdan si Paul

"5 minutes na lang." sabi ko sa sarili ko, kasabay nito ang pagtulo ng matatabang luha mula sa aking mga mata. Di ko na ito mapigilan para na itong gripo.

"4 minutes." bulong ko. Pilit kong inuukit sa aking utak ang kaniyang itsura, habang patuloy paring tumutulo ang aking mga luha.

"2 minutes." Lumapit ako kay Ram at pinadaanan ko ng aking daliri ang mga labi ni Paul. Dahil alam ko, maaari ito na ang huling pagkakataon na magawa ko ito.

"60 seconds." inilapat ko ang aking labi sa kaniyang labi.

Sinimulan ko ng tumalikod at maglakad palabas ng kaniyang silid ng marinig ko itong gumalaw at bumulong.

"Vianne."

Sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ko nanamang parang may kutsilyo na tumarak sa aking dibdib, sa sobrang sakit ay napahawak pa nga ako dito at mistulang nahihirapang huminga. 

Sa pangalawang pagkakataon din na iyon ay naramdaman ko ng may iba na talagang minamahal si Paul. 

Sa pangalawang pagkakataon, di sinasadyang pinamukha sakin ni Paul na hindi ako ang mahal niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mysterious Guy's Deal (His Deal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon