"Just wanna say something to you" sabi nya ng seryoso kaya kinabahan ako
"Oh? " nasabi ko na lang
"N-nakabuntis ako"
Sa sinabi nyang yon, hindi ako nakakibo. Tama nga ba narinig ko? Di ako nagsalita, naghihintay sa word na 'joke lang' pero wala akong naasahan
"Akala mo siguro nagloloko ako? " sabay titig nya sakin ng seryoso
"Hindi ba? " ewan ko pero tumawa sya
"Puro kasi kalokohan alam mo" this time natauhan na ako, binatukan ko sya ng pagkalakas lakas at tumayo sa harapan nya
"e ikaw? Libog kasi inuna mo! Ayan, anong nangyari ha? " sigaw ko sa kanya at sinapok ulit sya na kinahawak nya sa sinapukan ko, e sa nanggigigil ako e
"bakit ba ha? Sinadya ko ba?! " sinigawan nya din ako ng tumayo sya at nilapit pa muka nya sa akin kaya tinulak ko malakas muka nya
"siraulo! May aksidente bang ganon? Ano aksidenteng naipasok? Aba, maangas pala no? " inirapan ko sya at napasubunot sa sarili kong buhok. Naiinis na talaga ako.
"Gusto ko sakin mapunta yung bata" sabi nya bigla ng mahinahon
Tinabihan ko naman sya at nakipagusap ng seryoso
"Paano? "
Ngumiti sya sakin ng pagkatamis tamis at nakikitang kong interasado sya sa gusto nya
"Basta, sa akin ang anak ko"
----
This is all for the Prologue, hoping you'll support me!
BINABASA MO ANG
STAY HERE WITH ME - rainypurpleee
RomanceBeing with this generation is not easy for us and sad to say na maraming kabataan ang mga nagkakaroon ng pamilya o anak ng wala sa oras. Paano nga ba buhay bilang maging isang batang magulang? Kaya ba nila? Kaya nilang harapin ng bata pa sila? Kaya...