Ang Dalaga ni Aling Nena [OneShot]

883 27 10
                                    

Sembreak na naman. Ako na naman ang utusan sa bahay. 'Oh Gar, paabot ng tuwalya'. 'Gar, paabot ng remote'. 'Bili mo nga ako ng shampoo'. 'Bili ka nang paminta'. Hayys'. Ang tanging motivation ko nalang tuwing may bibilin ako  sa tindahan, eh atleast masisilayan ko ang dalaga ni Aling Nena. May malapit lang na tindahan samin, pero dumadayo pa talaga ako sa tindahan ni Aling Nena.

Ako si Gar, college student. Mauubos ko na yata ang paninda ni Aling Nena at hindi parin ako sasagutin ni Hyena(ang anak nyang ubod ng ganda). Kahit nga makapan-ligaw man lang sana, hindi parin ako mapag-bigyan. Mag-tatanghalian na, siguradong sya ngayon ang bantay sa tindahan. Yess excited na 'ko, kailangan kona gawin ang first move. Teka, puro first move lang pala talaga ako, hindi na umusad ang pag-ibig ko sa kanya.

"Pabile nga po ng pamintang durog...", Oops jackpot, si Hyena nga ang tindera

"Ayy wala na pong durog eh, buo nalang...", sabi ni Hyena, na parang anghel na tumutugtog ng trumpeta sa tenga ko ang boses nya

"Sige ayos na yan, ako nalang mag-dudurog...", abutan-portion, eto ang gusto ko. eto lang kasi ang pagkakataon na nagkaka-roon kami ng physical contact.

"here..." -Hyena

"uhm thanks, pwede pahiram narin ng pandurog?", sinimulan ko nang durugin ang paminta. Medyo na carried-away pa 'ko sa pag-durog, nag-kawarak-warak na yung plastic na lalagyanan. Tiningala ko si Hyena, para maka-kuha ng inspirasyon sa mukha nyang pwedeng model ng olay. Saka ko napansin na nababahing na pala sya. Haaaaatchooo!! Ayun na-hatsingan ako sa mukha. Pero ayos lang dahil nag-landing naman yung labi nya sa labi ko. Parang isang eksenang pam-pelikula!  Pagkatapos ng mga pangyayari, naramdaman ko ang init... ng kanyang mga palad. Halos namanhid ang kaliwang pisngi ko sa lakas ng sampal nya.

Pagdating ko sa bahay, pinagalitan pa 'ko ni nanay. Bakit daw kasi ang tagal kong bumili at dyan lang naman daw sa malapit ang tindahan. Tapos yung paminta, kalahati nalang ang laman. 

Kinabukasan...

Papunta nanaman ako sa tindahan ni Aling Nena, para bumili ng suka. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari kahapon at hindi na 'ko nakapag-sorry. Eto ang first move ko ngayon, ang humingi ng patawad at ibalik ang tiwala nya sakin. Teka, hindi pa naman talaga binibigay ni Hyena ang tiwala nya sakin, in the first place. Pero kait na, ngayon, sisiguruhin ko na magtatagumpay na ang first move ko. First move version 97!

AwW badtrip hindi si Hyena ang tindera. Si Aling Nena pa ang bantay ngayon at mukhang nasa highblood zone ito. Hayys walang gana. Mission failed nanaman.

"Pabile nga po ng suka...", di bale, meron pa namang first move version 98

"Eto oh...", si Aling Nena, hindi ito ang oras na kulitin sya, halatang inatake na naman sya ng highblood

Nawalan na sana ako ng pag-asa at pabalik na ng bahay. Nang bigla kong nakita ang kanyang dalaga na naka-dungaw sa bintana. Naka-tapis lang ito at tinatong si Aling Nena kug saan ba daw naka-lagay yung olay nya. Natulala ako, laglag ang puso ko, pero humihinga pa naman ako. Nahuli ako ni Hyena na naka-tingin sa kanya. Sa pagmamadali nya, nalaglag ang tapis nya. Sa sobrang shock ko nalaglag din ang sukang hawak ko. Buti nalang at may undies pa sya, at mabuti nalang din at nasa-pack ang sukang nabili ko kaya hindi ito nabasag.

Bandang huli, hindi ko rin naka-usap si Hyena. Pinagalitan pa 'ko ni Nanay pagdating sa bahay dahil naka-limutan kong kunin yung sukli.

Kinabukasan...

Habang naglalakad ako papunta sa tindahan ni Aling Nena, may naka-salubong akong isang nakuryenteng kuting. Buhay pa naman ito at naawa naman ako. Dinala ko na sya at nang mapaliguan pag-uwi mamaya sa bahay. Nakaka-ilang hakbang palang ako at naka-salubong ko naman ang hindi inaasahan. Si Hyena, sa kanyang usual get-up na white-tees at blue jeans. Naka-tayo lang sya sa harap ko. Medyo makapal yata ang blush-on o baka namumula talaga sya kasi nasa harap nya ko. Wait, parang may gusto syang sabihin. Hindi kaya, all this time meron din pala syang gusto sakin? Amf ayoko mag-end ang istoryang ito ng ganun-ganun nalang. Gusto ko yung katulad ng mga kwento sa pelikula, ganun.

Ang Dalaga ni Aling Nena [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon