Chapter 14

724 32 22
                                    

-Athena

Kung may isang bagay sa buhay ko na alam kong sigurado ako..yun ay gusto ko si seth..gusto ko sya..hindi ko alam ang dahilan.hindi ko alam kung paano nagsimula basta ang alam ko ay gusto ko sya.

----------------

Pagkatapos ng nangyari kanina ay akward at halatang may ilang na namamagitan sa aming dalawa..

Naglalakad kaming dalawa ng may distansya sa isa'-isa.magkatabi nga kami sa paglalakad ngunit di kami makatingin ng diretso mata sa mata..

"Athena..mahina na tawag ni seth sa akin..

"Bakit?mahina kong sagot sa kanya..

"Sa motor ko nalang tayo sumakay..nag-aalangan nyang alok sa akin.blanko ang mukha nya at wala akong makita o mabasa na emosyon.

"Ok.san ba motor mo?nagtataka kong tanong sa kanya..

"Andun sa labas ng gate.sagot nya sabay turo sa itim na motor na nakapark malapit sa amin..

"Ok..matipid kong sagot..

Naglakad pa kami ng ilang hakbang bago namin narating ang sasakyan ni seth..

Agad na sumamapa si seth sa motor at agad ako g inalalayan nito sa pagsampa ko

Pagsampa ko ay humawak ako sa kaunting espasyo na kinauupuan ko.

Napuna agad ako ni seth..

"Hawak ka dito..sabi nya sabay hawak sa kamay ko at agad nyang inilagay ito sa bewang nya.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa mga sandaling hinawakan nya ang mga kamay ko..nanghina ako bigla at tila ba sumikip ang dibdib ko.

"Humawak ka ng mahigpit..dagdag pa ni seth..

--------------

Tahimik kaming dalawa habang ipinahaharurot nya ang motorsiklo.wala ni isa man sa amin ang naglakas loob na magsalita at pagusapan ang naganap na halik kanina..

Ilang minuto ang lumipas at narating din namin ang school entrance..agad na ipinarada ni seth ang motor nya sa parking lot..

Bumaba agad ako sa pagkakasampa ko sa motor at hinintay na makababa si seth..

"Hatid na kita..nakangiting alok ni seth sa akin..maaliwalas ang mukha nito at tila ba hindi na ito blanko..

"Sige.matipid at naguguluhan kong sagot sa kanya..

Habang naglalakad kaming dalawa ay napansin ko ang namumuong bulong-bulungan sa paligid namin..

"Sila na ni seth?malakas na bulong ng mga babaeng nakasuot ng cheerleader uniform..

"Omg!bagay sila...singit naman ng isa pang babae na nagmumula naman sa mga nerd na grupo..

"Kawawa naman si lance..dagdag naman ng isang babae na hopeless romantic wannabe..

Madami pa akong nadinig pero di ko lang pinansin..

Pangarap ko lang to dati na pag-usapan..pero bakit ngayong nasa harapan ko na at nangyayari na ay tila ba hindi ako masaya at pakiramdam ko ay may kulang?!

Pinagmasdan ko si seth habang naglalakad..napaisip ako bigla sa tunay nyang pagkatao..

"Ang seth kaya na nasa harapan ko ay totoo?o baka naman nakatago ito sa maskarang suot-suot nito?!..

Borrowed Visage(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon