Filipino Ba?

8 0 0
                                    

Filipino, wika ng ating bansa
Nakasanayang wika ng ating mga ninuno
Isang pamana
Pamanang hinding hindi raw mawawala

Kayamanang napakaganda
Sinayang lang ng bawat isa
Pinalitan ng lenggwahe ng ibang bansa
Korean, Ingles at iba pa

Ang isip ay sinakop ng mga dayuhan
Pati sariling wika ating nakalimutan
Pati maliliit na bata
Hindi na alam ang ating pambansang wika

Mga maliliit na bata
Nasanay magsalita sa lenggwahe ng ibang bansa
Kapag tinanong mo sa pamamagitan ng ating wika
Umunawa ay hindi man lang magawa

Filipino pa ba?
Ito pa ba ang ating pambansang wika?
Parang hindi na,
Dahil tuluyan na itong kinalimutan ng madla

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon