Chapter Four - Aksidente

194 11 1
                                    

Chapter 4

Huling naaalala ni Ulysses ang mukha ng engkantada bago siya nawalan ng ulirat. Si Prinsesa Dana ang unang sumaklolo sa kanya. Huli siyang may ulirat noong dumating ang mga ibang tumulong at naisakay siya sa ambulansya para itakbong ospital. Kalalagpas lang niya noon sa matandang puno ng Balete.

Dahang dahan iniikot ni Ulysses ang kanyang mga mata. "Nasa langit na ba ako, patay na kaya ako", nanlulumong wika ni Ulysses sa sarili. Puro kasi puti ang nakikita ang kanyang mga mata. Nakahiga siyang nakasuot ng puti. Puti ang unan at puti ang dingding. Puti ang kisame. Lahat sa paligid niya ay puti. Pinisil pisil niya ang sariling braso. Naalala niya na nangyari.Ang malakas na tunog na pagkakasalpok ng kasalubong na kotse sa kanyang minamanehong kotse.

Bumukas ang pinto ng kuwarto. Ang inang si Yolly ang bumungad. "Anak, salamat naman at gising ka na pala." Bakas sa mukha ng ina ang labis na pag-aalala. "Anak, mabuti na lang at nakaligtas ka", mangingiyak nitong banggit. Laking kanyang pasasalamat na buhay nga pala siya at kinakamusta siya ng ina."Anak, Ulysses", banggit uli ng ina. Nagtataka ito bakit tulala si Ulysses. "Anak naalala mo ba ang nangyari", kinakabahang tanong ni Aling Yolly sa anak. "Inay, ang huli kong naalala pagkatapos ng malakas na tunog ng pagsalpok ng kotse sa kotse kong minamaneho ay ang pagsakay sa akin sa ambulansiya", mahinang sagot niya sa ina. Inilihim ni Ulysses ang tungkol sa engkantadang tumulong sa kanya.

"Wala nang makapaniwalang mabuhay ka pa anak, dahil sa sobrang pagwasak ng harapang ng iyong kotse. Pero himalang walang nakita na tama sa ulo mo kahit na confine ka pa sa ICU." Dalawampu't apat na oras na nanatili sa ICU si Ulysses pero inilabas din ng makitang maayos naman ito. Tumulo ang luha ni Aling Yolly sa pag-aakalang mawawala sa kanya ang anak.

"May tumulong sa akin..." naudlot na pagkakwento ni Ulysses. Hindi siya sigurado kung maniwala ang ina kung ikukwento niya ang tungkol kay Prinsesa Dana. "Sino ang tumulong sa iyo anak?, nagtatakang tanong ni Aling Yolly. Kasi wala namang naikwento yong mga unang nakakita sayo", dugtong pa nito. "Wala Ma, baka guni guni ko lang siya", bawing sabi ng binata. Naging palaisipan para sa ina ang pag-iwas ng sagot ni Ulysses. Alam niyang may nais sana itong sabihin.

Pinayagang umuwi na sa bahay si Ulysses pagkalipas ng ilang araw. "Anak, ingat sa pagmamaneho. Hindi ka pa dapat magtrabaho eh", bilin ni Aling Yolly sa anak. Ayaw kasing manahimik muna sa bahay si Ulysses gusto na nitong magpunta sa talyer. Isang linggo na siya mula ng nakauwi galing ospital. Kung masusunod sana siya isang buwan pa dapat magpahinga ang anak. Ngunit walang magawa ang inang si Yolly dahil si Ulysses ang tipo ng anak na maipilit din ang gusto pagdating sa trabaho. Mabuti nga nasunod siya ng ilang araw. Dalawang araw lang ang nais na pahinga ni Ulysses. Dahil sa sobrang pakiusap ng ina at hindi niya ito pinayagang umalis ng bahay. Walang nagawa si Ulysses kundi ang sumunod na lang.

"Sige na inay aalis na po ako", paalam na sabi nito sa ina. Nakalayo na ang binata, nasa malapit na siya sa bandang may matandang puno ng Balete sa bukal kung saan siya naaksidente nang bigla niyang naalala ang engkantadang tumulong sa kanya si Prinsesa Dana. Napakaamo ng mukha nitong halatang labis ang pag-aalala sa kanya. Sinadya niyang huminto sa ilalim ng puno upang pagmasdan ang paligid. Nangilabot sa lamig na hanging dumaan si Ulysses. Nag baka sakali siyang makita si Prinsesa Dana. "Nakakatuwang tila ako ay iyong hinahanap hanap na", boses ng Prinsesa galing sa kanyang likuran. "Salamat dahil nagpakita ka sa akin. Magpapasalamat lang ako sa pagkaligtas mo sa akin. "Walang anuman binata", nakangiting sagot nito sa kanya.

Pagkasabi niya ng pasasalamat hinigop ng hangin si Ulysses. Kung saan siya dalhin, yan ay hindi alam. Pa linga linga niyang inikot ang paningin sa paligid. Pamilyar sa kanyang alaala ng lugar. "Maganda ba rito" , boses ni Prinsesa Dana na biglang lumitaw sa kanyang likod. "Nasaan ba ako? Nagtatakang tanong ni Ulysses. Batid niyang nasa kakaibang lugar na naman siya. Pangalawang pagkakataon niya ang makarating sa lugar. "Nasa aming mundo ka binata", nakangiting sagot ni Prinsesa Dana.

"Mahal na prinsesa kanina ka pang hinahanap ng iyong amang hari", pasabing hatid ni dama Ase. Lagi itong napapagod sa paghahanap kay Prinsesa Dana. "Mag-ingat ka sa iyong ginagawa Prinsesa Dana dahil ikaw ay pinasusundan ng iyong amang hari. Pinaaalam nito ang iyong palaging pagpunta sa bukal", babalang sabi ni dama Ase. Walang pakialam si Prinsesa Dana gagamitin din niya ang kanyang mahika upang hindi siya mahuli ng amang hari. Patuloy pa rin itong nagagalit sa hindi niya pag sunod sa kasunduan kasal para sa kanya at sa isang prinsepe gusto nito para sa kanya.

"Mahal na Prinsesa Dana maari bang ako ay iyong ibalik na sa lupa", pakiusap na wika ni Ulysses. "Sa isang kasunduan", pilyang ngiting nagsasalita si Prinsesa Dana. "Ako ay sasama rin sa iyo sa lupa kahit saan ka magpunta at kung kahit ano ang iyong araw araw na ginagawa." Hindi mapigil ni dama Ase ang sumabat. "Ngunit Prinsesa Dana maaring mapabuntunan ng galit ang taga lupang yan sa iyong gustong mangyari." Ayaw paawat ni Prinsesa Dana. "Sige kung iyan ang iyong kagustuhan", sang-ayon ni Ulysses. Maari bang ako ay iyong protektahan laban sa iyong ama sa pagkakataong ikaw ay mahuli. At magtatanong kung bakit ikaw ay panay na nagpupunta sa lupa." Sumang-ayon at humiling din si Ulysses ng pabor sa engkantada.

Sa isang kisap mata naroon na si Ulysses sa lupa. Pagkabukas niya ng pinto ay naroon si Prinsesa Dana na nauna pang nakasakay. Napailing si Ulysses sa kakulitan ng Prinsesa. "Ako lang ba ang maaring makakita sa iyo", tanong nito sa Prinsesa. "Ikaw lang ang pahintulutan kong makakita sa akin", mabilis nitong sagot sa kanya. " Kung ganun hindi ako pwede makipag kwentuhan sa iyo upang hindi ako mapagkamalang may sayad", natatawang sabi ni Ulysses. Tumango si Prinsesa Dana sa ibig mangyari ni Ulysses. Maari naman niyang basahin ang isip ng binata.

Princess Dana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon