Chapter 7

8.3K 209 12
                                    

Nagmamadali si Robyn na maglakad patungo sa classroom. This was her last period for that day, and it was already four in the afternoon, two units ang kanyang last subject  sa section na ito katumbas ng tatlong oras. 

     Robyn is always happy and ecstatic, sa first day of school. She’s excited to meet and see new faces and eager students to learn. She’s always been a strict and stern professor, pero madali siyang lapitan ng mga students niya. And everytime na may mga lessons na hindi agad naintindihan ng mga ito, she’s always been patient na ituro ulit ito. 

     Pero dahil sa ganda niya, ay ginagawa siyang tampulan ng tukso ng kanyang mga estudyante. She knew it was just a harmless little crush. Oo, may mga natatanggap siyang cards and letters from some of her male students na medyo malakas ang loob, pero hanggang doon lang iyun. No one has gotten any further, as to court her. They knew the rules, bawal magkaroon ng romantic relationship ang teachers to their students. She reached the fifth floor, and she turned to the west wing kung saan naroon ang room w518, ng College of Accountancy. 

     At palagi, ay parang may pakpak ang kanyang mga paa, dahil sa excitement na makita niya sa unang pagkakataon ang kanyang mga bagong estudyante. She almost reached the corridor and from afar, she saw several students na nakatambay pa sa labas ng corridor sa tapat ng w518. At nang makita siyang papalapit ay nagmamadaling nagsipagpasok ang mga ito sa loob ng classroom. 

     She was walking briskly, when from behind her, someone ran past her at muntik na siyang mabangga. She felt the wind passed her, dahil sa pagtakbo ng lalaking nagmamadali. Ni hindi man lang ito huminto o lumingon man lang to apologize. She eyed the tall, running guy, wearing a beanie on his head, entered the room w518. And her eyes squinted and her nose flared with anger.

     "Some students never disappoints" , she said loudly to herself and she made a tsking sound and frowned. Mukhang may buena manong estudyante na makakatikim ng galit niya bago pa matapos ang kanyang araw dito sa university, ang sabi ni Robyn sa sarili. With a stern face, she entered the classroom at pabagsak na inilapag ang kanyang dalang gamit sa teacher’s table at tumahimik ang maingay na mga estudyante. She immediately scanned her students, para hanapin ang lalaking muntik na siyang mabangga. 

     Her eyes trailed the scores or more of faces, that's also looking straight at her. Then suddenly her face went white as sheet, at muntik ng mag-buckle ang kanyang mga binti. Napakapit siya sa lamesa. She said she’s going to have a good laugh about it? She thought, but she thought wrong, nang makita ang pamilyar na mukha at mga mata. 

     Joaquin literally ran the stairs, patungo sa fifth floor. Ayaw niyang malate sa isa sa mga major subjects niya, sa accounting, hindi na nga niya napasukan ang isang minor subject niya kanina, hahanapin na lang niya ang professor niya rito bukas. Dahil sa late na siyang nagising at hindi tumunog ang alarm niya kanina. 

     Pinili ni Joaquin ang maging irregular student  para maging mas flexible ang time niya, at makapili ng schedule na mas maluwag sa kanya. Kailangan niya kasing magtrabaho sa gabi at sa tanghali naman siya papasok sa university. At nasa last semester na siya ng para makagraduate next year sa kursong BSA, Bachelor of Science in Accountancy. 

    Pero bago mangayari iyun kailangan munang magpapirma ng kanyang permit sa kanyang magiging professor, bago siya tanggapin sa klase nito, at bago siya maging fully enrolled. 

    Nang makita na niya ang west wing ng College of Accountancy,  nagmadali na siya at halos patakbong nagtungo roon. Nakita niya kasi ang mga estudyanteng nakatambay sa labas na nagsipagpasukan na sa loob ng room w518, ibig sabihin na naroon na ang kanilang professor. Sa kanyang pagmamadali ay muntik pa niyang mabangga ang isang estudyanteng naglalakad, di na niya nagawa pang lumingon dito at magsorry dito dahil sa kamamadali niya.   Pagpasok niya sa loob ng room ay laking pasalamat niya at wala pa ang professor nila. 

     “Hi sir “ang bati sa kanya ng isang estudyanteng lalaki na nakaupo sa unahan. At napansin din niyang may mga napangiting mga estudyanteng babae. 

     Natawa si Joaquin, “naku sana nga, kaso estudyante rin ako rito” ang sagot niya. Nagkatinginan ang mga kaklase niya at parang nabigla, syempre ba naman, may kaklase silang thirty years old na. 

     Pagkatapos niya kasi ng highschool noon ay nagsimula na siyang magtrabaho. Ang pagkakamali lang niya ay ang sakripisyong ginawa niya ay hindi para sa kanyang pamilya. At ngayon lang siya bumabawi sa pamilya sa pagkakamaling nagawa niya. 

     “Akala pa naman namin ikaw yung professor namin kanina na parating” ang natatawang sagot sa kanya ng estudyanteng kaharap. 

     Naupo na si Joaquin sa last row, at sa natitirang upuan sa gilid, sa tabi ng pader. Inayos ni Joaquin ang suot na beanie sa ulo at ang maluwang niyang T-shirt  

     “Anong name mo?” ang tanong ng kaklaseng babae na nakaupo sa harapan niya. 

     “Ahm, Joaquin” ang sagot niya. 

     “Hi Joaquin, I’m Faye” sagot ng kaklaseng babae na ngumiti pa sa kanya ng matamis. Isang ngiti rin ang isinagot ni Joaquin. 

     “Irregular student ka ba” tanong sa kanya ni Faye. 

     “Oo, nagtatrabaho kasi ako sa gabi” sagot niya. 

     “Wow, anong trabaho mo? Muling tanong ni sa kanya. 

     “Ah  sa ba”- 

     Naputol ang pagsasalita niya ng may pumasok na isang maganda pero nakasimangot na babae. Lumapit ito sa teacher’s table at padabog na inilapag ang dala nitong bag at libro. Ang maingay na mga estudyante ay biglang tumahimik. Tiningnan sila nito at parang may hinahanap at narealized ni Joaquin na ito ang babaeng naglalakad kanina na muntik na niyang mabangga dahil sa pagmamadali niya. Inakala Pa naman niyang estudyante lang ito. Sigurado si Joaquin na siya ang dahilan ng galit nito. At nang magawi na ang mga mata nito sa kanilang row, at nagtama ang kanilang paningin. Muntik nang mahulog si Joaquin sa kanyang kinauupuan. 

      








The Accidental Callboy  [ Completed] © Cacai1981Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon