-Seth
Maayos ang daloy ng buhay ko..walang hassle,walang kumplikasyon at higit sa lahat wala akong bagay na hinahangad kong makuha..hanngang sa dumating sa buhay ko ang babaeng nasa katauhan ni Athena Evangelista...sa una naming pag-uusap ay ramdam ko na ung magneto na pilit na idinikit ako papalapit sa kanya.yun bang pakiramdam na kapag nakikita ko sya ay hinihila ako ng sarili kong mga paa papalapit sa kanya..
Nakakatawa kong pakikinggan ang nasasaisip ko..nakabawas sa pagkalalaki ang kakaibang nararamdaman ko..pero tao lang ako at wala akong magawa kundi sumunod sa nararamdaman ko..
Akala ko ng una ay pareho lang si athena ng mga babaeng nakasalamuha ko..pero habang tumatagal ay napagtanto ko na iba sya sa kanila.
Ibang-iba...sya yung tipo ng babaeng walang arte sa katawan.sya yung tipo ng babae na totoo at buong tapang na ipakita ang kanyang nararamdaman..
----------------
Pagkatapos ng halik na nangyari sa pagitan naming dalawa ni athena ay unti-unti akong nawala sa aking sistema..
Akward at halatang may ilang na namamagitan sa aming dalawa..pinilit kong maging casual akaya nanatili akong tahimik at di umiimik..
Pinilit kong iwasan na kausapin sya.pero di ko pa din napigilan ang sarili ko na gustong madinig ang boses nya..
"Athena..mahina kong tawag sa kanya.nag-aalangan ako at nahihiya sa kanya.
"Bakit?mahina nyang sagot..malungkot ang mga mata nya at kitang kita ang sakit na nasa loob loob nya..
"Sa motor ko nalang tayo sumakay.nag-aalinlangan kong alok sa kanya.
"Ok.san ba yung motor mo?matipid lang nyang sagot sa akin..
"Andun sa labas ng gate..yun ata ang nasabi ko sa kanya..sabay turo sa motor kong kulaybitim na nakaparada sa labas..
"Ok.matipid nyang sagot.
Naglakad pa kami ng iilang hakbang bago namin narating ang labas ng gate..
Agad akong sumampa sa motor at inalalayan si athena para makasampa din sya dito..
Pagkasampa nya ay napuna ko agad na di sya kumapit sa bewangvko bagkos ay humawak sya sa upuan ng motor..
Nahihiya man akong hawalan sya ay nilakasan ko ang loob ko.
"Hawak ka dito.sabi ko..sabay hawak sa kamay nya upang ilagay sa bewang ko..
Ramdam ko ang pagbilis ng pulso ni athena sa sandaling nadampi ang kamay ko sa kanya..
Ako man ay kinabahan at nakaramdam ng paglukso bigla ng puso ko sa sandaling nagkadikit ang kamay nya sa kamay ko..
"Humawak ka ng mahigpit..dagdag ko pa habang kabado ako at nahihirapan na iwasan sya..
----------------
Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa ay agad bumaba si athena sa motor..sumunod agad ako sa kanya..
"Hatid na kita.biglang alok ng bibig ko..di ko napigilan ang nasasaisip ko..
"Sige.matipid at tila ba naguguluhan nitong sagot sa akin..
Sa aming paglalakad ay dinig ko ang mga bulong bulungan tungkol sa amin..
Wala akong pakialam kaya dire diretso lang akong naglakad habang nakatingin ng diretso sa aking daraanan..
Napansin kong nakatitig si athena sa akin ..bakas sa mukha nya ang pagkalito at pagdududa..
Bigla akong kinabahan sa mga sandaling iyon..
"Maari kayang alam na ni athena ang sikretong pinakatago-tago ko?maaari kayang naestima na nya kung ano ang sakit na pilit kong ikinukubli sa kanya at sa ibang tao?!
BINABASA MO ANG
Borrowed Visage(Completed)
Fanfiction"My face is borrowed so was my identity...but i choose to live with it..because its the only thing that makes me feel alive".. -Athena Imperial