BATANG 90'S (ONE SHOT)

23 3 0
                                    

Sinuot ko na ang rocket sa likod ko. Feeling ako si rocketeer.

Nagtatakbuhan na din ang iba kong kasamahan.

Super laser gun!!!

Biglang may dumating na malaking halimaw!

Si Benjie baho

Oo si benjie baho ang taong hindi naliligo. Ewan ko ba dito sa taong to ang tanda tanda na kami pa pinagtitripan ng mga kalaro ko.

Kaya iniisip na lang namin na sya yung halimaw sa laro namin.

Pag nakikita nya kami sa nag lalaro nanaman sa labasan ayan nanaman sya manggugulo ng Imagination namin.

"Ultra magnetic tops!" Feeling Voltes five na sigaw ni Michael habang hinampas na dahon ng saging si Benjie baho

"Hoy baho umalis ka na nga dito!"

Ito nanaman sya may dalang pamatpat.

Sigaw ni Antonio. Kalaro ko.

"TANGNAMUKA!" Pikon na sabi ni Benjie habang inamabahan si michael.

Sabay tawanan kami.

At dahil nagsimula na ngang mang gulo itong si Benjie , kinuha na ni Gilmour yung lata na kanina pa nakatambay sa isang tabi.

"Lipat na tayo epal yang baho na yan!"

Sabi ni Gilmour.

Lumipat na kami ng pwesto sa isang bakanteng lote at duon nagsimulang mag tumbang preso.

Hubad na ng tsinelas sabay lagay ung isa sa braso parang panangga !

Bato sa lata . Pag nahagip takbuhan na at kuha ng pamato.

POTEK ANG SAYA!

Pero maya maya sawa na din.

Palit ng laro ,hagaran taya naman.

Maaga pa naman basta nakikita namin ang araw. Maaga pa. Hanggat hindi nawawala ang linawag nito sa langit. Pwede pa maglaro.

patong patong ang kamay.

Maiba taya!!!

Taya si Catherine . Ang tanging babae sa grupo.

Habulan na. Nataya si Michael.

Habol nanaman . Nataya si Antonio.

Hanggang sa hindi na sya nakataya.

Sigawan na kaming magtrotropa...

"BUROG BUROG BUROG!!!"

"Yokona nga!!!" Sabi ni Antonio.

Sabay puntahan na sa tindahan at bumili ng ice water para sa lahat para mauto nya kami at di na sya tawaging burog.

Matapos uminom may oras pa sa taguan . Pero lipat pwesto na kami. Duon sa sementeryo malapit sa amin.

"Tagutaguan maliwanag ang buwan pagbilang kong sampu nakatago na kayo . Isa . Dalawa . Tatlo. Apat . Lima. Anim. Pito . Walo. Siyam. Sampu. Wala sa likod wala sa harap!!!"

Ako ang taya.

Pag katapos ko magbilang habang nakatayo sa harap ng pader na nakapikit at parang najinggel minulat ko na ang mata ko at tumingin sa paligid.

Nakakatakot. Parang ako lang talaga magisa sa sementeryo.

Hinanap ko sila.

"Save!"  Rinig ko. pagtingin ko sa nandun na si Michael. sa base.

"BOOM CATHERINE!"

Hanap pa . Nakita ko si Catherine.

Pero ang bilis tumakbo ni Catherine.

BATANG 90'STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon