.

22 3 0
                                    

Copyright © eYinYang | 2019

All rights reserve 2019

--

I saw him standing near the entrance of the fast food chain we're in when I got out of the comfort room.


I sat at the table near him waiting for my friends.


I intentionally took a photo of him.


I was about to take a photo of us, well it's a selfie of me with him as a background pero di ko na tinuloy.


Well, siya lang naman si Robinson, Rob for short.


Ako naman?


Sino ba ako? Well, Hi! My name is Sam, 21, Philippines.


Oh diba, pageant lang ang peg. Oo, pageant lang. Talo sa beauty eh.


I proceed to what I'm about to do, I send the photo to Belle and sa Group Chat namin.


Bet niya kasi yon.


Well, basically he's the 'CRUSH NG TROPAHAN'


Oo, pasimpleng pinagnanasahan ng tropahan namin yang si Rob, pero si Belle lang yung medyo daring at all out when it comes to that matter. Some of us were just keeping it low and modest, nagkakawalaan lang pagdating sa GC.


--


*On our way to school*


Nakasabay namin sa Jeep si Rob at Gab. Si Gab naman yung 'Medyo Crushie' lang ng tropahan. Bakit? May jowa kasi. Hindi naman kami para mangharot ng may jowa. Big NO, NO yun. Tsaka ilang years na din sila ng jowa niya. Mahirap na tibagin at wala din naman kaming balak.


Kasama ko sa Jeep si Belle at Dave. Isa si Dave sa groupmates ni Belle sa thesis.


Hindi puno yung jeep kaya medyo malapit lang din sila pwesto namin.


Belle and Dave were talking about their thesis.


"Ayaw ko na ngang sumali sa group nyo. Sobra naman yung expenses." Reklamo ni Dave.


Nakisingit na ako sa usapan nila cause naiinis na ako sa pakikinig ng reklamo ni Dave plus, nakikita ko din napipikon na si Belle. Well, kung ako ngang nakikinig lang sa reklamo niya paano pa kaya si Belle na pinaghirapan niya din naman yung thesis nila na nirereklamo niya.


"Mura na nga kung 10k lang magagastos niyo as a group." I said.


"Bakit tapos ka na ba sa thesis mo?" Dave asked with an annoying smirk.


I rolled my eyes at him. 


'Ang yabang, sarap kaltukan.' isip isip ko.


Tinaasan ko siya ng isang kilay sabay sabing, "Oo naman. Nagiintay na lang ako ng graduation. May tanong ka pa?"


Natahimik naman siya.


"Kung ayaw mo sumali edi wag. Letse ka, wala ka na ngang maitulong puro ka pa reklamo." Gigil na sabi ni Belle.


Napangiti naman ako, ngayon ko na lang ulit nakita ang outburst ni Belle, pagstressed siya at hindi umaayon sa kanya ang tadhana saka lang yan nagkakaganyan. And that's once in a blue moon dahil isa siya sa mga taong kakilala ko na may pinakamahabang pasensya.


--

Follow me if you want or if you like!

Follow me: @eYinyang

I just want to know din po, what's your opinion about my story.

COMMENT AND VOTE! AJA!

Thanks guys :*

Can we pretend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon