Bata palang ako alam ko na na may iba sakin, hindi dahil sa may kapansanan ako kundi dahil parang dalawa ang pagkatao ko. Naguguluhan talaga ako, hindi ko alam kung na ba tong nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang, normal ako.
Bunso ako sa tatlong magkakapatid, nag-iisa lang akong lalaki sa pamilya, puro babae ang kapatid ko. Lahat ng nilalaro nila ay nilalaro ko narin, no choice eh! Paper doll, barbie doll, doll house, chinese garter basta puro larong pang-babae. Kaya minsan galit na galit si erpat kasi nga lalaki daw ako tapos puro pang-babae ang nilalaro ko, so wala akong maisagot sa kanya ng mga oras na yun kasi nga sa loob-loob ko natutuwa na rin ako sa mga laruan babae. Paminsan-minsan nakikipaglaro ako mga kaibigan kong lalaki, mabulan, takbuan at taguan, na nakakapagod.... maghapon sa kalsada at parang walang katapusan! Masaya ang kabataan ko noon, laking lola rin kasi kaya lahat ng gusto ko nasusunod, bunso eh, hehehe. Sa lola rin ako lumaki at nagkaisip, lola ko ang nagpalaki sakin, sya ang nagturo sakin magbasa, magsulat at magkaroon ng magandang asal. Sila mama at papa kasi laging busy si mama ofw sa abroad samantalang si papa naman ay isang factory worker, ewan ko ba, basta hindi ko closed ang mga parents ko, ewan ko kung bakit.
Elementary na ako nun, pero parang may something talaga sa pagkatao ko... hindi ko alam kung ano yun pero curious talaga ako. Buhay elementary ay masaya, masarap mag-aral kasi marami akong baon na laging gawa ng aking lola, gusto mo lang mag-aral talaga nung elementary ako, siguro kasi sila ate maraming medals kaya siguro na inspired rin ako. Buhay elementary ko puro crush at puro puppy love, pero nagbago lahat nung tumuntong ako sa Grade 5, dun ko nakilala si Gemma Grade6 student, isa sya sa facilitator ng school ng science club namin, puro activity that day, nung una hindi ko sya pinapansin kasi nga parang ate ko na sya pero nakita kong syang ngumiti sakin at syemre gumanti rin ako ng ngiti. Hapon na, hindi pa tapos ang activity at sakin pinagawa yung clip na palulutangin sa basong may tubig. Honestly, I hate science, wala kasi talaga akong alam dun... so yun na nga hinawakan ko yung clip at dahandahan kong nilaglag sa tubig at yun, hindi yun lumubog so dagdag ten points sa scores namin! At si Gemma pala ang nagbabantay dun so nginitian nya at nagsabi ng "Congrats po, galing mo ah" sabi ko naman "Hehehe, tyamba lang po." at dito na nga nagsimula ang lahat sa aming dalawa.
Natapos na ang bakasyon, pasukan na naman, lagi kong nakikita si Gemma sa school at ewan ko ba parang kinikilig ako sa tuwing magkikita kami. May something sa kanya na gustong-gusto ko talaga dahilo siguro hindi tulad ng ibang babae si Gemma ay yung tipong simple pero maganda. Nagdaan ang mga araw at lalong nahulog ang loob ko sa kanya, ang kabaliktaran nga lang... dahil sa sobrang torpe ko at si Gemma na mismo ang nanligaw sa akin imbes na ako. Grade 5 pa lang kasi ako nun at hindi ako marunong manligaw. Naging kami, sobrang saya ko talaga! Sabi ko sarili ko "Ako na yata ang pinaka suwerteng tao sa mundo! Mahal na mahal ko si Gemma at ramdam ko na ganun din sya sakin. Araw-araw kaming magkasama, sabay kaming manuod ng movies, ewan ko ba parang hindi kompleto ang araw ko ng hindi ko sya kasama. Sobrang saya ko dahil anjan si Gemma sa tabi ko, ang unang tao na nag-ibig sa puso ko, ang unang babae na minahal ko ng husto at lahat na yata kaya kong gawin parin sa kanya. Naging masaya naman kami sa piling ng isat-isa pero dumating ang hindi inaasahan na pangyayari sa pagmamahal naming dalawa. Grade 6 na ako nun and 1st annivesary namin, ala una ng hapon pumunta ako sa bahay nila para mag celebrate kaming dalawa, kumatok ako sa pinto nila pero ate nya ang nagbukas ng pinto, "Magandang hapon po si Gemma po?" tanong ko pero pinasarhan nya lang ako ng pinto. Kumatok muli ako pero hindi na nya ako pinagbuksan ng pinto, ng mga oras na yun naguguluhan na talaga ako, at hindi ko alam ang gagawin ko. Naghintay ako ng matagal sa tapat ng kanilang bahay, inabot na ako ng gabi kakahintay sa kanya para naman malaman ko kung anong oras sya uuwi o darating, ng may makita akong babae na sumilip sa bintana nila at si Gemma nga yung nakita ko, muli akong kumatok sa kanila "Gemma! buksan mo tong pinto! ano bang nagyayari sayo!? Naguguluiuhan na talaga ako! Gemma Please!!!!" pero wala isa sa kanila ang nag bukas ng pinto. Inabutan na ako ng malakas na ulan pero naghanap ako ng malapit na tindihan at tinawagan ko si Gemma, walang sumasagot sa una at pangalawang tawag ko sa pangatlong tawag ko sa bahay nila ay si Gemma na sumagot ng phone, "Gemma, ano bang nanyayari? naguguluhan na ako talaga ako? Ano bang problema sabihin mo sakin! May nagawa ba akong mali? Gemma sabihin mo! Sumagot Ka! .... Hindi na napigil ang mga luha ko, lahat ng tao sa tapat ng tindihan nakatingin sakin pero wala akong pakialam dun, hindi parin sumasagot si Gemma, puro iyak lang nag naririnig ko mula sa kanya, pawang malakas na patak ng ulan ang nariririg ko ng mga oras na yun.... ulan na tila nakikisabay sa kalungkutan na aking nararamdaman. At may bigla akong naring na talagang nagpaguho sa buhay ko, "Markie, ayoko na, maghiwalay nalang tayo. Sorry, please umuwi ka na! Umalis ka na!" At ng mga oras na yun hindi ko talaga alam ang gagawin ko maraming tumatakbo sa isipan ko, akala ko okay kami, akala ko masaya sya sa piling ko! Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko mapigil ang mga luha sa mata ko, sobrang sakit ng nararamdaman ko! Nakikita ko sa mga mata ng tao na nasa paligid ko ay awang-awa sila sa kalagayan ko. Nagmistulan akong basang sisiw sa harap nila, na tila pinag-takluban ng langit at lupa..... Awang-awa ako sa sarili ko.... Umuwi ako na ang tanging dala ay sakit at panghihinayang, panghihinayang na sa loob ng mahigit isang taon... nauwi lang sa ganito ang lahat.
Biyernes, alas nuwebe ng umaga, graduation na nila Gemma... gumising ako ng maaga nun, nag-ayos at nagbihis para maging presentable ako kapag humarap sa kanya. Bumili ako ng tatlong pirasong rosas para ibigay sa kanya. Nasa harap na ako ng school namin nun, kinakabahan ako, at dali dali akong pumasok para hanapin sya, nakita ko sya.... naglalakad sa harapan ko, nakangiti at sobrang ganda parin talaga nya... inaasahan kong babatiin nya ako pero hindi ginawa, umiwas sya at parang wala syang nakita. Hinabol ko sya, pero nung papalapit na ako may isang lalaki na lumapit sa kanya at niyakap sya, hinagkan sya ng mahigpit. Sobrang sakit pala... kapag ikaw mismo sa sarili mo na makita mo na yung taong mahal ay may mahal ng iba!!!!! Nang mga oras na yun, gusto kong sumigaw pero di ko magawa! Gusto kong lumayo at tumakbo papalayo sa kanilang dalawa pero ayaw makinig ng mga binti ko. Biglang tumulo ang mga luha saking mga mata ng hindi ko namamalayan. Muli kong naramdaman ang sakit! Sobrang sakit!!!!! Pinilit kong umalis, pinilit kong isipin na wala akong nakita, pinilit kong magpanggap na okay lang ako... kahit ang totoo ay durog na durog na ang puso ko sa mga nakita ko.... Hindi ko alam kung paano magsisimula ng wala si Gemma sa buhay ko, si Gemma ang unang babae na nagmahal sakin at si Gemma rin unang babae na nanakit sa akin....
Itutuloy....