Naexperience mo na bang umiyak para sa isang lalaki?
Hindi yung ala-Judy Ann Santos na isang mata lang ang lumuluha ah. Yung iyak na may malalalim na hikbi. Yung luha na kahit anong kurap mo, hindi mo mapigil ang pagtulo. Kahit nakasakay ka sa jeep na punuan. At kasabay nito, naisipan ni manong driver na magpatugtog ng senti songs. At bigla ang buhos ng malakas na ulan.
And the worst part? Kahit na eto ka at basang basa sa ulan, umiiyak ang puso mo't sumisigaw, dahil kung sino pa ang s'yang marunong magmahal ay siyang madalas maiwan nang 'di alam ang dahilan. Dat feels.
*insert music here: Bakit nga ba mahal kita / Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko / Di mo man ako mahal / Eto pa rin ako / Nagmamahal nang tapat sa'yo...* (Tama na, nagiging videoke na 'tong nobela eh.)
Mula sa pagiging glee club buddies, naging malapit kami ni Charlie sa isa't isa. Sa akin na siya sumasabay kumain, sa akin nagtatanong ng assignment at lecture notes, at kapag breaktime, sa akin na rin sya sumasama. Ako rin ang naging daan kung bakit mula sa pagiging loner sa klase, nagkaroon na rin sya ng mga kausap sa mga blockmates namin, lalo na sina Jeanne at Vicky.
May isang pagkakataon na nagkaroon kami ng schedule kung saan tatlong oras ang break. Bilang malapit lang kami sa isang sikat na mall, napagpasyahan naming apat na doon magpalipas ng oras. Nakakapit sa akin si Jeanne, habang naglalakad sa likuran namin sina Vicky at Charlie.
Jeanne: Meg?
Ako: Hmm?
Jeanne: Buti sumasama sa'tin si Charlie, no? Dati, hindi eh.
Ako: Oo nga eh. Eh kasi tahimik lang siya, tapos masyadong mahaharot ang mga kablock nating lalaki. Atsaka basta hindi tayo papalibre sa kanya, okay sa kanya. Haha!
Jeanne: Ahahaha... Ngapala, bakit wala pa siyang girlfriend?
Ako: Hmm. Di ko alam eh. Baka bakla sya. Ang lamya nya kumilos eh.
Charlie: Ay, salamat ha? Muntik ko nang marinig!
At nagtawanan na lang kami. Napagdesisyunan na rin namin na magpakuha ng studio portrait. Bilang "thorn among the roses", nakapwesto siya at nakaupo sa gitna habang kaming tatlo ang nasa likuran nya. Ang gentleman talaga nya kahit kailan, talaga naman. Mayroon pa kaming tig-iisang kopya noong picture na yun. Yung wallet size. Dati, palagi itong laman ng wallet ko. Oo nga pala, nasaan na kaya 'yun? Pag-uwi namin galing Pansol, hahalungkatin ko nga.
Anyway, habang lumalaon ang mga araw, marami akong natutuklasan sa kanya. Yung mga hilig nya, family-related matters, and yes, kahit tungkol sa... alam mo na. Pero ramdam ko ang sobrang paggalang nya sa aming pagkakaibigan, na hindi ko naramdaman na nag-take advantage sya sa akin kahit minsan. Lalo akong humanga sa kanyang pagkatao.
Sa totoo lang, hindi ko pa rin narerealize na may something na ako sa kanya nang bigla akong kausapin ni Vicky isang hapon. Maagang umuwi si Jeanne noon.
Vicky: Meg... May sasabihin ako sa'yo. Pero sana, sa ating dalawa na lang muna..
Meg: Sure thing, pating. Anong meron?
Vicky: Neng... May gusto ako kay Charlie.
*insert sound FX: DUN DUN DUUUUUUN*
Ako: Oh? Ano naman ang nagustuhan mo sa kanya?
Vicky: Eh kasi, gwapo sya. Matalino. Tahimik. Gentleman. Sobrang perfect nya. Kung may gusto akong maging boyfriend, sya na yun. Kaya lang, parang hindi nya ako napapansin. Parang may iba syang gusto... Kaya naman tulungan mo ko, please?
Ako: Haaa? Sino naman ang gusto nya?
Vicky: May hinala ako... Pero hindi ko muna sasabihin sa'yo kung sino. Basta please, kailangan ko ng tulong mo. Ikaw kasi ang pinakamalapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Ampalaya Diaries
RomanceAmpalaya 1. pangngalan; Isang uri ng gulay na kilala sa kanyang mapait na lasa 2. pang-uri; tawag sa mga taong may mapapait na emosyon patungkol sa isang tao, bagay, o pangyayari Bakit may mga taong bitter, lalo na pagdating sa pag-ibig? Samahan nin...