Chapter 8
Pagkatapos naming dumaan sa jewelry shop, dumiretso naman kami sa department store. Napansin ko naman na ang daming nakatingin na babae kay Ciann. Wala eh, gwapo eh. (Oo, gwapo siya. Kahit galit ako sakanya.) di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad nang may nagpaparinig na babae sa likod namin.
"Sa tingin mo ba Girlfriend niya yun?" Tanong ni Girl 1
"No way! Masyadong gwapo yung lalaki niyang kasama para maging Girlfriend siya." So sinasabi ba nila na kapangitan ako?! So ganun?! Eh kung sila nga kung makapagMake-up sa muhka nila parang nagfaface painting lang sila eh. Sa sobrang kapal kasi. Makalait talaga saakin! Grrr!
"At tignan mo naman, tagabitbit lang ata siya ng mga gamit ng lalaki eh." Tinignan ko yung mga gamit na bitbit ko habang napatingin ako kay Ciann na cellphone lang niya ang hawak. Wala eh, ang GENTLEMAN kasi eh. At isa pa, di naman talaga ako girlfriend ni Ciann.
Sabi ko sa sarili ko na in some reason di ko kayang masabi out loud. Inis at Sira na Sira na talaga tuloy yung ME DAY ko. Bwiset! Nang biglang hinablot ni Ciann ang kanang kamay ko at umakbay saakin.
"A-Ano ginagawa mo?! Bitawan mo nga ako!" Sabi ko habang umaalis sa mga hawak niya kaso maslalo niya lang hinigpitan ang hawak niya saakin.
"Pumapayag ka na sa ganun?" Sabi ni Ciann.
"Ano nanaman yang mga pinagsasabi mo?" Mataray na sinabi ko sakanya.
"Yung pinaguusapan ka ng mga babae na di ka bagay saakin" sabi niya. Narinig niya yung mga sinabi ng mga babae?! Argh! Nakakahiya naman.
"A-Ano naman?! Bitawan mo nalang kasi!" Sabi ko habang pumapalag ulit sa mga hawak niya nang hinigpitan ulit niya ang hawak saakin.
"Just Shut up and Let me Protect you, geez." Naramdaman kong uminit ang muhka ko nun sabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Ano ba nangyayare sa puso ko?! Kaya naman napatingin ako kay Ciann, unexpectedly napatingin din siya saakin kaya nagkaEye-Contact kami. Ayun, maslalong uminit yung muhka ko sabay ng mabilis na mabilis na pagtibok kaya hinawakan ko yung dibdib ko at lumingon nalang ng ibang direksiyon.
*nang makarating na kaming department store*
"So ano naman gagawin natin dito sa department store?" Tanong ko sakanya nang bigla niya akong itinulak sa may Fitting room at nagbato ng mga mamahaling damit saakin. Kawawa naman yung mga damit.
"Para saan naman ito?" Tanong ko sakanya.
"Try one of those. Titignan ko kung anong damit ang magmumuhka kang decente." Sinasabi niya bang di ako muhkang DECENTE!? GRR!! Nakakainis na talaga siya!
Pumasok nalang ako sa Fitting room at isinoot ang mga binato niyang damit saakin. Wala eh, no choice po ako dito.
1st Dress
-dress is above knee level
-yellow colored dress
-frills in lace,bottom, and at top
-good for Prom/Party
"Nah, muhka kang clown sa suot mo. Try another one." WOW AH! CLOWN?! At maka-utos ah!!
2nd Dress
-sleeveless Blouse with Skirt
-lightblue blouse with Prussian Blue skirt
-good for Formal or Casual wear
"Too Normal...Next!" Sabi niya. Grrr! Nakakapagod din kayang magbihis-bihis noh! Kaya inirapan ko nalang siya at pumasok na ng Fitting room. Kelan ba siya masasatisfied sa damit na babagay saakin?!
3rd Dress
-one piece dress
-pink colored
-ribbon belt
-good for Prom/Party
Ipinakita ko sakanya yung pangatlong dress na isinukat ko. Nakita ko naman siyang nakatitig lang saakin. Kaya naman bumalik ma ako ng fitting room kasi alam ko na ang comment neto. Malamang sa malamang, NEXT! Ang comment nanaman neto.
"Wait, yan na ang bibilhin ko." Napatingin ako sakanya na dumiretso na sa Cashier. Di lang man tumingin saakin. 'No problema nun?
Kaya naman pinuntahan ko na siya sa Cashier
"Seryoso? Tapos na ba? Last na ba ito?" Tanong ko sakanya.
"Oo, pwede ba tumahimik ka na!" Masungit niyang sagot saakin. Nakita ko naman siyang namumula. Bakit siya namumula? At bakit naman ang bilis ng tibok ng puso ko?! SHETE!!
*after niya magbayad*
"Oh ayan, kargahin mo itong mga bag." Sabi niya sabay ibinato saakin ang mga ipinabili namin. Grabe!! Napakagentleman!!
"Alam mo, di na talaga uso ang pagiging Gentleman noh?" Sabi ko sakanya habang hinga na hingal na binibitbit ang mga pinabili niya saakin.
"Bakit? Para kanino ba yang mga pinabili ko? Diba sayo? Kaya bitbitin mo." ABA ANG KAPAL! Di naman din ako ako nagtanong o nagsuggest na gusto ko bilhan niya ako dba? GRRRRR!!!! Gusto ko sana sabihin yun sakanya kaso alam ko lang na babarahin at babarahin niya lang ako.
*after mga ilang minutes*
"Let's go there next" sabi niya sabay pumasok sa isang Shoe Shop.
"Ngayon naman sapatos?!" Sabi ko sakanya.
"Oo, tulad nga ng sinabi ko, I need to make you look Decent." Sabi niya sabay pinaupo ako sa bench.
Argh! Biglang sumakit yung ulo ko. Sakit...
"Bakit parang namumutla ka?" Tanong saakin ni Ciann.
"Ha? Wala 'to. Sakit lang ng ulo ko." Sabi ko sabay hinimas yung forehead ko.
"Stay there, bibili ako ng gamot. Wag kang aalis pag wala pa ako." Sabi niya sabay tumakbo palabas ng shoe store. Nang...
"Miss, Boyfriend niyo po ba yun?" Tanong saakin ng mga saleslady na halatang kinikilig.
"Uh...opo." Sabi ko.
"Ang swerte niyo naman sa Boyfriend niyo miss. Maalahanin sainyo." Sabi nila. Napatingin naman ako sa pintuan kung saan lumabas si Ciann. Napangiti naman ako at medyo nawala yung sakit sa ulo.
Nang matapos na ako makapili ng sapatos, lumabas na ako ng Shoe store at pupunta sana sa Mercury Drug. Malamang nandun siya kasi bibili nga daw siya ng gamot diba? Kaya naman pumunta ako ng Mercury Drug Kaso ang Problema....
"Saan ang daan sa Mercury Drug?!" Sabi ko sabay kinuha yung cellphone ko para tawagan si Ciann. Muhka kasing nawala ako sa Mall.
*cellphone vibrate*
"Hello Ciann?" Sabi ko.
"Asan ka na?! Sabi ng mga saleslady, umalis ka ng store! Diba sabi ko sayo, hintayin mo ako makabalik!" Sabi niya na halatang nagaalala saakin.
"Makasigaw?! Nanay ba kita?!" Sabi ko sakanya. Nakakainis kasi eh. Feeling nanay!
"Nagaalala lang ako sayo, baka mamaya may mangyare sayo! Asan ka? Pupuntahan kita." A-Ano itong pinagsasabi ng lalaking ito?! Bigla namang uminit ang mga muhka ko sabay ulit ng mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Uh...nandito ako sa may--....." Sasabihin ko na sana kung nasaan ako nang may tumakip sa bibig at ilong ko ng panyo at onti-onti akong nahimatay.
Di ko namalayan....nasama ako sa isang delikadong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]
Teen FictionBoyfriend! Boyfriend!! Boyfriend!!! Yan ang mga usong topic ng mga babae namin sa school. Ewan ko ba pero bakit ba usong-uso ang magkaBoyfriend? Sabi nila, ikaw na daw ang pinakamagandang babae pag nagkaBoyfriend ka na. Eh lagi nga akong pinagsas...