Aia's POV
"Honey, paabot naman nun oh!" sinundan naman ni RD yung direksyon na itinuro ko at nakangiting kinuha yung pinapaabot ko at ibinigay sa akin.
"Nakakailang beses ka na bang nagtimpla ng gatas maghapon? Yan talagang si Baby Zydn ang takaw! Mana sa mom---aww!" napaurong naman siya nung bigla ko itong kurutin sa tagiliran. Kapang-asar eh! May anak na nga kami lahat-lahat di pa rin nagbabago! Mapang-asar pa rin!
"Honey naman! Ako na nga muna magpapatulog dyan sa baby ko..." dahan-dahan akong umalis sa pagkakahiga ko dito sa kama at pinanuod si RD habang pinaghehele yung bunso namin. Oo bunso!
Pangatlong anak na naming dalawa si Baby Zydn. Yung panganay namin fraternal twins. Sina Art Zyan at si Reez Diane Mendoza Lopez at proud kong sasabihin na mga honeymoon babies namin sila!
Naalala ko pa kung paano ako nahirapan na ipanganak sila 5 years ago dahil kambal yung nasa loob ng tiyan ko. Nagagalit na nga sa akin nun si RD kasi ang gusto niya i-CS ako pero nagpumilit ako ng mag-normal delivery ako. Kapag pinapanood ko nga yung video na kuha noon sa delivery room ng asawa ni Kat na si Carlo wala akong humpay kakatawa kasi daig pa ako ni RD sa hitsura niya. Ang putla niya nun habang sinasabi sa akin 'yung word na "Push!"
"Honey."
"Hmm?" napalingon ako kay RD na binubuhat si Baby Zydn mula sa kama. Nakatulog na kasi ito at ililipat na niya sa loob ng crib.
"Careful baka magising yung prince natin!" bulong ko habang inaayos niya yung maliliit na unan sa gilid nito. Natawa lang siya at matapos nun, hinawakan niya yung kamay ko palabas ng kwarto.
"Waah... ang daya mo Art! Sabi mo kapag natalo kita tutulungan mo ako sa homework ko!" nagkatinginan kaming dalawa ni RD habang pababa sa hagdan ng marinig namin yung boses ni Reez. Panigurado nagkakatampuhan na naman sila ng kambal niya sa games sa xbox.
"Kids, tama na yan gabi na!" napalingon naman yung dalawa sa amin nung magsalita yung daddy nila. Yung princess ko nagtatakbo na agad sa daddy niya at nagpakarga.
"Dad si Art nga po! Nagpromise siya na kapag natalo ko po siya ng isang game tutulungan niya ako sa assignment ko sa Science pero ngayon ayaw na niya! huhuhu" isinubsob pa niya yung ulo niya sa dibdib ng daddy niya kaya sinenyasan ako ni RD na lapitan naman si Art.
"Art di ba sabi ko sa'yo dapat lagi kayong nagtutulungan na magkambal? Ayaw namin na nakikitang nagkakatampuhan kayo ni Reez di ba?"
"Opo!" nakayuko niyang tugon. Hinawakan ko yung magkabila niyang pisngi at iniharap ito sa akin.
"Say sorry to your twin sis. Next time, kapag nag-promise ka tutuparin mo para hindi nagwawala si Reez!"
"Mommy!" pagrereklamo naman ni Reez na buhat ng daddy niya. Ayaw niya kasing naririnig yung word na nagwawala, nag-iingay and such na halos nakuha niya sa akin. Maingay ako noon di ba?
Inihatid na namin sila si RD sa kwarto nila at saglit na tinuro nito yung mga gagawin sa assignment nila. Si Art nagmana sa daddy niya na mahilig sa Science. Pangarap nga din daw niyang maging doctor kagaya ng daddy niya. Yes, doctor na si RD. Last year lang siya nakapasa sa board exam at nung time na yun, dun ko rin nalaman na buntis pala ako sa pangatlo naming anak. Si Reez naman sa akin nagmana, mahilig sa pagkain. Joke! Love niya yung English. Pero kung aalalahanin ko, wala akong favorite subject nung nag-aaral ako, kaya sigurado kay RD pa rin siya nagmana.
"Sir Renz may tawag po kayo sa telepono." napalingon kaming dalawa dun sa maid na inabot yung wireless phone na hawak niya. Agad naman itong kinuha ni RD para sagutin.
BINABASA MO ANG
Make You Feel My LOVE
Novela JuvenilIf you love a stranger, be friends. If you love your friend, be best friends. If you love your best friend, tell him. Pero paano kung si bestfriend may love ng iba? Paano ka? This story will show us how BESTFRIENDS turns into LOVERS... How she figh...