9th Chance- All About Us

454 17 5
                                    

"I hope that one day I can love you the way you love me."

 

"You figured it out once. You'll do it again."

Inangat ko naman kaagad ang salamin ko para punasan ang mga luha ko. Ano ba naman yan. Pakiramdam ko tuloy ang bakla ko dahil umiiyak ako sa pelikulang The Vow. Isa itong pelikula tungkol sa isang mag-asawa. Naaksidente sila parehas pero yung babae lang ang nagkaamnesia. At ngayon, ginagawa ng lalaki ang lahat para mabawi ulit yung asawa niya.

Napabugtong hininga naman ako at napatingin sa orasan. 2PM na at hindi pa ako nanananghalian. Wala kasi akong ginawa buong araw kundi manood ng mga pelikulang may mga amnesia plot. Nagbabakasakaling may makatulong sa'kin sa pagpapaalala kay Kath ng lahat. Mamayang gabi, simula na ng plano ko. At kung magiging prangka ako sa sarili ko, inaamin kong hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Nagplano naman ako ng isang dinner para sa amin mamaya. Komunsulta naman ako sa mga kaibigan ni Kath. Alam na nila kung anong meron ngayon at kung sino ang kasama ko. Hindi din nila alam kung paano nangyari ang lahat dahil imposible naman talaga. Pero naniniwala ako na siya si Kath. Basta ang motto nila ngayon, close your eyes. Magbubulag-bulagan na lang daw sila. Alam ko namang hindi sila okay dito sa idea ko, pero ano ba naman ang mawawala kung susubukan mo? Malay natin, magulat pa tayo sa magiging resulta.

Ang sabi nila, laging nasa dating menu ang pasta. Kaya kahit ano raw ang gawin ko, wag kong tatanggalin sa listahan ang pasta. Carbonara ang suggestion nila sa kadahilanang nakakasawa na ang spaghetti. Nangako naman ako sa sarili ko na 5PM ay magluluto na ako ng pasta. Para mainit-init pa siya mamaya. Naisip ko na kailangan ko pa ng dalawang menu kahit light lang. Kaya kaagad ko namang binuksan ang laptop ko para magresearch.

Knowing Kath, mahilig siya sa chocolate. O siguro noon. O baka naman ngayon ganun pa din? Ano ba naman yan. Kapag ba may amnesia ka, nalilimutan mo na din yung mga paborito mong pagkain noon? Agad akong pumunta sa site ni Jamie Oliver, at saka nagsearch ng pagkain na may chocolate na ingredient.

Masyadong madami. Kaya naisipan ko na isang simpleng Chocolate Mousse na lang at saka Chocolate-Dipped Strawberries. Nagsearch din ako ng wine na pwedeng i-pair sa carbonara.

Pagkatapos ng pelikula, niligpit ko na ang mga gamit ko at nagstretching. Simula na ng Operation: Gawin Ang Lahat Para Maalala At Mahalin Ulit Ni Kath Montevideo. OGALPMAMUNKM.

6:30 na at maayos na ang lahat. Nakaset-up na ang la mesa sa ilalim ng puno na may dalawang upuan. Nakasabit na ang mga maliliit na lantern sa puno at may mga lampara. Nagdala din ako ng isang malaking kumot at dalawang jacket. Isang bagay- tao na lang ang nawawala. At si Kath yun.

Malapit nang mag-7:30 PM nang makita ko si Kath. Salamat naman sa Diyos at dumating siya. Nainis na siguro siya sa dami ng mga text na pinadala ko sa kanya. Sinundo ko naman siya.

"Good evening Ms. Montevideo. Are you enjoying making other people wait?"

Hinarap niya ako at nagsmirk.

 

"Men are obliged to wait for women."

 

"Wag ka na ngang mag-English. Nakakadugo ng ilong eh. Marunong ka namang mag-Tagalog di ba?"

 

"Oo. Pero alalahanin mo na napikon lang ako sa mga text mo kaya andito ako. Hindi ko pa nakukuha yung oras na kailangan ko."

 

Dear Kath: His Letters of Chances [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon