Part Twenty: Blue Balls

808 38 6
                                    

"IYON na ang pinaka-pakening pakshet paker na pageant traning na na-attend-an ko. Like, ever!" Nakasimangot na ibinagsak ni Yasmin ang katawan sa kama. Nakabuka ang mga braso at mga binti, para itong starfish na nakatulala lang sa kisame. Hindi man lang nito tinapunan ng tingin si Armie, maski ang kasunod niyang si Mac.

Nakaramdam siya ng awa rito. Nagisa kasi talaga ito sa Question and Answer training nila. Lahat sila ay binigyan ng pagkakataon na makapag-practice ng Q&A, tinulungan pa sila ng mga dati nang beauty queens, maging ng isang TV host, kung paano sumagot. Pagkasagot nila sa nabunot na tanong ay saka magbibigay ng feedback ang ibang mga candidates. Pero dapat, yung pagbibigay ng payo ay para itama kung anuman ang mali na nasabi o i-improve pa ang naging sagot, at hindi basta para manlait lang. Pero dahil walang ginawa si Yasmin kundi magtama ng magtama ng mga maling isinagot ng iba nilang kasamang kandidata, nang ito naman ang nasalang ay para itong napagkaisahan. Kung siya siguro iyon ay baka umiyak na siya. Pero iba si Yasmin. Matibay.

Siya, dahil tahimik lang naman siya buong pageant, ay hindi gaanong pinansin ang mga mali niya. O siguro, hindi naman kasi siya tinitingnan ng ibang mga kandidata bilang mahigpit na kakumpetensiya, hindi tulad ni Yasmin.

Naupo si Armie sa kama niya, habang si Mac naman ay naupo sa paborito nitong pwesto, sa pang-isahang upuan malapit sa may bintana at nagsimula na namang buklatin ang mga libro nito para magbasa.

"Patty, do you think the other girls hate me?" Maya-maya ay tanong ni Yasmin sa kanya.

Tiningnan niya ito na kasalukuyang nakatulala pa rin sa kisame. Paano ba niya sasagutin ang tanong nito? Magsasabi ba siya ng totoo? O magsasabi siya ng kung ano ang gusto nitong marinig? "Eh kasi... Feeling nila inaway mo sila... Kaya gumanti lang sila sa 'yo... siguro?"

"How will they improve if they won't take constructive criticisms? Ikaw, ano bang comment ang sinabi ko sa 'yo kanina?"

"Sabi mo, kung nahihirapan akong mag-English, mag-Tagalog na lang ako. Kasi 'di naman nasusukat 'yung ganda ng sagot sa language na ginamit ng contestant."

"O, nasaktan ka ba do'n?"

Umiling siya. "Okay lang naman sa 'kin yung sinabi mo, Ate Yasmin... Pero..."

"Pero?"
"Nung ikaw na yung nakasalang, binulungan ako ni Number Eighteen na 'wag daw ako maniwala sa 'yo. Kasi wala naman daw sumasagot ng Tagalog sa mga beauty pageant, lalo na kung katulad ng Miss Global Beauty na yung mananalo sa Pilipinas eh ipapadala as representative sa international pageant nila. Kung gusto ko daw manalo, mag-English ako sa Q and A."

"Who's that again? Number Eighteen? The fag hag who catwalks like a zombie!"

Nabigla siya nang bigla itong bumangon nang nakataas ang dalawang mga braso at humarap sa kanya. "B-B-Braiiiiinssssss..." anito na umaaktong animo zombie na lumapit sa kanya. "I'm gonna eat your b-b-braaaaiinnsss.." Ngumangasab-ngasab pang sabi nito bago siya nito mariing hinawakan sa magkabilang balikat—

Napa-igik siya.

Napatigil naman ito sa ginagawa. "Hey, did I hurt you?"

Umiling siya.

"Then why did you make that face—" Bigla nitong itinaas ang kanang manggas ng suot niyang official t-shirt ng pageant. "Hey, where did you get those bruises?"

Umiling muli siya bago ibinaba muli ang manggas niya. "Nabangga ako sa pader kanina."

"I think I inadvertently did that. I'm very sorry, " boses iyon ni Mac na lumapit pala sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ni Yasmin. Napatayo ito at pinamewangan si Mac. "Heyyyy, that's foul! You made sermon na sa kanya earlier, and then this? That's... That's physical assault!"

Bumuntunghininga si Mac. "It does not constitute assasult since it was not my intention for her to suffer physical harm."

"Excuses, excuses! Tell that to our Gabriela sistahs, Attorney Sandejas!" ani Yasmin na sinuntok sa balikat si Mac. "Ouuuuch. Are you made of rock or what?" anito habang hinihimas-himas ang kamao.

Huminga ng malalim si Mac bago humarap sa kanya. Tumingala siya rito. "C'mon, Armie, get even. Hit me at the face, or anywhere you want. Nakaya mong magpatulog nang pulis dati sa inyo, 'di ba?"

Naalala pa pala nito iyon. Pero baka kagaya ni Yasmin, baka siya lang ang masaktan kapag sinuntok niya ito sa mukha. Pwera na lang kung ang sasadyain niyang tamaan ay ang pinakamahinang bahagi ng katawan nito—

Wala sa loob na napasulyap siya sa pagitan ng hita nito.

"That's attempted murder," anito pagdaka.

Ngumisi siya dito ng nakakaloko. "Akala ko ba kahit saan pwede?"

"Ohhh! I know how you can get even, Patty!" bulalas ni Yasmin. "You know what would hurt him BOTH physically and mentally?" Napalingon silang dalawa ni Mac dito. "Blue balls!"

The Queen of ShieldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon