Kyle's Pov
Shit! Shit! Shit!
Tumingin ako sa likod at sumusunod pa din ang itim na kotse. Mabilis kong pinaharurot ang kotse sa malawak na daan. Tumingin ako ulit at hindi na ito nagiisa kundi dalawa na! Alam kong hindi na to biro..
Bago ko ihatid si kylie sa pupuntahan nya ay alam kong may mga nakasunod samin. Napansin ko yun nung binagalan ko ang takbo para matingnan baka nagkakamali lang ako pero meron.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo at mabuti naman ay may mga kotse na kaya nakikumpol ako sa mga to para makatakas. Malayo na sila sakin kaya binilisan ko pa. Sakto namang nagstop light. Kaya naiwan ang dalawang kotse.
Binilisan ko ang takbo at dinala sa gilid ng 24 hours mini mart. Pumasok ako dun at nanguha ng ano ano habang tinatawagan ang cellphone ni kylie.
"Damn! Sumagot ka!" Masama ang kutob ko. Wala pa din.. baka iniwan nya!?
Sinubukan kong tawagan sila jacob ngunit tanging kay Ivan lang ang sumagot.
"Hello!? Fuck!! What's happening there!?"
("K-kuya...") nanlaki mata ko.
"K-kylie!? Damn! Are you okay? Tell me!" Sigaw ko at habang tumitingin tingin sa paligid.
("H-hindi. K-kuya natatakot ako. Sinaktan nila si Ivan tas hindi pa nakakabalik si mikaelle..") umiiyak na sabi nya. Shit sana palang hindi ko na sya pinapunta! Kasalanan ko to!
"Sinaktan kaba nila? Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita---"
("W-wag.. O-okay lang ako. Nagtatago ako sa mga locker. Tumawag ka nalang ng pulis wag kang pupunta magisa dito. Please lang kuya.. marami sila!")
"I can't. Magtago ka lang. Pupuntahan kita kylie. Hindi ako mapapanatag. Just hide okay!?" Pinatay ko na ang tawag at may tinawagan.
"Hello Neo? I need your help.."
Kylie's Pov
Pilit kong tinatawagan ulit ang cellphone ni kuya pero hindi na ito sumasagot. Sobrang sikip dito sa pwesto ko at ang init sa pakiramdam. Parang mauubusan ako ng hininga.
Dali dali kong binuksan ang locker ng di nakayanan. Tumingin tingin muna ako sa madilim na pasilyo bago lumabas. Ginawa kong pangilaw ang cellphone ni Ivan sa hallway. May nakita akong baseball bat kaya dinampot ko ito habang dahan dahan naglalakad at nakikiramdam sa paligid. I need to get out of here and find them..
Muntik na akong mapasigaw ng may gumalaw sa gilid ko. Sa takot ko ay tinakpan ko kaagad ang bibig ko at itinaas ang baseball bat
"Ano ba!? Wag ka nga malikot!"
"Bat ako!? Ikaw nga chumachansing saken!"
"Aba kapal nga naman ng mukha mo ricolangot!?"
"Mukha mo faithlog!!"
"Yaahhhh!!!"
Sunod sunod ang mga tunog sa locker sa gilid ko na parang may gerang nagaganap. Imbis na matakot ay para akong nakahinga ng maluwag nang marinig ko ang bangayan ng dalawa.
Mabilis akong kumatok at mabilis ding tumahimik.
"Luh ano yon?"
"Takte baka narinig tayo!"
"Kasalanan mo to!!"
"Ikaw yon!! Lagot na!"
"Faith, Rico! Ako to! Si kylie!!" Sabi ko at kumatok sa locker. Patingin tingin pa ko sa gilid dahil baka may sumulpot.
BINABASA MO ANG
BOOK2: The Snob Gangster's Secrets
Ficção Adolescente(BOOK TWO) Kung gaano katagal bago naging sila, ganon kabilis silang nagkahiwalay. Everything's perfect, but why did it happen? What's wrong with mikaelle? Why the snob mikaelle keep hiding secrets from kylie? Ano ang meron at puntirya yata sya ng k...