Stardust in Her Heart

141 2 0
                                    

CHAPTER 1

NOONG SABIHIN NG DOKTOR SA MGA MAGULANG ni  Megumi, na may sakit ang anak nila sa puso, hindi nakita ni Megumi ang pag-iyak nila. Wala ang bata sa kuwartong yun, wala rin sa sungaw ng pinto upang sumilip at marinig ang tadtad ng may sayantipikong reference at pagpapaliwanag ng babaeng doktor ukol sa kondisyon niya. 


Noong mga pagkakataong yun, marahil ay nakasilip sa likod ng isang teleskopyo si Megumi, nasa likod nito si Caspian, kinukwento ang tungkol sa 'stardust'. Kinalaunan, may isang bata namang magbibitiw ng isang sikil na iyak sa isang silid, puputok ang labi nito at durugo iyon, si Michael ang bata, na siyang maghahatid kay Megumi upang makita ang mga bituin.




UNANG NAGKAKILALA SI MEGUMI AT CASPIAN ng minsang mahulog ang makapal na librong hawak ni Megumi sa kamang iyon ng hospital, kahit bata pa siya, may suot na siyang makapal na salamin, kaya't sinuksok niya muna sa tenga niya ng maayos ang handle ng salamin bago siya mapababa ng ulo at kunin ang libro. Ang ikalawang Chronicles sa installment ng Narnia ang binabasa niya. 

Prince Caspian, yun ang titulo ng libro. Pagbabasa lang ang tanging nagpapasaya sa musmos niyang isip, wala siyang kalaro, hindi siya pinapayagang makipaglaro, dahil madali lamang siyang mapagod at hingalin.


Ng ibaba niya ang ulo niya, doon niya nakita ang batang nakasuksok sa ilalim ng kama niya. Nanlaki ang mata ng batang lalaking iyon, ipinaste agad sa labi ang isang hintuturo. 


Huwag daw maingay ang batang babae. "Hinahabol ako ng kampon ni White Witch..." mahina nitong dagdag, itinaas ang umiilaw na laruang light saber na mas mukhang hinulbot pa at akma sa Star Wars. Sa gulat ay napatili ang batang si Megumi, napa-landing sa sahig kasabay ng pagkahulog ng salamin niya.


"Hoooy!" tawag nito sa kanya, "Huwag mo kong isusumbong kay Michael, sige na-"napatayo siya at hintatakot na napadiretso sa pintuan ng silid niya sa hospital na iyon. Wala ang nars, pati rin mga magulang niya sa kwarto.


 Nagtaka siya kung paano itong nakapasok. Nahagip ng mata niya ang naka-awang na hindi gaanong kataasang malaking bintana sa may kaliwang parte ng silid, nasa dulohan ng kama niya. May naka-usling puno ng bayabas doon. Nadakip niya ang iilang mga dahon ng bayabas sa puting sahig sa silid.


Naintindihan niya ang nangyari, ngunit paanong hindi niya napansin kanina?! Magsasalita na sana siya ng biglang may isang maliit na ulo na dumungaw sa bintana.


"Narito ba ang prinsipe ng Narnia?!" magiting na pag-bark ng isang boses, hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng batang yun, pero hindi siya napatili. Kalmado niyang nahagip ang animo'y flecks ng ilaw mula sa wumawagaywag na light saber sa ilalim ng kama niya.


"Wa-wala...wala dito, ang prinsipe ng Narnia. Umalis ka na!" pagtataray niya. Isang minuto pa, narinig niya ang pag-rustle ng gamilyong dahon, lumukso na ang bata mula sa pagdungaw sa bintana niya. Napahinga ng malalim si Megumi.


"Sino ka?! Ba't ka pumasok sa kwarto ko?" demand ni Megumi.


Written In The Stars (Bookware Publishing MSV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon