3 AM

19 0 0
                                    

Madaling araw nanaman ng ako’y magising, napatingin nanaman ako sa pinto ng kwarto ko. Bukas ito at tanaw ko ang hagdan, bumangon ako at nagdesisyon na lamang uminom ng tubig. Binuksan ko ang ref at agad kinuha ang aking tubigan, pumanhik na ako pabalik sa kuwarto ko dala ang tubigan ko. Matapos uminom ay ipinatong ko na lamang sa side table ko ang tubigan at humiga na ulit. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi na ako makatulog, napatingin nanaman ako sa pinto ng kwarto ko na nakabukas parin.Hindi ko alam ngunit sa tuwing nagigising ako sa madaling araw ay palagi nalang sa side na ito ako napapatingin. Tiningnan ko ang alarm clock na nasa lamesa ko, 3:15 am ng madaling araw palang, sa karkulasyon ko ay nagising nanaman ako ng saktong 3 am. Kahit nag tataka ay pinilit ko na lamang makatulog dahil may pasok pako bukas.
Maagang nag dismiss ng klase ang aking guro, kaya naman heto ako at binabaybay na ang daan pauwi sa bahay namin. Ala-sais palang ng hapon ngunit madilim dilim na agad sa paligid, tanging ilaw ng mga poste ang nagiging tanglaw ko. Wala masyadong dumadaan na tao rito sa kalsadang dinadaanan ko maging sasakyan ay wala rin. Malayo at magubat ang papunta sa amin, naiisang bahay lang kasi ang bahay namin. Isa itong sinaunang bahay na namana pa ng aking ama sa kanyang mga magulang at mag dadalawang buwan na kaming naninirahan dito. Nung una ayaw ng aking ina na tumira kami ditto ngunit dahil nga mahal ang renta ng bahay ay nadisisyon na lamang pumayag si Mama. Bago lang din ako sa school ko pero meron na akong mga kaibigan, sina Velly, Loren, Miki at Chanell.
Napansin ko naman na nakarating na ako sa malaking gate nang bahay namin. Masasabi kong maganda ang bahay namin at malaki ngunit kapansin pansin ang pagkaluma nito. Makikita din ang malaking puno ng baliti sa bakuran namin na mas lalong nagpa creepy sa hitsura ng bahay naming. Pumasok na ako sa loob at nadatnan kong nasa sala ang aking kapatid at nanonood ng tv, Korean drama nanaman ang kanyang pinapanood. “Hey! Morah, what is the title of that drama?” – I asked my sister. Matagal na nanirahan ang kapatid ko sa America kaya naman hindi siya ganun marunong mag tagalog. “It’s Goblin” she answered, I just continue walking up to my room and take off my uniform. Naligo na muna ako at pagtapos ay nag lagay na ng mga nilalagay ko sa mukha ko. Matapos ay pumanhik nako sa baba upang kumain ng gabihan. “How was your day Arveyn? “ tanong sa akin ng aking ama na nakatutok sa kanyang laptop na nakapatong sa lamesa. Palaging ganito ang aking Papa, busy lagi sa work kahit na kami ay kumakain ay tutok aprin sya sa ginagawa nya. “Good, Pa! my friends will take a sleep over here tomorrow.” I told him, he just nod then eat his food without looking on it. Kumain na naman kaming apat n tahimik.
Umakyat nako sa kuwarto ko, sinara ko ang pinto at umupo sa bed ko. I dial Velly’s number and then call her.
“ Hello!”-banggit nya .
“Best, pumayag na si papa mag over night kayo bukas.”- Sabi ko sa kanya.
“Yes! So paano bayan, sasabihin ko na sa kanila hah.”- Sabi naman nya na halatang excited.
“Sige! Goodnight tulog na ako.” Sabi ko nalang, at pinatay na ang tawag.
Excited kasi ang mga kaibigan ko na makapunta ditto sa bahay namin, kahit na sinabi ko sa kanila na nakakatakot ang bahay naming ay di sila naniniwala.
Humiga na naman ako at ipinikit na ang aking mga mata.
Naalimpungatan ako sa langitngit ng pinto, dahan dahan ko naman inimulat ang aking mata, sa gawi nanaman ng pinto ako napatinin, naaninag ko ang pinto ng kwarto ko na nakabukas at ang lalaking nakatayo dito. May suot syang itim na pang taas at pang baba, malabo ang paningin ko dala ng biglaang pag mulat kaya naman kinusot koi to ng kamay ko. Ganoon na lamang ang gulat ko nang malinaw kong nakita na wala naman tao sa pinto ko, bumangon ako at labis na nag taka. Alam ko naman na may tao akong nakita, pero naisip ko na lamang na baka namamalikmata lang ako.
Tiningnan ko ang alarm clock ko at tama ang iniisip ko, alas tres nanaman ng madaling araw. Naipilig ko nalang ang aking ulo at humiga na ulit. Pero nag pagulong gulong na ako sa higaan ko ay hindi parin ako makatulog. Para bang may nakatitig sa akin, nilinga ko naman ang aking paningin ngunit wala naman ako nakita. Kinuha ko ang laptop ko at nanood na lamang ng kpop dance, ito kasi ang pampalipas ko ng oras. Sa kalaitnaan ng aking panonood ay napansin ko sa aking peripheral vision  na may tao na nakatayo sa may pinto ko at sa palagay ko ay nakatanaw sa gawi ko. Nilingon ko ito ng mabilis at wala nanamana ako nakita. Nakaramdam ako ng kilabot sa buo kong katawan. Alam ko sa sarili ko na hindi ito pang karaniwan, kahit na takot ay tumayo ako at isinara ang pinto ng kwarto ko.
Pinilit ko iwaglit sa utak ko ang takot at itinuon ang atensyon ko sa nakakatawang segment ng kpop na pinapanood ko. Napitlag ako sa malakas na katok sa pinto ko, isang katok lamang iyon ngunit malakas. Nanlamig ang buo kong katawan, at ang aking dibdib ay malakas ang pintig. Kahit na nakakaramdam ng kaba ay kinuha ko ang cellphone ko sa aking side table, lampshade lang ang bukas na ilaw sa kwarto ko kaya medyo madilim ang paligid ng kwarto ko. Agad ko naman binuksan ang ilaw ng kwarto ko. Dahan dahan ko binuksan ang pinto ng kwarto ko at sinilip ang paligid. Walang tao, agad ako pumunta sa kwarto ng kapatid ko na si Morah ngunit tulog naman ito, nagtungo rin ako sa kwarto ng magulang ko at tulog din sila. Napaisip ako, sa lakas ng katok na iyon dapat ay nagising ang mga ito.
Bumalik na lamang ako sa kwarto ko at nilock ito. Aminado ako na natatakot na ako, nilakasan ko ang volume ng laptop ko at pinagpatuloy ang panonood. Hindi pa man nagtatagal ay nagblack out ang laptop ko, laking gulat ko na isang mukha ng lalaki ang nakareflection doon. Isang lalaki na may mapulang mata at putlang kulay ng balat at duguan ang bibig. Nasipa ko ang aking laptop at agad na humiga sabay talukbong ng kumot, naiiyak nako sa sobrang takot, nanginginig pa ang aking katawan. May biglang bumulong sa tainga ko, “Wag ka matakot!” pasigaw ito na sanhi ng pag sigaw ko, hangang sa hindi ko na alam pa ang nangyari.
Malalakas na katok sa pinto ko ang gumising sa natutulog kong diwa, kasabay nun ang pag tawag ng malakas sa pangalan ko ng aking kapatid na si Morah. Bumangon ako at nakaramdam ako ng kirot sa ulo ko. Lumapit ako sa pinto at binuksan ito, tumambad sa harap ko ang nakangiting mukha ng kapatid ko.
“You have some visitors down stair, I think it’s your friends.” – She said then lead the way down stair, so I followed her.
I saw my friends talking with mom and dad, they seem enjoying the conversation. Tumighim ako to get their attention at ayun nga nagtayuan ang mga bruha at niyakap ako except kay Velly. Nanatili lang sya sa kanyang upuan at matamang nakatitig sa akin, napataas ang  kilay ko at tinanung kung bakit lang sya nakatitig pero di nya ako sinagot.
“Nako Arveyn wag mo nalang pansinin yang si Velly, kanina pa yan tahimik magmula ng makarating kami dito sa inyo.” – Anya ni Miki.
Tumango lang ako kay Miki at niyaya ko na sila pumanhik sa kwarto ko. Nang nasa kwarto ko na sila kanya kanya naman sila ng pwesto. Dahil nga may kaliitan ang bed ko ay may dala silang kanya kanyang sleeping bags. Sa sahig sila matutulog, natawa ako sa isiping iyon. Nakaupo sa higaan ko si Chanell at Loren, si Miki naman ay tamang gamit ng computer ko malapit sa study table ko, samantalang si Velly ay nakaupo lang sa upuan malapit sa bintana ko, nakatanaw lang sya sa labas at sa palagay ko ay yung puno nang balite ang tinitingnan nya.
Lumapit ako sa kanya at tumabi, pinagmasdan ko ang tinititigan nya at tama nga ako sa puno nga ng balite sya nakamasid.
“Bakit tahimik ka dyan at nakatitig lang sa labas?” –Tanong ko sa kanya sanhi ng paglingon nya sakin. Bahagya syang nagulat ng lumingon sa akin.
“Best wala kaba nararamdaman kakaiba dito sa inyo?” – Biglang tanong nya.
Bumalik naman sa alaala ko ang naranasan ko kagabi, nawala na ito sa isip ko pero ng maalala ko ay binalot nanaman ako ng takot. Sinabi ko sa kanya na meron, nagulat nalang ako ng mag silapitan na samin yung tatlo, marahil ay naging  curious din ang tatlo sa pina uusapan naming.
“Hoy! Wag naman kayo manakot mga best, hello tutulog pa tayo mamaya.” – Banggit ni Miki na halatang takot.
“Ge ikwento mo best.” –Saad naman ni Chanell.
Tumango naman sakin si Velly, kaya kinuwento ko sa kanila ang naranasan ko kagabi.
Takot na takot ang mga kaibigan ko, ganun din ang sarili ko. Para bang may nag mamasid sa amin.
“Diba nakakakita ka.” –Sabi ni Loren kay Velly.
Kaya napatingin kami sa kanya lahat, tumango sya samin at sinabi nya sakin na nakita nya daw na may lalaki na nakatayo sa tabi ng balite at nakamasid daw sa gawi ng bintana ng kwarto ko.
Kinilabutan ako sa sinabi ni Velly, bigla lang binasag ni Miki ang katahimikan ng sabihin nyan tumigil na daw kami mag takutan. Kaya iba na lamang ang aming pinag usapan para makalimutan ang takot na nararamdaman ng bawat isa.
Kinagabihan, matapos kumain ng hapunan ay pumanhik na kami sa silid ni Arveyn, hindi ko pinahahalata pero kakaiba talaga ang nararamdaman ko kay Arveyn. Nagtataka rin ako kung sino yung nakita ko kanina o kung tao ba talaga sya.   Napatingin ako sa sigaw ni Miki, at nakita ko na si Arveyn sinasakal si Loren, mataas ang pagkakalutang ni Loren sa ere. Lumapit ako sa kanila, natakot ako sa mukha ni Arveyn ang laki ng mata nyang itim na itim walang puting makikita na nakatitig kay Loren, ang kanyang mga ngipin ay kita lahat dahil sa hindi pangkaraniwang ngiti nya halos banat ang buong mukha. Sa kanyang tabi ay may isang matangkad na lalaki, mapula ang mata, duguan ang bibig, nakaitim ito na suot at may sungay sa noo. “Demonyo!” –sigaw ko. Tumingin ito sa akin ng nakakatakot.
Kita ko ang pag aagaw hininga ng kaibigan kong si Loren na patuloy sinasakal ni Arveyn. Takot na takot kami nila Miki. Natatakot ako sa nangyayari kay Arveyn, sinasaniban sya ng demonyong katabi nya. Sinubukan lumapit ni Chanell kay Arveyn upang pigilan ito ngunit ng lingunin sya ni Arveyn ay tumalsik sya pabalandra sa pader dahilan ng pagkabagok ng ulo nya.
Napalapit kami ni Miki kay Chanel na wala ng buhay. Bumagsak naman sa sahig ang katawan ni Loren na putlang putla, kasabay noon ang malakas na tawa ni Arveyn at ng demonyong katabi nya. Nakakatakot na tawa, nagdasal si Mikee na ikinagalit ng demonyo, nagkaroon na malakas na hangin sabuong silid, sumarado ang pinto at nag liliparan ang mga kagamitan maging ang kama. Labis labis ang gimbal ko ng tumama kay Miki ang lumipad na mga ballpen. Bumaon ito sa kanyan mukha na nag pakaba sakin ng sobra. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa ang mukha ni Arveyn ay nasa harap ko na, nakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib. Dinukot nya ang puso ko, tawa nya at ng demonyo ang narinig ko bago ako nawalan ng hininga.

Hindi ako maka hinga, nakabigti ako sa puno ng balite, bakit ako andito?  Isang nakakatakot na lalaki ang nasa harapan ko, isa syang demonyo. “3:00 AM... oras na, akin kana Arveyn!” humalakhak sya kasabay nun ang pagkawala ng buhay ko.

Unearthly StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon