I TOOK a quick glance of the hands of Maine and my future brother-in law. Parang may something sa kanila, lalo ng nagmadaling bitawan ni Maine ang palad ni Kuya Greg. Napataas ang kilay ko, habang sinusuri ko siya mula ulo hanggang paa.
How could she! Niloloko niya ba si Alden! Napaka--- naman talaga ng babaing ito. Malandi, at talagang si Kuya Greg pa talaga huh. Sabagay may past naman sila sa totoo lang, yes. . . from the beginning of their affair ay alam ko lahat. Why? Dahil my Mommy hired a secret investagator. Because I want to know all about of Maine Sanchez and why Alden are so madly deeply in love with this fucking whore annoying bitch slut!
Yeah she's more than a slut indeed!
Nainsecure ako ng bengga, dahil sa isang katulad nito ang mas pipiliin ni Alden over me? My god I much more better with this kind filty bitch.
Lumaki ako na sagana sa buhay, I get what I want with a snap of my finger. I studied Paris in almost two years, tinitingala at kilala ako roon bilang isang successful fashion designer. Sometimes, I also modelling my branded clothes designs in cat walk.
All of the bachelor in our society, gustong magpapansin sa akin. But it seems, my heart only beats for only man. Yeah it's Alden, unang kita ko pa lamang sa kaniya sa building ng Villafuerte heights ay kakaibang damdamin na ang umusbong sa napakamura kong puso. Kasama niyang nagpunta ang Papa nito, noong umedad ako ng sampo. I knew it, nasilo na niya ang puso ko.
As the years go by, lalong lumalalim ang nararamdaman ko rito. Hindi dahil sa life aspect nito. Kung hindi sa kung anong klaseng tao ito, dito ko lamang nakita ang mga katangian na wala sa ibang lalaking nakililala ko. . .
"Bridgette, kung ano man ang iniisip mo. . . mali lahat ng iyan," pukaw ni Kuya Greg sa aking pag-iisip. Muling napabalik sa kanila ang aking pansin, nakataas ang kilay ko habang nag-umpisa na akong magsalita.
"Why so deffensive Kuya Greg, baka naman kasi meron talaga."
Akma akong sasabunutan ni Maine, ngunit mabilis ang mga kamay ni Kuya Greg. Agad niyang nayakap ito at hinila palayo sa akin, duh! Guguluhin pa niya ang buhok ko. Kagagaling ko lamang ng salon tapos hahawakan lang ng madumi niyang kamay.
"Hoy! Ikaw babae kung ano man 'yan iniisip mo, wala akong pakialam. Opinyon mo iyan, pero iyong sasabihan mo kami ng ganiyan. Ibang usapan na iyan!" Nanggagalaiti nitong sumbat sa akin.
Oh my God, ganito ba talaga ang klase ng tipo nila Alden at Kuya Greg? Asal kalye!
"Talaga lang huh, my gosh. Ang isang katulad mo hindi hinahayaan na tumapak sa mansyon na 'to. Sa eskuwater ka nababagay, ang akala mo ba. . . wala akong alam sa past mo!" Nang-iinsulto kong sambitla, habang pinanlalakihan siya ng aking mata.
Bigla ay natigilan siya, tila may nasaling rito. Lumuwag na rin ang pagkakayakap ni Kuya Greg sa kaniya, kumibo-dili ang labi niya. Tila may gusto siyang sabihin, pero hindi niya masabi. Napakagat-labi siyang umalis sa harapan ko, napapailing at tila may pagdaramdam ang nakita kong ekspresyon ni kuya Greg patungkol sa akin.
Mabilis siyang sumunod kay Maine, sabagay she deserved that. Una pa lamang 'yan, paano na sa mga susunod na araw.
Agad na akong pumasok sa loob, dahil natitiyak kong kanina pa ako hinihintay nina Mommy at ang soon Father and Mother in law ko.
Nang makapasok ako sa loob ng living roon, agad na akong bineso ng Mama nina Alden. Hindi ko na itinanong kung nasaan ito, dahil nalaman ko kay Soujhiro na lasing na lasing raw ito.
Alam ko ang dahilan, si Maine na naman. Naiinsecure na ako sa babaeng iyon, pero kahit ganoon hinding-hindi ko papayagan na maging masaya siya kay Alden. I will do everything to destroy them!
"How's school iha?" Panimulang tanong ni tita Sallie.
"It's okay tita, nakakapagod lamang. Kasi napakadaming estudyante ang nagenroll din para sa trimester," paliwanag ko rito. Habang lumalagok sa juice na ibinigay ng katulong nila.
"Oh it's nice to hear that iha, by the way. . . Mama na ang itawag mo sa akin. Dahil soon as possible pag nakagraduate na si Alden. Ipapakasal na namin kayo. Sa America na kayo titira sakali," pinal na dikta ng Mama ni Alden. Nasa mga mata niya ang pinaghalong kasiyahan at determinasyon.
"Sure Ti--M-Mama, but paano po 'yan tiyak pong hindi papayag ang anak niyong si Alden. Lalo't maski si Maine ay ganoon rin," may halong irita ang tinig ko ng mga sandaling iyon.
Haisst! Kakastress akala ko pa man din makakapagrelax ako rito sa pilipinas. But it seems, lalo akong mae-stress.
"Don't worry iha, we'll find a way to get rid of Maine," pinal na saad ng Papa nina Alden, lahat kami ay napatahimik na lamang.
Basta kasi ito na ang magsasalita, tiyak kong magiging ayos na ang lahat. Isang masiglang ngiti ang sumilay sa akin. Nagpatuloy ang masaya naming usapan sa silid na iyon. . .

BINABASA MO ANG
✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE)
Roman d'amourForever Yours, Forever Mine (UNDER REVISION-EDIT) (romance) babz07aziole Alden Vriganza lahat halos nasa kaniya na, marangyang buhay. Kasikatan, mga totoong kaibigan. Ngunit may darating na magpapabago sa kinagisnan niyang buhay. Si Maine Sanchez. I...