5 years from now...
"Seryoso, Aika? Iniiyakan mo ang kasal ni Clarissa?" natatawang puna sa'kin ng katabi kong si Elena. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagpupunas ng luha kong hindi mawala-wala.
"Okay lang 'yan! Ano ka ba? Makakahabol ka pa naman sa'min," pag-aalo naman sa'kin ni Annie na hinahagod na ang likod ko para lang kumalma.
"Kalma lang, Aika! Darating ka rin diyan," sabi naman ni Ate Gretchen habang pinaiinom ng tubig ang panganay niyang si Andryl, na inaanak ko at nitong dalawang katabi ko.
"Ang sakit lang kasi!" humihikbing wika ko pa. "Iniwan n'yo na 'ko."
"Ang arte, ah! Anong tingin mo sa'min ngayon? Ilusyon lang?" paliyad pang sabi ni Elena.
Inirapan ko na lang siya at nagngangawa. "Si Ate Gretchen, may asawa at dalawang anak na. Si Annie, may asawa tapos three months ng buntis. At ikaw, Elena, may asawa tapos buntis din. Ito namang si Clarissa, 'ayan! Kinakasal na ngayon. Sooner, magkaka-baby na rin 'yan. Tapos ako? Zero balance!" At nagpatuloy ako sa pag-iyak!
Pero ang mga butihin kong kaibigan, tinawanan lang ang pagsisintir ko. Palibhasa settled na sila. Palibhasa may assurance na sila na may kasama sila sa kanilang pagtanda. Samantalang ako, wala! Sila may assurance pero ako puro life insurance ang inaasahan ko. Nakakaiyak talaga!
"Patahimikin n'yo nga 'yan! Dinaig pa niyan ang mga magulang ng ikakasal kung makaiyak," sabi ni Elena sa dalawa.
"Kontrabida ka talaga! Nag-eemote ako, umeepal ka naman!" sumisinghot-singhot ko pang sabi.
"Ayan na! Tapos na ang pagpapalitan ng vow! MOMOL na!" kinikilig na wika ni Annie na ikinalingon namin sa may altar, kung saan magki-kiss na ang bride at ang groom.
Supposed to be, 5 seconds lang dapat 'yung 'kissing moment' nila pero ang mga sabik ay 'di pa rin nag-aagwat! "Hoy! Magtira naman kayo para mamayang gabi!" 'Di ko napigilang mag-react sa kanila. Tumawa naman ang mga nakarinig sa sinabi ko.
Nilingon ako noong bagong kasal at sabay pa silang nagsalita. "Inggit ka lang!" Na lalong ikinatawa ng mga naroroon.
Inirapan ko na lang ang mga ito at saka humalukipkip. "Di kayo na nga ang bagong kasal!" bubulong-bulong kong wika.
"Bitter 'tong si Aika!" biro sa'kin ni Annie.
"Ihanap mo nga ng jowa," biro rin ni Ate Gretchen na lalong nakapagpasama ng loob ko.
"Picture taking na raw!" anunsiyo ng ibang mga abay.
"Shet! Magre-retouch lang ako! Intayin n'yo ko," sabi ko sa kanila.
"Iiyak-iyak pa kasi," panenermon ni Elena.
Napanguso na lang ako at saka binuksan ang pouch na hawak-hawak ko para mag-retouch. Nang matapos na 'ko, nakita ko silang tinatawag ako. Akala ko naman ay ako na lang ang kulang kaya halos matapilok na 'ko na suot kong three-inch high heeled sandals dahil sa pagmamadali.
"Uy, excited sa partner niya!" biro sa'kin nina Annie nang makalapit ako. Nagtawanan naman ang mga abay na naroroon.
Nagsalubong naman agad ang dalawang kilay ko habang papalapit kina Clarissa para makapagpa-picture. Mga buwisit! Pinapahamak ako. By partner pala 'tong pagpapa-picture na 'to!
"Relax!" nakangising bulong sa'kin ni Clarissa. "Ang ganda ko, 'no?" out of the blue pa niyang sabi. Kulang na lang ay batukan ko siya sa kanyang sinasabi.
"Pagbibigyan kita kasi kasal mo ngayon. Pero mas lamang pa rin ako sa'yo. Tandaan mo 'yan!" paalala ko pa.
Tinawanan niya lang ako. "Karirin mo na lang 'yan partner mo," sabay nguso niya sa partner ko nang tabihan ako. "Tumupad ako sa usapan natin, ah!" dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Di Ka Na Mag-iisa, Aika...
Short StorySi Aika. Dalaga. Single. Malapit nang mawala sa kalendaryo ang edad. Laging brides maid sa kasal ng mga kaibigan at pinsan. Ninang din ng mga anak nila. Sila, dumarami. Siya, nag-iisa. Kailan kaya may magsasabi sa kanyang, "Di ka na mag-iisa, Aika!"