Aika, Humahabol

134 8 1
                                    

Sabi ko noon, kung may magkakainteres man sa akin, ipapakita ko sa kanya ang worst side of me. Pero kinain kong lahat ng ‘yun nang makita ko siya ulit. Hindi naman siya gwapo, hindi rin naman pangit pero siya lang ay sapat na para mabuo ang araw ko.

Kaklase ko siya noong high school kami. Tahimik lang siya sa klase noon. IImik lang ‘yan ‘pag kinakausap. At ngayon, ibang-iba na siya! ‘Yung dating tahimik ay palaimik na ngayon. ‘Yung dating nakatungo, nakatunghay na ngayon. ‘Yung dating mahiyain, confident na ngayon. Ang laki nang pinagbago niya!

Nakita ko siya nang minsan akong mapadpad sa Cafè de Lipa para bumili ng Caramel Celleto. Dinaig ko pa ang buntis noon kung makapag-crave. Nang magbabayad na ‘ko, sinabi sa’kin no’ng cashier na libre na raw. Nagtaka naman ako. Tapos may nakita akong lalaking lumapit sa may counter, sagot na raw niya. Doon ko pa lang napagtanto kung sino siya. Sinamahan niya ‘ko noon sa table at sinabayang magkape. Nagkamustahan at napag-alaman kong manager pala siya roon.

Hindi naman kami close noong high school kaya laking pagtataka ko na lang nang hiningi niya ang number ko. Ako namang nagmamaganda, ibinigay ko sa kanya. Aba! Ang gwapo niya ngayon kumpara noon. Sayang din ‘to!

Doon nagsimula ang lahat. Nagte-text siya sa’kin. Instant chat mates pa nga kami sa FB. Napapadalas din ang pagyayaya niya sa’king gumala. It’s not a date. ‘Gala’ talaga ang term niya. Pero parang ganoon na rin dahil kaming dalawa lang. At naging ganito ang routine namin sa loob ng limang buwan!

Bilang babaeng hopeless romantic, binigyan ko ng meaning lahat ng ginagawa niya kahit wala siyang sinasabi. Sabi nga, ‘Action speaks louder than words.’ And his actions telling me that he’s into me. Assuming na kung assuming pero sinong hindi mag-aassume nang ginagawa niya. Lagi niya ‘kong tine-text ng ‘Labyu, my girl.’ Sa status niya sa FB, laging ako ang naka-tag na kasama niya. Madalas kaming magkausap sa phone ‘pag ‘di nagkikita. Talking and argumenting about random things. ‘Pag magkasama kami, lagi siyang nakahawak sa braso ko na kalauna’y nakaakbay na. Tapos may peck pa siya sa cheeks ko ‘pag maghihiwalay na kami. Hinahatid niya rin ako sa amin. Ang caring pa niya! Mabait din siya sa’kin. Who wouldn’t assume to that? And who wouldn’t fall for that?

Pero sabi nga, pinakamasakit na part ang pag-aassume. ‘Di bale nang manhid, ‘wag lang assuming. Ang nangyari sa’kin, na-overdose ako sa pagiging assuming ko sa idea na may gusto siya sa’kin at may possibility na maging kami. Habang busy ako sa pag-aassume, hindi ko namamalayang may iba na pala sa kanya. Naka-set na ‘sa utak ko ang idea na sadyang ganoon lang talaga siya. Na wala dapat akong ikabahala. Kasi ‘yun siya, e. Pero hindi pala dapat ako nag-stick sa idea na ‘yun! Ang sakit lang!

Hindi matanggap ng sistema ko nang malaman ko ang buong pagkatao niya. Ako ‘yung palagi niyang ka-text, ka-chat at kausap sa phone. Ako ‘yung madalas niyang kasama. Ako ‘yung palaging nandiyan para sa kanya pero bakit hindi ko nalaman agad? Na ‘yung mga actions na nakapagpakilig sa’kin ay wala lang sa kanya. Na ‘yung paghalik niya sa pisngi ko at paakbay-akbay na may malisya na sa’kin ay wala lang sa kanya. Na sweet na pagtawag niya ng ‘my girl’ sa bawat messages niya sa’kin ay wala lang sa kanya. Kasi lahat nang iyon ay isang malaking ka-echosan lang pala sa inaakala kong kagwapuhan niya ngunit kagandahan pala ang dapat na term. Kung nagkaroon pala ako ng lakas ng loob na umamin sa kanya ng nararamdaman ko ay baka isang malaking sampal pa ‘yun sa pagkabinabae niya.

Ang sakit, Lord! Love life na sana, nalusaw pa! Nalaman ko lang nang minsang makita kong may mag-post sa wall niya sa FB. Saying, “Miss na kita, Caramel ko! Few days left and I’ll be by your side again. I miss your hug.” Tangina lang! At ang hindi ko kinaya ng sistema ko ay ‘yung reply niyang, “Miss na rin kita, Chocolate ko! I’m dying to see you again.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Di Ka Na Mag-iisa, Aika...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon