Di tunay ang tunay na pag-ibig
Kung tunay bakit may nadadaig?
Sa simula ma’y kilig na kilig
Bakit sa huli ay kumakabig?
Kung ika’y sirenang isinumpa
Wag hanapin pag-ibig sa lupa
Sa paa ikaw ay mangangapa
Sa dagat hindi ka madadapa
Hanap mo man ay yakap sa lamig
Kung ang haplos naman ay di ibig
Para lang nota sa maling himig
Kung ipipilit man ang pag-ibig
Tunay na walang tiyak na galak
Kahit hangad mo man ay busilak
Di uubra anumang bulaklak
Magaling pang tumira ng alak
Kahit anong gawing lligaw’t suyo
Di pansin kahit luha’y matuyo
Kahit anong himas di tatayo
Di pansin kahit ika’y lumayo
Kung ang sinta sarado ang puso
Lamlam ng init di mapapaso
Kahit mag-hilamos at mag-hiso
Halik hindi dadampi sa nguso