Chapter 28: Is it a date?

24 2 2
                                    

MONNAH's POV:


Sa isang sikat na Filipino restaurant kami kumain. Grabe, ang saya ko! Ikaw pa naman na sa paggising mo sa umaga, makikita mo agad ang pagmumukha ng taong mahal mo. Nakakakilig nga, eh. Magkasabay kaming kumain sa isang sikat na restaurant. Ipinaghiwa pa nya ako ng karne.


Alam ko naman na matagal na nya itong ginagawa sa'kin. Pero ngayon ko lang na-appreciate ang effort nya. Pakiramdam ko, nagdi-date kami. Paksheet naman, kinikilig ako sa iniisip ko.


"Anong ningiti-ngiti mo d'yan" puna ni Lorenz sa'kin.


"Ngumiti ba ako?"


"Oo, naman. Abot tenga kaya."


"Naisip ko kasing orderin lahat ng putahe dito pati narin desserts. Ano kayang itsura mo knowing na ikaw ang magbabayad?"


"Don't you dare!" angil nya.


"Gusto ko, eh. Gusto kong tikman lahat ng putahe nila. Pati narin desserts nila. Gusto kong malaman kong totoo bang  masa—"


"Princess naman, eh."


"Oo na."


Pagkatapos naming kumain, dumiretso kami sa mall. Dun kami sa World of Fun. Lahat ng laro nilalaro namin. May pagkakataong nanalo ako sa kanya. Ang saya ko talaga. Sana lang hindi nalang sya nagmahal ng iba.


Tatlong oras na yata kaming naglalaro kaya naisipan naming lumabas. Nakangiti ako habang naglalakad kami sa loob ng mall. Ang saya talaga ng pakiramdam ko. Nabigla ako nang hinawakan nya ang kamay ko at hinatak . Wala akong pakialam kung saan man nya ako dadalhin. Ang importante, magkasama kami.


Saka ko lang namalayan na nasa loob pala kami ng penshoppe. Bibili ba sya ng damit? Teka! Nandito ang crush ko, ah. Remember kung sino? Si Mario Maurer! Sya 'yung crush ko. Model sya sa penshoppe.


^__^


                                     ( Poster nina Mario Maurer at Baifern Pimchanok )

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                     ( Poster nina Mario Maurer at Baifern Pimchanok )


"Princess, bagay ba sa'kin?" tanong ni Lorenz. Napatango ako pero hindi ako tumingin sa kanya. Busy ako sa kati-titig sa poster ni Mario Maurer. Grabe, ang gwapo nya talaga.

Show Me the Way to Your Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon