HINDI matanggal-tanggal ang ngiti ni Sophia habang nag-eempake ng mga gamit niya nang hapong iyon. Kanina pa nakaalis si Vincent para pumunta sa Maynila dahil may kailangan lang daw itong asikasuhin at babalik na lang bukas para sunduin siya at isama na.
Napatingin siya sa pinto ng kuwarto nang pumasok doon ang kaibigan niyang si Erika. Kumunot ang noo nito. “Aalis ka?”
Tumango siya at lumapit dito. Hinawakan niya ang mga kamay nito. “Maraming maraming salamat, Erika,” sabi niya dito. “Kung hindi dahil sa’yo, hindi kami makakapag-usap ni Vince. Salamat talaga.”
Ngumiti ito. “Wala ‘yon. Para saan pa ang magkaibigan, hindi ba?” sumulyap ito sa maleta niya. “Mukhang isasama ka na niya, ah?”
Tumango siya at malawak na ngumiti. Pagtingin niya dito ay nakatingin na ito sa leeg niya.
“Is that a hickey?” tanong nito sa markang nasa leeg niya.
Hinawakan niya iyon. “H-Hindi,” tanggi niya pa.
Tumaas ang isang kilay nito. “Hindi? Oh, come on, Sophia. Huwag mo akong lokohin. Anong ginawa niyo dito kagabi, ha?” pang-uusisa pa nito.
“Nag-Nag-usap lang kami,” sagot niya.
“Nag-usap?” ulit nito at napasinghap. “Don’t tell me na ginamit niyo din ang kama ko?”
“Hindi ah,” mabilis na tugon niya. “Bakit naman namin gagamitin ang kama mo? Alam ko namang—” napatigil siya nang makita ang pilyang ngiti sa mga labi nito.
“So inaamin mong may iba pa nga kayong ginawa dito?”
Pinamulahan siya ng mukha at tinalikuran ito. “Ewan ko sa’yo,” bumalik na siya sa pag-e-empake ng gamit.
Narinig pa niya ang pagtawa nito. “Kailan daw siya babalik?” tanong nito.
Muli na namang gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. “Bukas ng hapon nandito na raw siya,” sagot niya. Hindi na siya makapag-hintay na muling makita ito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent Fabella
RomanceSophia needed to enter Vincent Fabella's life, a heartless bastard na may malaking pagkaka-utang sa kanya. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang itaya ang sarili niya para lamang makalapit dito. Hindi siya titigil hangga't hindi nahuhulog ang l...