Chapter 20.6

3.6K 46 1
                                    

PAGKATAPOS maglagay ng rose petals sa bathtub ng banyo ay tumungo naman si Sophia sa kusina para tingnan ang nilulutong pagkain. Gusto niyang sorpresahin si Vincent ng isang gourmet meal habang nakasuot ng bagong bili niyang lingerie. At siyempre, sorpresahin din ito sa isang balitang natanggap niya mula sa doktor niya kaninang umaga. The news that she was two months pregnant.
Inaayos niya na ang pagkain sa mesa nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nakita niya itong pumasok sa kusina na may dalang isang kahon ng cake.
“Wow, delicious,” komento nito pero nakatingin ito sa katawan niya. Ipinatong nito sa mesa ang hawak at lumapit sa kanya. “I told you to be naked.”
Tumawa siya at pinaupo na ito. “Mamaya na iyan sa hot bath,” sabi niya.
Kumislap ang mga mata nito. Napailing na lang siya at nilagyan ng pagkain ang pinggan nito. They ate happily hanggang sa hindi na ito makapaghintay at niyaya na siya sa hot bath na ipinangako niya. May dala pa itong isang platito ng cake.
Habang nasa bathtub ay sinusubuan pa siya nito ng cake. She faced him and washed his chest with her hands, teasing him. He groaned and kissed her on the lips.
Lumayo ito sa kanya at nilagyan ng whipped cream mula sa cake ang leeg niya. Tiningnan niya ito ng masama. He just laughed and slowly licked the cream off her neck. Siya naman ang napaungol sa ginawa nito.
She pushed him and went on top of him, his hardness rubbing on her thigh. They made love in that bath, slowly, romantically, pouring all the love they had for each other.
Pagkatapos noon ay binuhat siya nito at dinala sa loob ng kuwarto. Inilapag siya nito sa kama at tinuyo ang buong katawan niya. Inagaw niya dito ang tuwalya at umupo para siya naman ang magpunas dito.
“I have a news for you, Vince,” panimula niya.
Tumingin ito sa kanya. “What is it?”
She cupped his face and stared into his honey brown eyes that she loved. “I’m pregnant. Two months. Magkaka-anak na tayo,” she whispered lovingly.
Nanlaki ang mga mata nito. Ilang sandaling natahimik ito, hindi alam kung paano ipapasok sa isipan ang lahat ng sinabi niya. Pagkatapos malawak itong napangiti at niyakap siya ng mahigpit. “Talaga? Magiging ama na ako?” tumawa ito.
Inihiga siya nito sa kama at mariing siniil ng halik. “Oh, Sophia. You never failed to make me so happy. Thank you so much, sweetheart. I love you.”
Ngumiti siya, umaapaw sa kasiyahan at pagmamahal ang puso niya habang nakatitig sa lalaking pinakamamahal. “I love you too.”

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 8: Vincent FabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon