Prologue

780 9 0
                                    


JASMINE

"Ikaw! Ikaw yung umalis! Ikaw yung umalis noong mga panahong kailangan kita. Ikaw yung nang-iwan noong mga panahon na kailangan ko ng suporta! Pero bakit kung makaarte ka, parang ikaw pa yung nasaktan. Ikaw yung parang iniwanan!" galit na sigaw niya sa akin. 

"OO ako yung nang-iwan, ako yung nangbalewala ng lahat... ako yung walang kwenta...pero bakit parang kasalanan ko lang lahat? Bakit parang sa akin lahat ng sisi? Sa tingin mo ba ikaw lang yung nasaktan? Sa tingin mo ba ikaw lang yung nagsuffer? You're too fool about your own feelings without even noticing the pain of others. Ganoon ka kaselfish!" sagot ko habang umiiyak. 

He sarcastically smile at me. "Wow... so kasalanan ko pa pala lahat? Kasalanan ko pa pala na iniwan mo ko? Kasalanan ko pa pala na hanggang ngayon kaylangan kong makipagkumpetensya sa mga pangarap mo? Sorry ha.. because I was never enough for you. Sorry kasi...sa isang iglap lang kaya mo kong ipagpalit sa mga ambitions mo! I am sefish? Hell yeah... kung selfish man masasabing hangarin kong manatili sa tabi ko yung babaeng mahal ko..siguro nga selfish ako." he said while smirking at me. "Alam mo Jas... I have dreamed everything for us. Sa lahat ng plano ko nandoon ka. Sa lahat ng mga gusto kong gawin kasali ka...but did you ever really want to be with me, kahit minsan? Kahit minsan ba, naisip mong sana ako na lang yung pinili mo? Kahit minsan ba....totoong minahal mo ko?" he bitterly asked. "Kasi umasa ako eh. Umasa ako na matapos ng lahat ng ginawa ko para abutin ka... baka... baka sakaling ako yung piliin mo. Baka ako yung piliin mo this time...baka this time you will choose to stay. But I am wrong, you are just the same old you. Yung magaling mang-iwan. Yung magaling makalimot agad. I am tired of this charade. This time, ako naman yung aalis, ako naman yung mang-iiwan, ako naman yung lilimot sayo." patuloy niya pa. Tumalikod na siya at naglakad palayo sa akin. 

"I still love you Lance..." sabi ko. Nakita kong huminto siya. Gusto kong lumapit. Gusto kong yakapin siya. Gusto kong sabihin na maayos pa namin ang lahat. Gusto kong balikan yung mga panahong kaya pa namin lumaban para sa isa't isa. 

"Sana sinabi mo yan noong mga panahong kaya ko pang maniwala..." sagot niya at unti-unti, naglaho na sa paningin ko yung lalaking pinakamamahal ko. Naglaho siya kasabay ng mga panahong sinayang ko. 

Love Me or Hate Me (The Sexy Hunk Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon