NAKAKAGIGIL, iyon ang kasalukuyan kong naradaman sa ngayon. Hindi ko ikinakahiya ang mga naganap sa akin dati, oo may mga pangyayari na namali ako ng naging desisyon sa buhay.
Pero tao lang ako, nagkakamali. Kaya kung magbago, yes I'm willing to change because of Alden. He prove me that I'm worth for a serious relationship, he show me the kind of feeling. Iyong may respeto at pagmamahal na kahit napakababa na ng tingin ko sa aking sarili.
Lalo ng lahat minamahal niya pa rin ako ng totoo. Ipinakita at ipinararamdam niya araw- araw sa akin na kuntento siya sa akin, kahit walang sexual intimacy na nagaganap sa amin. Pakiramdam ko buo ang naibibigay niyang pagmamahal sa akin at sa kaniya rin.
Napakislot ako ng maramdaman ko ang pagdantay ng kamay ni Greg sa braso ko, mahina niya lamang hinihimas ang braso ko.
"It's okay Maine, 'wag mo masiyadong damdamin ang mga sinasabi ni Bridgette. She don't know the truth, na nagkaganoon ka dahil sa kagagawan ko. Hey smile, mas maganda ka kapag nakangiti. Ang mabuti pa, pagtuunan mo ng pansin ang relasyon niyo ni Alden."
Kahit kaunti gumaan ang bigat na nararamdaman ko sa mga sandaling iyon, dahil sa sinabi niya.
"Thanks Greg," nakangiti kong sabi.
"So sha'll we go, masiyado ng late Maine. Siguro naman makakausap mo na ng matino ang kapatid ko kinabukasan." nakangiti nitong sabi habang pinagbubuksan na niya ako ng pintuan ng kotse.
Mabilis ang naging biyahe namin, agad akong bumaba pagkatapos niyang ihimpil sa harap ng bahay namin ang kaniyang kotse.
Patalikod na ako ng marinig ko ang pagtawag niyang muli sa pangalan ko.
"Maine, ano man ang pinagdadaanan ng relasyon ninyo ni Alden, unawain mo lang siya. Nag-uumpisa palang kayo, 'wag mo kong tutularan. . ."may bahid ng kalungkutan ang mga salitang binitiwan niya sa akin. Tumango ako at ngumiti.
"Kilala mo ako Greg, hindi ako marunong sumuko o mang-iwan. Titigil lamang ako kapag siya na ang mismong aayaw." Agad na akong naglakad papasok ng bahay. Hindi ko alam, ngunit bigla na lamang may tumulong luha sa mga mata ko, hanggang sa nagtuloy-tuloy na iyon.
Hindi ko alam, pero pakiramdam ko magiging kumplikado na ang lahat sa amin ni Alden sa mga susunod na araw. Ganitong-ganito ang naramdaman ko may tatlong taon na ang nakararaan, kung saan bigla akong iniwan ni Greg.
Nakatulog akong si Alden at ang bigla nitong pagbabago ang nakatatak sa aking isipan. Bago ako hilahin ng antok.
PASADO alas-nuebe ng magising ako, madama kong dinama ang nanakit kong ulo. Dahan-dahan akong napaupo mula sa kama na aking kinahihigahan. Unang beses akong uminom ng alak at naglasing, hindi ko aakalain ganito ang magiging resulta ng pinaggagawa ko kagabi.
Medyo nakapikit pa ako, kaya bigla kong iminulat ang humahapdi ko pang mata. Dahan-dahang Napabaling ang tingin ko kay Kuya Greg. Nasa gilid siya ng study table ko. Tiyesong nakaupo ito, lalong nanakit ang ulo ko pagkakita dito.
"Okay ka lang ba Alden? Here drink this one para mawala ang pananakit ng ulo mo." saka siya may iniabot na tableta sa akin.
Agad ko itong kinuha sa palad niya at inisang lagok ko iyon. Pati ang isang basong malamig na tubig ay naubos ko rin. Nanatili akong walang kibo, sa totoo lang mahilo-hilo pa ko.
"Can we talk Alden?" Biglang pagbubukas ng topic ni Kuya Greg sa pananahimik ko. Sa totoo lang, wala akong ganang makipag-usap sa kaniya. Masamang-masama ang loob ko rito, kung hindi ko lamang inaalala na nakakatanda ko siyang kapatid. Hindi ko ito pakikisamahan.
"Masakit ang ulo ko kuya, puweding saka nalang tayo mag-usap kapag okay na ako," iritable kong sabi rito.
Akma na akong hihiga at magtatalukbong ng kumot ng biglang pigil na hinawakan ni Kuya Greg ang aking gagawin.
"Pwedi Den, 'wag kang umiiwas. Inaalala ko lamang si Maine. . ."
Ngunit hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, nanggigigil akong tumingin dito.
"Stop it, umagang-umaga . . . and what do you mean? What a-about Maine! Kailan ka pa nagkaroon ng pakiaalam sa girlfriend ko. Damn! By the way his my girlfriend. . . not yours," gigil kong sabi dito.
Natigilan siya at hindi agad siya nakahuma, tila nanibago ito sa mga ikinikilos ko. Unang beses kasing narinig niyang nagmura ako. Nanatili siyang nakatitig sa mga sandaling nagdaan, hanggang napabuga na lamang ako ng hininga.
"I'm sorry Kuya, masakit lamang talaga ang ulo ko."
"It's okay Alden, sige saka nalang tayo mag-usap. Siya nga pala pinuntahan ka kagabi dito ni Maine," pamamalita niya. Agad bumaling ang tingin ko rito.
"B-Bakit daw siya pumunta dito Kuya Greg?" Taka kong tanong, sinalakay ako ng iba't-ibang klaseng emosyon sa mga sandaling iyon.
Muli nagkasalubong na naman ang kilay niya, "Siyempre Alden, boyfriend ka niya, nabalitaan niya ang tungkol sa paglalasing mo." eksplika niya sa akin.
Hindi ako nakaimik, nanatili lamang akong nakatungo. Pinagmamasdan ko ang aking puting kumot.
Napatayo si Kuya Greg, patuloy ko lamang siyang sinundan ng tingin. Naglakad na siya papalabas ng pinto, hanggang sa tumigil siya sa hamba ng pintuan. Muli itong umimik, "Alden maybe you have to talk to Maine. Hindi makakabuti sa relasyon niyo ang ganyan mga bagay na halos hindi kayo magkaintindihan. May nagawa ba siyang mali, o ako baka mayroon?"
Napalunok muna ako, bago sagutin ang kaniyang tanong.
" Oo Kuya may ginawa nga si Maine at ikaw. . ." malamig kong tugon sa kaniya.
Natigil siya sa balak niyang paglabas ng silid ko.
"Ano ginawa ko Alden? me and Maine are just friend now." sagot ni Kuya Greg.
"Iyon din ang alam ko, but the time na nakita kong magkayakap kayo ni Maine sa ocean park. Iba na kuya Greg!" Nasa tinig ko ang pinaghalong gigil at sama ng loob. I'm not stupid at all.
Mabilis na naglakad si Kuya Greg papunta sa akin. Agad niya akong kinuwelyuhan. Nasa mukha na niya ang labis na galit.
"Alden, mali ka ng iniisip mo. Noong nakita mong magkayakap kami ay ang dahilan, nagkaroon na ng conclusion about sa past namin. Nasagot ko na ang lahat ng mga tanong ni Maine after I Left three years ago."
Sa halos isang linggong mahigit na pagtatampo ko, bigla'y sumigla ako.
" Just what I've told to you Alden, talk to Maine please. Alam mo ba sa ginagawa mo sinasaktan mo siya!"
Tila nakonsensiya ako sa mga sandaling iyon. Nangako pala ako dati sa kaniya, na iintindihin ko si Maine. Susuportahan,rerespituhin at pagtitiwalaan ko ito. Pero ano ang ginawa ko. I made a mistake.
Bigla ko na lamang narinig ang pagsara ng pinto ng aking silid. Muli akong nahiga, itutulog ko muna ito, baka-sakaling mawala na ang pananakit ng aking ulo.
Marahan kong inabot ang aking cellphone na nasa may side table. Pinagmasdan kong muli ang wallpaper ng aking cellphone. Marahan kong kinausap ang imaheng nasa wall image ng aking android iphone.
"I'm sorry my labs, promise babawi ako." Kasabay niyon ang paghalik ko rito. Kusang pumikit na ang aking mga mata pagkatapos. . .

BINABASA MO ANG
✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE)
RomanceForever Yours, Forever Mine (UNDER REVISION-EDIT) (romance) babz07aziole Alden Vriganza lahat halos nasa kaniya na, marangyang buhay. Kasikatan, mga totoong kaibigan. Ngunit may darating na magpapabago sa kinagisnan niyang buhay. Si Maine Sanchez. I...