Beargen...

77 1 0
                                    

Got Ya! (Lost and Found)

PAALALA: Ang istoryang ito ay pawang nangyari talaga sa totoong buhay.

Naisip ko lang kasi na gumawa ng isang maikli pero madetalyeng pagkkwento ng pagtatapos ng klase naming sa 1st semester.

Ako nga pala si James Mark Naquila Canoy also known as Bogs, JM, at Deejay. Hehehe. Nag-aaral sa Christian Colleges of Southeast Asia (CCSA) located at Tulip Drive, Matina, Davao city. 17 years old pala ako and I’m taking up Bachelor of Secondary Education major in English.

Lunes noon nang magsimula ang aming removal exam sa subject naming COMSCI (Computer Science). Di na nga sana kami mag reremoval exam kung malalaki na ang nakukuha naming grades- eh ang tipid magbigay ni sir eh hahaha ^___^

Study? Asus di naman nauso samin yan eh. Pagkatanggap ko talaga ng test paper ko eh napansin ko agad yung kaklase ko na  agad agad na sinagutan yung test paper niya without reading and understanding the questions given. Psh~ bahala siya. Kaya bago ako sumagot ay nagdasal muna ako, n asana kahit di man lang ako nagstudy eh makakasagot ako sa mga tanong. Alam naman kasi naming na mula PRELIMINARY hanggang FINALS yung topics. Pagkatapos kong magdasal ay agad ko nang sinimulang magsagot.

Brrrrttt~ di naman pala ganun kahirap eh. Tss. Okay ayun na sila, mga engot kong mga kaklase. Akala mo nung una eh ang titibay ng mga laman pero ayun pala, bumigay agad. Hahaha~ mga krakakung kong mga kaklase, nag iiyakan na yung iba. Haaayyy~ Grabe, pati ako, di ko rin naisip na ganito magtatapos yung 1st semester ko sa institusyong ito. Bigla kong naisip yung mga nangyari sa halos apat na buwang  pananatili ko dito. Sigurado akong mamimiss ko mga yun, lalo na mga kaklase kong  ‘to. Lahat din naman kasi kami hindi sigurado kung makakapag-aral pa sa 2nd semester eh.

Habang abala ang mga kaklase ko sa pakikipag yakapan, beso-beso, at iyakan sa iba ko pang mga kaklase, yung iba ko naming kaibigan ay nag-aya na gumala sa pinaka malapit na bahay ng kaklse naming na si Angelou. Walking distance nga lang raw kasi bahay nila kaya sumama na kami, total last day na din naman elounaming magliwaliw together.

Naglalakad na kami ng magsalita si Angelou at magtanong kung sigurado ba kami na pumunta sa kanila eh napaka liit di umano ng bahay nila. Natahimik na lamang at walang nagawa si Angelou ng sabay kaming sumagot ng “OO”. Masaya’t maingay kami noon habang naglalakad kami. Ganyan naman talaga siguro kabataan ngayon. Di na patitinag at din na basta-basta magpapahuli.

Ilang minute na ata lumipas nang di pa kami nakaabot sa bahay ni Angelou. Panay na tulo ng mga pawis namin. Tirik na tirik pa naman kasi yung araw. Natatawa na lang din kami ng isa isa nang magreklamo mga kasama ko. Kung sang planeta ba raw naroon bahay nila, kung ilang oras pa raw bago kami makaabot dun, at kung saang petsa pa raw ng kalendaryo bago nmin maaninag bahay nila Angelou. Hahaha~  Ako? Heto nakikinig na lang, ganyan talaga pag inspired eh- may sariling mundo :’)

Grr-Grr-Grr.. -___-“ Di basta-bastang tunog yan. Yan lang naman kasi vibration mula sa tiyan ko. Patay na nga ata alaga ko eh at alam ko, ganun din nararamdaman nila.

Sa di kalayuan-Actually malayo nap ala hehe, FINALLY!!! Nakaabot na rin kami. Phew~ at agad kong sinilip ang loob ng bahay nila. Na curious lang naman kasi ako sa kanina pa niyang sinasabing maliit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Got Ya! (Lost and Found)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon