Chapter 87

108 4 0
                                    

Baka po hindi niyo pa nababasa ang chapter 85 at 86 ha.. Pakibasa po muna bago ito :))

Third update for the day :)

COMMENT and VOTES :)

---

Chapter 87

Nasa loob ng opisina si Patrick. Nakasandal siya sa swivel chair niya at nakatingala. Malalim ang iniisip at kanina pa siya hindi makapag focus sa trabaho niya. Ipina cancel niya pa sa sektretarya niya ang lahat ng mga appointments niyang naka schedule maghapon. Akala ng sekratarya niya ay may importanteng pupuntahan si Patrick pero wala naman dahil kanina pa si Patrick nasa loob ng opisina.

KNOCK KNOCK KNOCK!

Pumasok ang sekretarya niya sa loob ng opisina niya.

“Sir. 10 pm na po hindi pa po ba kayo uuwi?”

“Kung tapos ka na sa mga ginagawa mo, umuwi ka na, Ms. Mauricio para makapagpahinga ka na. Thank you for this day.”

“s-sige po sir. Magpahinga na din p-po kayo.” Nagmadaling umalis ang sekratarya niya.

Gabi na at wala pa ding balak umuwi si Patrick buong maghapon nasa loob lang siya ng opisina niya at wala siyang ginawa kahit ano maliban na lang ang tumitig sa kisame at pasakitin ang batok at utak niya sa kakaisip ng nangyari noong isang gabi sa party.

Sino ba naman ang hindi magugulat kung ang taong matagal mo ng pinapahanap ay ngayon ay nagpakita na. Ngayon handa ka ng kalimutan ang lahat ng nakaraan ay tsaka naman dumadating ang hinihintay mo.

I've fallen inlove with my kidnapper 2 (CONTINUATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon