"The only time goodbye is painful is when you know you'll never say hello again."
Dio Mondragon
Prime Corals Residences
Kailan mo ba masasabi na sawa na yung jowa mo sayo?
Instinct?
Signs?
Oh kung isang araw basta ka nalang niya di kinibo. Na di mo matanto kung ano yung nagawa mong mali para magka-ganun siya.
At ang masaklap, kung may napupusuan na siyang iba.
Sky is so odd this past few weeks, oo nga at nagsesex na kami pero parang di na tama. Ramdam kong pinipilit nalang niya, yung di na siya nag-eenjoy. Minsan pa nga hawak na niya cellphone niya while I'm doing him. And then after that, tutulugan na niya ako. The next morning naka-alis na siya at pumasok na sa ospital. Hindi ko rin siya madalas makita dahil nasa ibang building na siya. Naka-separate kasi yung Pedia wing ng ospital lalo na yung Child Neuro at Oncology. Malayo siya sa Main Surgery Wing at sa Coronary Care.
Ngayon nga ay day-off naming dalawa, nakadapa siya sa sofa at naglalaro sa kanyang phone. He's just wearing boxers, at sa pagkakadapa niya dun ay tinitigasan nanaman ako.
I tried to start a conversation pero di niya ako pinapansin. Medyo nilapitan ko siya at nakita ko nga na may nakasuksok na earphones sa tenga nito.
Medyo nagbago nga si Sky, hindi naman ito mahilig sa mobile games dati pero ngayon ito na ang pinagkaka-abalahan niya. Malimit narin siyang mag-yosi, nakikita ko sila ni Lex minsan papunta sa roof top para magyosi. Kasama nila yung mga Nurses na yosi boy din. Gusto ko siyang sitahin pero baka magalit sa akin. Nakita ko nalang one time na sinisita siya ni Argus and I saw how Sky reacted.
"Kasalanan ko ba kung bakit na siya ganyan?" tanong ko nalang sa sarili ko noon.
Matagal nga akong nakatitig sa kanya. Andami kong iniisip, andaming pumapasok sa utak ko. Hanggang sa mag-inat ito at umayos ng upo.
"Oh, andiyan ka pala" tugon nito habang tinatanggal niya yung earphones sa kanyang tenga. "May iuutos ka ba? Mag-sesex ba tayo?"
I frowned at him.
"Galit ka ba sa akin?"
"Why would I be mad at you?"
"Ba't ka nagkaka-ganyan?"
"Pinagsasabi mo?"
"Ano to Sky? Ano tayo?"
"Ano ba tayo?"
"Lintik na yan ah, wag mo ngang sinasagot ng tanong ang isa pang tanong. Para kang bobo eh"
"Bobo naman talaga ako eh"
"Hindi yun ang punto ko, you're ignoring my calls, my texts at iniiwasan mo ako these past few days. Pag inaaya kitang lumabas you keep rejecting me. Andami mong alibi, ano ba ako?"
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomanceIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...