1 month Later......
Isang buwan na ang nakakaraan simula nung iniwan niya ako at nawala ng parang bula.
Wala kaming kaalam-alam kung bakit. Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung bakit.
Nagpaimbestiga ako ngunit kahit na isang impormasyon wala akong makuha. Wala siyang records sa eskwelahan. We even went to her hometown pero walang Nicole De Guzman sa lugar na iyon. It's like she wasn't even existing.
Kung ako lang ang nakakakilala sa kanya iisipin ko na rin siguro na nababaliw na ako pero hindi. Alam nina Lena. Nakilala nila si Nicole kaya alam kong totoo siya. Pero hindi ko lang maisip kung bakit niya ako nagawang iwan sa pangalawang pagkakataon.
Halos araw-araw akong umiiyak. Nagwawala at naghahanap. Everyone was looking at me with pity.
Akala ko ba mahal niya ako?? akala ko ba hindi niya ako iiwan??
Pinunasan ko ng luha sa mga mata ko saka tinungga ang natitira pang alak sa boteng hawak ko.
"Mahal mo ako??? tsk.. bullshit!! Sinungaling!!!!"
Sigaw ko habang pasuray suray na tumayo. Hilo na din ako at umiikot na ang aking paningin. Ano bang pake nila!? nararamdaman ba nila yung sakit na nararamdaman ko!?
"NICOLE!!! HAYOP KA!!! SINUNGALING KA!! PAASA KA!!"
Sigaw ko saka binato ang bote sa pader.
"Ate!! tumigil ka na! Lasing ka na oh!"
Rinig kong saway ni Chris na kakalabas pa lamang ng bahay.
"H-Hey bro? akala ko tulog ka na?"
Tumatawa kong tanong.
"Nagising ako ang ingay mo kasi."
Lumapit siya sa akin at akmang hihilahin na ako pero tinapik ko ang kamay nito.
"Go inside! wag mo kong pakialaman!"
Sigaw ko.
"Ate pwede ba!? palagi ka na lang umiinom ehh!! para kanino!? kay ate Nicole??? ni hindi nga niya nakuhang magpaalam sayo! kalimutan mo na siya dahil ang tulad niyang manloloko hindi dapat iniiyakan!!"
Kita ko ang galit sa mukha niya ngayon. Alam ko napupuno na siya sa akin. Dahil araw araw na lang akong ganito.
Lalong tumulo ang mga luha ko saka ako napaupo sa damo habang humihikbi.
"I love her Chris.... I love her... di ko kayang wala siya... I-I know she'll come back... she promised..."
Iyak ako ng iyak hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap niya sa kin..
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya saka nagsalita."I am sad too... namimiss ko na rin siya. Pero galit ako dahil umalis nanaman siya ng walang paalam. Pero ate... andito pa ako..andito sina ate Lena... sana wag mong kakalimutang di ka nag-iisa... Mas nasasaktan kaming nakikita kang ganito ehh."
Sa tingin ko umiiyak rin siya dahil naririnig ko ang pagsinghot niya.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa maramdaman ko ang pagod ng aking mga mata.
Naramdaman ko ang marahang pagtapik sa akin ng kung sino kaya dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang mukha ni Stacy na naaawang nakatingin sa akin.
"Sum... gising na. May pasok pa tayo."
Sambit niya pero nagtalukbong lang ako at tinalikuran siya.
BINABASA MO ANG
The Assassin's Heart (gxg)
Romance"White resembles purity, but to me... it's the opposite."